02

7 0 0
                                    

Fulfilled Melody

I don't wanna feel, I don't wanna show
How much my heart yearns for your soul
But it's hurtin' badly, I need to stop, I know...’

Nanatili akong nakatitig sa magulong pahina ng kwaderno sa harapan ko. Hindi ko mahanap ang tamang mga salita upang tapusin itong isinusulat kong awitin—my melody for him.
Isinara ko na lamang ito at nagpangalumbaba habang nakatingin sa kawalan.

"Lyra, ready ka na ba para sa party?"

Dahan-dahan akong tumuwid ng upo at pinilit ang sariling magmukhang pagod at inaantok. Sa gano'ng paraan ay hindi na niya ako pipilitin pang dumalo ng party.

"Pwede bang 'wag na 'kong sumama? Dito na lang ako, please."

"Hindi pwede! Sasama ka o sasama ka?"

"Amy, naman eh!" Napanguso ako ng pandilatan niya ako ng mga mata. "Kung gusto mo ako na ang maglalaba ng mga damit mo at ang magluluto tuwing umaga. Just this time, okay?"

"Sagutin mo nga ako, siya na naman ba ang dahilan kung ba't ayaw mong sumama?"

Natigilan ako sa tanong niya, at ilang segundo pa bago ako nakasagot. Siya nga ba?

"O, ba't 'di ka makasagot agad?"

"H-Hindi 'no," sagot ko. Pero agad din akong napayuko at napakagat-labi. Gusto kong iumpog ang sarili ko dahil kahit gustuhin ko mang magsinungaling, alam ko mismo sa sarili ko na walang ibang dahilan kundi siya, at tanging siya lang.

"Tsk." Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko at pagyakap sa'kin. "Ganito na lang, pupunta tayo roon at mag-eenjoy, hindi para sa kaniya. Wala ng ibang dahilan pa."

Hindi ako kumibo kaya kumalas siya mula sa pagkakayakap sa'kin at padabog na tumayo sa harapan ko. "Yah! Hahayaan mo lang ba na mag-isa roon ang maganda mong best friend?"

Umiling ako. "Syempre hindi. Baka kasi makita na naman niya ang ex niya tapos walang magbubuhat sa kaniya 'pag naglasing siya."

Natawa ako ng makita ang hindi maipintang mukha ng best friend ko.

"Bahala ka nga dyan, mag-ayos ka mag-isa mo!"

Malakas niyang isinara ang pinto matapos niyang mag-walk out. Napailing na lang ako. Pareho talaga kami ng best friend ko, parehong malas pagdating sa pag-ibig.

"Shot pa!"

Napailing na lang ako. Paano kasi, tama 'yong naisip ko kanina. Nagkita sila ulit ng ex niyang babaero kaya ayan at naglasing na naman.

Tahimik lang ako habang nakaupo't umiinom ng ice tea. Nagmamasid. Nakikipagngitian sa mga dumadaang kakilala. Medyo nangangalay narin ang leeg ko kakalingon sa paligid habang itong katabi ko ay lasing na ngayon.

Kasabay ng pagsalubong ng Bagong Taon ay ang party na inorganisa ng mga dating kaklase namin sa highschool—in short, reunion. Masaya akong makita silang lahat dahil simula ng mag-college ay bibihira lang na magkaroon ng komunikasyon ang bawat isa.

Untold Euphony Where stories live. Discover now