THIRD PERSON'S POV
Unti unting umangat si Crimson sa kinauupuan niya kasabay ng pag angat ni Ice sa kanyang kama. Napatigil ang mga healers ganun din ang mga kaibigan ni Ice sa nangyari. Shock was written all over their faces, ni hindi nila malaman kung ano ang uunahin, ang humingi ng tulong o gumawa ng paraan.
The doctor after being composed run outside immediately to call the Principal. Flora and Maxx are crying while staring at Crimson and Ice na parehong nakalutang sa ere, both emitting white glowing light. Habang nagkakagulo sa loob ng kwarto, lingid sa kaalaman nila ang nangyayari sa tatlo pang binata na kagaya nila ay walang malay at nagliliwanag.
Ashton is floating at the park and almost all the students there are bewildered and confused on what was happening to the Wind Prince. Blue and Wave are at the corridor floating and glowing shocking all of the passersby.
"Ma'am I think the incident of Ice triggered all of them. Sabay sabay sila ngayong tumatanggap from the deities. What should we do?"-the doctor is panicking while Ms. Brixx immediately slammed her palms in her desk making all the papers flew.
"Hindi pwede 'to. Masiyadong pang maaga, dapat 3-4 months pa! Pagsamasamahin niyo sila sa white room, wag niyo silang paghihiwalay walayin, they have to stick together"-Ms. Brixx commanded the Doctor before calling for an Emergency Meeting for the High Council
On the other hand, committees who possess the Air Core guided the 5 students who experienced the weird thing to the White Room. Just as the Principal instructed ibinilog sila na may agwat na 3 metro bawat isa. They look beautiful as the 5 of them continued to float and glow, hindi maiwasan na humanga ang committee sa kanilang nakikita.
~~~
MS. BRIXX'S POV
Bakit napaagap ang pagtanggap nila gayung dapat may 3 buwan pa silang nalalabi para sa paghahanda? Maaari nitong magulo ang dapat mangyari, tss baka tuluyan na kaming mapahamak nito.
Dali dali akong pumunta sa opisina ko kung saan nakaupo na lahat ng kasapi ng High Council. Bilang tagapamahala ng Elementia Academy agad akong nagtungo sa upuan ko kung saan nakalagay sa pinakamataas na bahagi indikasyon na ako ang nakatataas. Sa kanan ko naman nakaupo si Don Ezra Amadeus pinuno ng Fire Clan at ama ni Crimson, napakaayos ng tindig nito at ang mga tingin niya na nagpapahayag na hindi ako basta basta kaya rumespeto ka, sa kanya nakuha ni Crimson ang mga malalamig nitong mata, ang mga mata nito na kagaya ng sa anak ay may golden specks din. Sa kaliwa ko naman nakaupo si Lady Kira Plum ang pinuno ng Earth Clan at isa sa mga pinakamagaling na potion maker, balingkinitan ito at sa kabila ng kanyang edad ay masasabi mong maganda parin ito, hanggang balikat ang kanyang kulay lupa na buhok at kapansin pansin din ang kulay pulang lipstick nito, unang tingin palang ay masasabi mong siya ang ina ni Maxx kahit na magkaiba ang kulay ng kanilang mga balat at buhok.
"Brixx paanong napaaga ang araw ng kanilang pagtanggap? Akala ko ba ay may ilang buwan pa tayo para mapaghandaan ito?"-sopistikadang tanong ng pinuno ng Water Clan na si Lady Kaye Azul na ina naman ni Wave.
"Yun din ang alam ko, kakayanin ba ng katawan nila ang nangyayari ngayon? Bakit mo sila pinabayaan?"-halata mo ang pagkainis sa boses ni Ezra
"Dapat kasi inayos mo muna ang ugali ng pamangkin mo. Ni hindi ko alam kung san niya nakuha ang ugali niya gayung napakabuting tao ni Kiana at Warren. Sa ngayon wala tayong magagawa kung hindi paghahandaan ang mga maaaring mangyaring pagbabago. Kung maaari lamang ay araw araw mabisita ng mga healers ang mga bata, maaasahan ba kita dun Kira? Mainam din kung sa kabilang linggo ay masimulan na ang pagtuturo sa mga estudyante natin kahit na dapat ay sa susunod na linggo pa ito"-nag aalala ako ngayon dahil siguradong mas mapapaaga din ang araw ng paghuhusga kaya dapat isinasalang na namin ang mga estudyante sa pagsasanay lalo na at hindi kami sigurado sa mga pwedeng mangyari.
"Dadalhin ko muna dito ang ilan sa mga mahuhusay kong sundalo para tumulong sa mga estudyante mo at para narin mas maensayo sila"-suhestyon ng pinuno ng Wind Clan na si Aizer Grey na nakatatandang kapatid naman ni Ashton since pumanaw na ang mga magulang nila.
"Ako na ang bahalang magpaliwanag sa mga estudyante sa nangyayari. Kung maaari ay tulungan niyo akong ihanda ang mga bata dahil itong nangyayari ngayon ay indikasyon ng nalalapit na digmaan"-seryoso kong pahayag na ikinatango naman nila
"Pero matanong ko lamang ang sabi mo ay babae ang isa sa mga hinirang? Ang akala ko ba ay si Raze ang mamumuno para sa partido ng Ice Clan? Papaanong isang transferee ang nahirang?"-taas kilay na tanong ni Kaye
"Oo nga, kaya nga pinaghanda na natin noon si Raze"-dagdag pa ni Ezra
"Hindi ko alam, pero ang masasabi ko lang mas malakas ang tinataglay niyang mahika kaysa kay Raze. Kayang humiwalay ng core niya sa kanya, nuong una ay nagulat ako sa nakita ko ng mag ibang anyo ito ngunit dun ko napagtanto na siya, siya ang hinirang sa lahat"-mukha lalo lamang silang naguluhan sa sinabi ko napabuga na lamang ako ng hangin.
"Siya ba yung bata?"-diretsong tanong sakin ni Aizer na ikinataas ng kilay ng ibang miyembro
"Akala ko ba ay namatay ang bata?"-naguguluhang tanong ni Kira
"Wala pang siguradong kasagutan riyan, pero may kutob ako na siya nga."-muli akong bumuga ng hangin, tss kailangang maihanda agad namin sila.
Si Warden, sigurado na may alam siya sa mga nangyayari. Hindi siya dapat naririto, wala dapat siya sa paaralan namin dahil sa aura na lumalabas sa kanya. Pero bakit siya naririto? Sinong nagpadala sa kanya dito gayung dapat nasa kabilang Academia siya? Nagsisimula na ba sila?
Isinawalang bahala ko pansamantala ang aking iniisip at agad na tinapos ang meeting namin. Napagkasunduan na ang bawat Clan ay tutulong para sa nasabing pag eensayo ng mga estudyante. Ang high council naman ang bahala at nakaatas sa limang napiling bata, tss kailangan kong makausap si Raze.
"Pakitawag si Raze sa kanyang silid, kailangan ko siyang makausap ngayon din"-utos ko sa aking sekretarya
Habang naghihintay ay hinanap ko muna ang kailangan kong libro, di naman ako nahirapan sa paghahanap dahil sa lahat ng libro ito ang pinakakakaiba. Mula sa kulay ginto at silver nitong cover at nababalutan din ito ng bato na may kulay white, red, green, blue, at crystal representing the 5 good cores.
May marahang katok na nagmula sa pinto bago ito bumukas at pumasok naman agad si Raze na nakapangtulog pa. Hindi ko naman siya masisisi gayong alas kwatro palang ng umaga, pero hindi ko kasi pwedeng ipagpalipas ito lalo na at wala na kami masiyadong oras.
"Nagsimula na ang pagtanggap. Ang akala namin ikaw ang.."-hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad akong pinigilan ni Raze
"I know, akala ko mas mauuna niyo pang malaman ang bagay na iyan. Si Ice, there's something wrong with her. Nung nahawakan ko siya I saw a different persona inside her, mabilis ang pangyayaring yun pero I think she and her core can communicate. Her core can control other cores at hindi ko alam kung paano nangyari yun"-seryosong saad ni Raze, agad na nawala ang nararamdaman nitong antok na buklatin ko ang aklat na hawak ko.
"Andito ang mga kasagutan sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko alam na mas mapapaagap ang paglalabas ko nito but we doesn't have any choice"-agad kong hinanap ang pahina na kailangan ko at ng makita ko ito ay lalo lamang akong naguluhan
"Where's the page? Bakit wala ang limang pahina ng libro?"-bakas sa tinig ko ang pagkalito, paanong nawawala ito eh hindi naman ito naalis sa poder ko mula ng ibinigay ito sa akin
"She protected the book incase someone tried to steal the book. She hid the pages somewhere"-seryosong saad ni Raze
What did he mean? Did she really hid the pages? Tss we doesn't have enough time to look for those.
"She even left a clue, didn't you notice this dots? It's actually a morse code and this numbers are also clues, I'll answer them for you just take care of those kids especially Ice"-he wrote the codes on a piece of paper then left without saying any word.
Aish that kid is really mysterious just like his father, exactly just like him.
Author's Note:
Gosh thank you guys sa love and support, much appreciated💜
BINABASA MO ANG
The Lost Ice Princess❄ of Elementia Academy👑
FantasyWhat happens when you found out that you are not what you think you are? And you belong into some magical world, would you cope up or just let it be the way it is? That's exactly what happened to Cathalina, a young girl who is living her life perfe...