Chapter 1

683 45 6
                                    

"BAEKHYUN!"

Narinig kong tawag saken ng Bestfriend kong si Luhan. Napatingin naman ako sa likod ko. Nandito kami ngayon sa School, Unang araw ng klase pero Saksakan ng dami ang mga Pinapagawa na agad samin. Nagsusulat ako ng notes sa Notebook ko. Samantalang, Si Luhan tapos na siya magsulat. Bago tayo magkalimutan, I'm Byun Baekhyun. 19 years old. I'm studied at SoKor University. Si Luhan, Siya naman ang Childhood bestfriend ko. Mabuti nga hanggang ngayon magkasama pa din kami. Halos lahat ng mapasukan naming school palagi kaming magkasama. Tapos na ang Science subject namen, Mapeh na ang last subject namin for today! "Mapeh na pala next subject natin, Sana naman hindi rin masungit magiging teacher natin!" Sabi ni Luhan habang nakapout pa siya saken. Napatawa nalang ako.

May iba't ibang mundo kami dito sa loob ng room, May naglalandian na Magjojowa na kala mo may Forever. May naglalaro ng Mobile games na mga makasigaw kala mo naghahamon ng gera. May nagtatalian ng buhok na ginawang parlor ang School at iba pa.

Maya maya pa, Narinig ko ang katahimikan sa loob ng room namin. Napatingin kaming lahat sa lalaking pumasok sa room namin. Matangkad siya, Maputi, Singkit, Malaki ang tenga pero Gwapo. Siya yata ang magiging Mapeh teacher namin. Seryoso lang siyang nakatingin samen habang papunta sa table. Nilapag niya ang mga gamit niya sabay nag greet samin. "Good Evening, Class!" Sabi niya. Tumayo naman kaming lahat para mag greet din at Umupo na din kami. Naagaw ng atensyon ko ang Deep husky voice niya. Sobrang bagay sa kanya. "Before we start, I like to introduce myself. I'm Mr. Park Chanyeol, You can call me as Mr Park, I'm your Mapeh teacher!" Pagpapakilala niya samen. Narinig ko naman ang kanya kanyang bulungan ng mga Malalandi kong Classmates na kala mo mga bubuyog. "Argh! Ampogi mo zer! Enebe!" rinig kong sabi ng isa kong kaklaseng babae sabay pinalo pa yung katabi niya. "Nako sinabi mo pa! Favorite kona ang mapeh!" sabi naman ng isa. "Sir, akin ka nalang sh*t!" Sigaw naman ng isang babaeng hindi nagpatalo habang tumayo pa. Napatawa nalang kaming lahat sa mga naging reaksyon nila, Nakita ko naman na napatawa ng kaunti si sir Park. Kitang kita naman namin ang Dimple niya na lalong nagpakilig sa mga Kaklase kong babae. "Okay class enough! Wala muna tayong masyadong discussion today since it's first day of school" Nakangiti na sabi ng teacher namin. Dahil doon, Naisipan ng mga kaklase kong babae na magtanong nalang sa kanya since pogi nga daw si Sir Park! Hindi ko naman maidedeny yun. He's truly Handsome! "Sir, May girlfriend na po ba kayo?" Kinikilig na sabi ng isa naming kaklase. "No, I don't have-" Hindi na natuloy ni sir Park ang sasabihin dahil kinilig na agad yung babaeng nagtanong sa kanya. Napatingin naman si Luhan saken, "Grabe noh! Masyado silang kilig na kilig kay Sir Park! Sa bagay, Pogi naman talaga!" Natatawang sabi ni Luhan saken. "Mga feelingera! Kala mo gaganda, Papatusin sila ni Sir Park!" Bitter naman na sabi ni Dyo habang inirapan pa ang mga babae naming kaklase.

Hindi naman maialis ang tingin ko kay Sir Park. Bat anlakas ng impact niya saken? Oo nga pogi siya, Di ko naman madedeny pero parang na love at first sight yata ako sa kanya? Sht Baekhyun! No! Teacher mo yan kaunting respeto naman! "Oy Baekhyun? Anyare sayo diyan gurl?" Tanong ni Luhan saken. Nahuli niya kase akong nakayuko. "Epekto ni Sir Park siguro, Nahawa siya sa mga kaklase nating babae!" Biro ni Dyo habang naka crossed arms pa siya. Natawa naman si Luhan sabay nag apir sila ni Dyo. Napairap naman ako sa kanilang dalawa.

𝑻𝒉𝒆 𝑻𝒆𝒂𝒄𝒉𝒆𝒓'𝒔 𝑺𝒍𝒂𝒗𝒆 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon