07

2 0 0
                                    

What is Love?

"Okay class, we'll have an impromptu speech today. Please stand and answer these questions when I call your name."

Tahimik akong nakaupo habang nagsusulat ng introduction para sa speech writing namin ng tawagin ng guro ang pangalan ko. Kinakabahang tumayo ako at dahan dahang naglakad papunta sa harap.

"Pick one Miss Santiago."

Nanginginig ang mga kamay na bumunot ako. Hinihiling na sana madaling tanong lang 'yong mapili ko.

Pagkabunot ay agad ko itong ibinigay sa guro. Nakangiti ito habang binubuklat ang maliit na piraso ng papel.

"Okay, here's your question. What is love?"
Napuno ng hiyawan ang silid at parang namingi ako ng marinig 'yong tanong.

"P-Po?"

"What is love?"

Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang 'love'?

Wala sa sariling napatingin ako sa gawi ni Hanz. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ng magtama ang paningin namin.

‘Love? 'Yon ang nararamdaman ko sa'yo, Hanz. Mahal parin kita kahit na mahal mo siya, na kahit na anong gawin ko, ‘di mo parin ako kayang mahalin.
Sino ba naman ako? Isang simpleng babaeng hindi kagandahan. Pero kung talent ang pag-uusapan, marami ako niyan. Isa na do'n ay ang mahalin ka kahit 'di mo masuklian.’

Tiningnan ko silang lahat at huminga ng malalim.

"Everyone has their own definitions of the word love. But for me, love is the most powerful emotion a human being can experience. Love isn't just having a romantic feelings towards another person, it’s sacrificing your own happiness for someone's happiness. They say love can make you fool. It can break you down or complete you. But it's not 'love' that makes us cry and give us so much pain, it's the person we chose to love.

Love is a choice. It's your choice to love, even you know you're gonna hurt yourself in the process," mahabang sagot ko. Ngumiti ako ng mapait at tumitig sa mismong mga mata niya.

"Because when there's love, there is also pain."

Tahimik ang lahat at ramdam ko ang bigat sa mga titig nila. Ngumiti akong muli at dahan-dahang naglakad pabalik sa upuan ko. Parang nakahinga ako nang maluwag ng muling nagtanong ang guro at muling umingay ang paligid.

Pasimple akong sumulyap sa gawi niya.
Parang wala talaga siyang pakialam sa paligid niya kahit kailan. Naka-earphones lang ito habang walang emosyong nakatitig sa ballpen na pinapaikot-ikot niya.

Maya-maya pa'y umupo sa tabi niya si Alice. Kinuha nito ang earphones at may ibinulong na nakapagpangiti rito.

Napangiti na lang ako, pilit pinipigilan ang mga luha.

Love? 'Yon ang nararamdaman ko sa'yo, Hanz pero pilit na binabalewala mo...

...dahil sa kaniya.

When there's love, there's also pain.

That's why I'm hurting and in pain right now, 'coz I still chose to love the person I can't have. I still chose to love the person who loves someone else. I chose to love my best friend.

Untold Euphony Where stories live. Discover now