10

2 0 0
                                    

TEAM BAHAY

Kasalukuyan akong nagbabasa sa Wattpad ng pumasok si Mama sa kwarto ko.

"Aleng!"

"Po?"

"Tigilan mo na 'yang kaka-selpon mo. Maligo ka na rin, ang baho mo na! Mukha kang sabog at ang lalaki pa ng eye bags mo. Para kang panda! 'Pag naabutan pa kita mamayang hawak yang selpon mo, naku!"

Inamoy ko ang sarili ko. Hindi naman ako gano'n kabaho ah. Tatlong araw pa nga lang akong walang ligo. Minsan nga limang araw pa eh.
Napakamot na lang ako ng ulo. Si Mama talaga, ang aga aga nanenermon agad.

"O, siya sige, pupunta muna akong palengke. Ikaw nang bahala dito sa bahay ha."

"Opo."

Hinintay ko munang makaalis si Mama bago ako bumalik mula sa pagkakahiga ko sa kama.
As usual, team bahay na naman ako ngayong bakasyon. Feeling ko nga housemate na ako at wala akong koneksyon sa outside world. Wattpad, kain, tulog ang routine ko.
Kasama ko lagi ang labahan at hugasan. Saulo ko na nga ang buong bahay pati langgam sa sahig, bilang ko na rin.
Binuksan ko na ulit ang electric fan at tinapat sa 'kin. Pinagpatuloy ko na ang pagbabasa nang nakadapa habang kumakain ng chichirya.

"OMG! Kiniss ni Deib si Max! Kyahhh!" Kinikilig kong pinaghahampas ang mga unan habang tumitili, at nagpagulong-gulong sa kama.

Kyaahhh! Hinahabol ako ng mga puso!

Nakangiti kong pinagpatuloy ang pagbabasa. Ilang minuto pa ay nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto.

Aish! Ano ba yan! Istorbo!

Ginulo ko ang magulo ko ng buhok. At walang gana kong tinungo ang pinto para pagbuksan ang kung sino mang pesteng istorbo sa pagbabasa ko.

Baka naman si kuya Gin? Hobby pa naman nun mang-istorbo. Naku talaga, mahahampas ko siya ng tsinelas. Grrr.

"Ano ba! Sandali lang! Ayan na nga oh—" my gulay!

"Uhm... Hi!"

Mabilis kong sinarado ang pinto at napakagat-labing napasandal dito. Sino naman yung gwapong nilalang na yun?

Kyahhh! Nakakahiya!

Tumakbo ako papuntang kwarto at naghanap ng tuwalya. Nag-ispray din ako ng perfume at nakatalukbong na binuksan ang pinto.
"S-Sino po sila? Ano pong kailangan nila?" mahinang tanong ko. Sobrang pula ko na sigurado.

Tumawa muna siya bago nagpakilala.
Sheyt! Ang wafu! Mala-PS men..joke!

"Ako si Nathaniel Mendoza. At hinahanap ko ang asawa ko."

Ang ganda ng boses! Pero ano daw?

"H-Ha?! Asawa?"

"Hahaha. Joke lang. Hinahanap ko talaga si Aling Mirna, pinasisingil kasi ni nanay yung utang niya. Pero iba yata ang nahanap ko..."

"H-Ha?!"

Ano ba 'yan! Ang bilis ng tibok ng puso ko! Kingina, kinikilig ako!
Ekkk... Iba daw eh. Baka naman anak na niya yung nahanap niya?

Napasimangot ako. "Wala siya, nasa palengke pa."

"Okay, sige, babalik na lang ako sa susunod."

"Baby Panda ko, nagbabasa ka na naman?"

Psh. Asungot.

"Shh. Isang chapter na lang!"

"Titigilan mo 'yan o hahalikan kita."

"Ayaw! Isang chapter pa!"

"Gusto mo lang mahalikan eh," pang-aasar niya.

"Ewan ko sa 'yo."

"Seryoso, tigilan mo muna yan."

Natigilan naman ako ng marinig na seryoso talaga siya.

"Tsk. Eto na."

Huhuhu. Isang chapter na lang eh matatapos ko na ang Taste of Sky.

"Good girl talaga 'tong baby panda ko eh. Kaya love na love na love kita eh." Panlalambing niya at niyakap ako mula sa likod.

Apat na taon na mula ng makilala ko ang taong nakatakda sa 'kin ng dahil sa pagiging team bahay ko. Kahit na talagang nakakahiya ang una naming pagkikita.

Isang taon niya rin akong niligawan bago ko siya sinagot.
Siya ang naging kasama ko sa tatlong taon ng saya, lungkot, at mga problema. At gusto Kong maging kasama sa marami pang mga taon sa hinaharap.

Ay, ang mais ko naman!

"Tse.Tampo ako sa 'yo! Sabi nang isang chapter na lang eh."

"Wag ka ng magtampo, please. Nagseselos lang naman ako eh. Puro ka kasi Supremo, Zeke, Pedro,Jeydon, Juanito at Deib dyan...at ngayon may Pedro pa! E, hamak na mas gwapo naman ako."

Natawa nalang ako. 'Di niya kasi binanggit lahat ng asawa ko sa Wattpad. Alam niya namang 'pag ginawa niya, baka bukas pa siya matapos. At gwapo nga namb siya. Hihihi.

"Weh? Totoo, Nathaniel Mendoza?"

"Opo Aleng Gonzalez-Mendoza."

"Aleeza sabi e, hindi Aleng," pagtatama ko. "Pero kahit naman marami silang asawa ko sa Wattpad, ikaw pa rin and nag-iisang love ko sa real life."

"Alam ko. I love you, Aleng, asawa ko. Kahit mukha kang sabog at panda nang una kitang makita. Ay, hanggang ngayon pa rin pala. Hahaha."

Bully, amp.

Kinurot ko ang ilong niya.
"I love you too, Tan-tan ko. Pakibawasan no na rin kaka-Tiktok ha."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Untold Euphony Where stories live. Discover now