Chapter 40

3.4K 126 3
                                    

Hanggang 2 ng madaling araw kami nag uusap ng mga kaibigan kong bruha at puro walang kwenta naman ang pinag uusapan namin, but it's still worth it anyway. Namiss ko itong gawin kasama sila although first time na umabot kami ng madaling araw kasi usually hanggang eleven to twelve lang kami before.

Dahil sa isang linggo kong pag gising ng maaga eh nagkaroon na ata ng body clock ang katawan ko where nasanay na akong gumising ng 6:00 am in the morning. Bumangon ako from my bed a bit groggily from the lack of sleep kaya agad akong naghilamos at nag toothbrush. Argh I'm tempted to lie down again and just sleep hanggang tanghali na at kung medyo papalarin pa hanggang hapon na din sana.

I look at my friends at himbing parin sila kaya hinayaan ko nalang muna silang matulog pa at nagtungo muna ako sa salas to fix some few things medyo makalat din kasi ang mga babaeng yun. Habang inaayos ko yung ilang gamit sa may coffee table namin ay may biglaan namang kumatok, kahit nagdadalawang isip ako kung dapat ko bang buksan o hindi yung pintuan eh binuksan ko narin. Sino ba naman kasi ang kakatok sa dorm nila ng ganito kaaga? At mind you, it's Saturday in the morning.

"Oh Kuya Ashton what are you doing here?"-nagulat naman ako kasi nakita ko si Kuya Ashton at Crimson sa harapan ng pintuan, anong ginagawa nila dito ng ganito kaaga? At paanong nagising sila ng ganito kaaga? Anong klaseng himala ang nangyari dito ha?

"We need to talk, urgent daw sabi ni Miss Brixx!"-mukha namang nagmamadali talaga siya kasi bigla nalang niya akong hinila - or should I say kinaladkad rather - closing the door after. Ewan ko lang kung hindi niya napansin ha pero nakapang tulog parin kasi ako which consist of a shorts and a loose shirt, malamig pa sa labas dahil maaga pa. Ni hindi pa nga sumisikat si Father Sun pero heto sila at kinakaladkad ako! Parang gusto ko siyang hambalusin ng dos por dos ngayon pero wala lang akong makuha na kahoy. Argh talk about perfect timing.

"Hoy Kuya Ashton incase na hindi mo alam pero nilalamig na ako! Hindi mo manlang ako pinagbihis ng maayos bago tayo umalis!"-pagmamaktol ko habang patuloy niya parin akong kinakaladkad. Dude, I can walk, I'm already 17 years old for petes sake! Buti sila nakajacket na nakapanjama pa.

Agad namang hinubad ni Crimson yung jacket niya at inihagis sa mukha ko, fudge chivalry is dead! Okay na sana eh sakit lang sa mukha at mukhang dalawa na din ang hahambalusin ko ng dos por dos mamaya! Nasan ba yung tubo? Parang mas maganda yun ah.

"Wear it then shut up!"-he said while striding ahead of us, tss kahit pikon eh dali dali ko naman itong sinuot, thanking all the deities I know after feeling all warmed up.

Hinayaan ko nalang na 'hilahilahin' (kaladkadin) ako ni Kuya Ashton just like a ragged doll, kahit magreklamo ako ng magreklamo eh hindi naman sila nakikinig at all dahil nagmamadali nga raw kami, baka mamaos nalang ako eh wala parin. Ito na ba yung sinasabi nilang Just go with the flow?

Pagkapasok na pagkapasok namin ng dorm eh pinaupo agad nila ako katabi si Wave at Kuya Blue, nagulat naman ako nung makita ko si Raze at Miss Brixx sitting in front of us, grabe bigla naman akong nahiya sa suot ko ngayon bakit ba kasi ito ang isinuot ko kagabi? Agad namang naupo si Ashton at Crimson sa parehong single sofa sa tigkabila namin.

"So now that all of us are here pwede na tayong magsimula right?"-panimula ni Ms. Brixx kaya tumango naman kaming lima, para namang may choice kami 'di ba?

"Ang lahat ng ito ay naisaad na sa isang propesiya, ang pangyayaring ito at pagkakapili sa inyong lima ay nakita na ng former princess, ni Princess Katherine sa isang pangitain. Ayon sa kanya ay hindi naging maganda ang naging resulta nito noon.

Kaya upang matulungan tayo na magtagumpay isinulat niya sa isang libro ang lahat ng maaaring makatulong sa inyong lima at sa ating Academia. Lahat ng pwedeng pangontra sa mga kahinaan niyo ay nandun sa libro.

The Lost Ice Princess❄ of Elementia Academy👑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon