Hapon na nung umalis kami ng palasyo nina Ashton, suot suot namin yung malalaking itim na cape namin with its hood on. Ewan ko ba kung bakit suot namin ito ngayon, ayoko namang magtanong dahil baka naman may magandang reason sila.
"People can't see us, they can't know why were here."-Raze's voice is almost like a whisper, if you're not paying attention siguradong hindi mo agad yun maririnig. Akala ko nabasa niya yung tanong sa utak ko.
"Hindi lang tayo ang mapapahamak kaya make sure to cover your face, lalo ka na Ice. They can't know that you're a girl"-marahan lang akong tumango at mas hinila pa ang hood ko para matabunan ang mukha ko.
I'm still wearing my moss green dress kaya malaki ang pasasalamat ko sa cape na ito kasi natabunan nito ang damit ko. Medyo magubat yung nilalakaran namin, I'm assuming that the person we are looking for is hiding from the city's civilization.
May natatanaw na akong isang maliit na bahay, para lang itong gawa sa kawayan at konting kahoy. Merong ilang herbal medicines na nakatanim sa may bakuram nito at ilang hayop sa tabi nito. So.. ayaw niya nga sa sibilisasyon?
Nang makarating kami sa harap ng bahay, Raze knock on the door a few times bago ito bumukas. Bumungad naman samin ang isang matandang ermitanyo. Typical hermit if you'll ask me.
"You're here!"-luminga linga muna ang matanda sa paligid, checking if we are being followed.
"Tuloy kayo!"-agad kaming pumasok sa bahay niya dahil mukhang nagmamadali din siya. Praning ba siya or something? Hindi naman ako judgemental na tao, I'm just curious kung bakit parang hindi siya mapakali.
"Madali sugo ng liwanag, ito ang pinagkakaingatan kong kayamanan kaya nawa inyong protektahan. Ipinagkatiwala sakin ng diwata ngayo'y sa inyo aking ipagkakatiwala"-nagulat ako sa malalalim nitong pananalita dahil kanina lang ay english speaking ang lolo niyo.
May iniabot siyang kahon kay Raze, maliit lang ito halos kasing laki lang ng palad. Agad naman itong itinago ni Raze sa loob ng kanyang dala dala na bag.
"Huwag na kayong babalik dito, ni ang lumingon ay huwag gagawin dahil kapahamakan ang inyong kahaharapin."-nagpalakad lakad ito sa kanyang salas, ano bang nangyayari sa kanya?
"Pagdating niyo ay tama lang, dahil aking oras ay nabibilang. Madali at umalis na, sila ay paparating na. Pakatandaan aking paalala, ang lumingon gawin 'wag sana."-pinagtulakan kami ng matanda palabas ng bahay niya.
"Takbo, tumakbo kayo! Malapit na sila, at kitilin ako ang balak nila. Takbo, tumakbo kayo! Malapit na sila, isunod kayo ang balak nila!"-mabilis kaming tumakbo palayo sa matanda. Gaya ng sabi niya ay hindi kami lumingon, kahit gustuhin ko ay ayokong ipahamak ang aming grupo.
Mabilis kaming nakalabas ng gubat, pero hindi kami tumigil pagtakbo. I don't know if we still have to run hanggang sa palasyo pero kung yun nga ang balak nila, wala akong magagawa.
Nang makarating kami sa palasyo ay agad akong napasalampak sa sahig dahil sa sobrang pagod. Malayo layo ang aming tinakbo at ang daan dito sa palasyo ay paakyat. Habol na habol ko ang hininga dahil pakiramdam ko ay pinagdadamutan ako ng oxygen.
"Anong nangyari?"-mukhang nagtataka si Aizer sa mga itsura namin, lahat kami ay tagaktak ang pawis.
"Patay na ang ermitanyo"-parang bumagsak ang puso ko sa sinabi ni Raze.
"Nasundan kayo?"-seryosong tanong ni Aizer.
"Hindi.. maaaring may nagsabi sa kanila ng pagpunta namin dito."-Raze looks like in deep, may traydor sa school? Pero walang ibang pinagsabihan about sa misyon naming ito.
"Kailangan niyo ng malaman kung nasan ang sunod na papel. Huwag mo ng banggitin kahit kanino ang malalaman mo, sa iisang silid kayong anim mamamalagi."-mabilis na umalis si Aizer para ihanda ang kwarto namin, ano na bang nangyayari?
BINABASA MO ANG
The Lost Ice Princess❄ of Elementia Academy👑
FantasyWhat happens when you found out that you are not what you think you are? And you belong into some magical world, would you cope up or just let it be the way it is? That's exactly what happened to Cathalina, a young girl who is living her life perfe...