Isang linggo na ang lumipas matapos ang mga naganap sa araw ng Science Fair
… Ang pagkapanalo
…ang pagka wala ng cellphone ko
… at ang nangyari kay Jake….Ilang oras akong nanatili sa tabi ni Jake habang palihim siyang umiiyak.Hindi ako nagsasalita, walang nagsasalita sa aming dalawa tanging hininga lang namin at katahimikan sa paligid ang nangingibabaw.
Tumabi ako sa kaniya para maka sandal siya sa balikat ko. Ilang oras kaming ganun ang pwesto. Hanggang sa tuluyan na siyang kumalma at nakatulog sa tabi ko.
Pabalik balik sa utak ko ang naganap lalo na nung duamating si Jack, na mainit nanaman ang ulo.//THROWBACK//
“Jack?” pabulong kong pagbanggit sa pangalan niya nang makita ko siyang tumatayo sa hindi kalayuan.
Nagtagpo ang mga mata namin. Biglang kumunot ang ulo niya sa hindi ko malamang dahilan.
Unti unti siyang lumalapit…
“Anong nangyari kay Jake?” sabi niya habang kinukuha si Jake mula sa pagkakaupo at pagkakasandal sa balikat ko.
Sinabi ko sa kaniya kung paano ko nakita si Jake dito sa corner ng pathway. Kung paano ko siya nakita na lasing na lasing.
Binanggit ko din ang pag-iyak niya at ang pagcomfort ko sa kaniya.
Inalalayan niya si Jake sa paglalakad.
Tutulong sana ako kaso hindi na niya ako pinayagan. Mabibigatan lang daw ako.
Tumungo kami sa sasakyan niya.
Pinasok niya si Jake sa backseat, kaya sa front seat nalang ako umupo. Hinatid nila ako sa boarding house.
Binuksan niya ang bintana at “…cellphone mo” sabi niya habang inaabot ito.
“SALAMAT JACKK. Saan mo nakita?” nawala na sa isip ko ang cellphone ko dahil kay Jake. Buti nalang nakita niya.
“sa lib”
maikling sagot niya at isinara na ang bintana ng kotse, at tuluyan na silang umalis.
//END OF THROWBACK//
*BEEP BEEP* Biglang vibrate ng cellphone ko sa mesa.
“NASAAN KA NA?”
Message sakin ni Anne
*BEEP BEEP* vibrate nito ulit.
“NAMUMUTI NA MGA BUHOK NAMIN KAKAHINTAY SAYO”
Meessage naman ni Jenni.
Sunod sunod yung mga texts nila sakin..
Gagala kasi kaming anim since may long weekends kami. Walang pasok for four days. Matagal-tagal na din kasi kaming hindi nakapag libang na magkasama dahil sa dami ng mga Gawain at responsibilidad sa College life.
“TIM!!!” sigaw ko habang hinahanap si Tim sa bahay. Umuwi kasi muna ako para ihatid yung mga labahin ko.
Si Tim naman, hindi na tumutuloy sa boarding house niya kasi binigyan na siya ni Daddy ng bagong motor, kaya pwede na siyang umuwi araw-araw.
“Bakit, Ate?” sabi niya habang nagpapapogi sa harap ng salamin?
“Saan kapupunta? Bakit parang pormang porma ka yata ngayon?” sabi ko habang ginugulo ang inayos niyang buhok
“Ate namannn eh” pagpapabebe niya. “Akala mo, ikaw lang marunong gumala?” patawang sabi niya.
“Sabay na ako sa iyo. Ihatid mo ko” Hindi siya pumayag pero wala siyang magagawa dahil isusumbong ko siya ni Daddy sa lahat ng kagagawan niya sa school kapag hindi niya ako ihahatid.
YOU ARE READING
Crush: A Twin Brother's Conflict
Teen Fiction"Crush" noun | /'krəsh/ noun : a strong feeling of romantic love for someone that is usually not expressed and does not last a long time ... But what if it does last long? Crush pa din ba ang tawag dito? Anong kaya mong gawin para ipaglaban ang maha...