09

2 0 0
                                    

“Crush! I love you!” malakas na sigaw ko. Huminto siya mula sa ginagawang pag-selfie at dahan-dahang lumingon sa 'kin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang mga mata namin. Napalingon din ang karamihan ng mga tao sa gawi ko pero 'di ko sila pinansin.
Parang nag slow motion ang paligid ng dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa 'kin.

“Anong sabi mo?”
“Ang sabi ko, 'I love you'. Mahal kita, matagal na,” nakangiting sagot ko.
“So?”
“Anong 'So'? Mahal kita, kaya dapat mahalin mo rin ako. Respeto naman,” pabulong ko na lamang naisambit ang huling linya.
“Ganun ba 'yon? Akala ko crush mo lang ako?” nagtatakang tanong niya.

“Hindi ba pwedeng parehas? Crush kita at mahal din kita,” sagot ko. “So, mahal mo na rin ba ako ngayon?”

“Hindi,” walang ganang sagot niya. Humarap siya sa kaniyang cell phone at nagtipa na parang walang ako sa harapan niya. “May mahal na ako. Pero kahit 'di kita gusto, malaki ang respeto ko sa 'yo.”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Masakit sa dibdib. Tila paulit-ulit na dinadaanan ng naglalakihang truck ang puso ko. At gustong kumawala ng mga luha mula sa mga mata ko.

May m-mahal na siya?

“S-Sino?”

“'Yong photo bummer sa profile picture ko,” sagot niya at pinagpagan ang suot na pantalon. “Ge, una na ako.”

Nanghihina akong napaupo sa kalapit na bench at pinagmasdan siya habang mabagal na naglalakad papalayo. Walang kabuhay-buhay kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang profile niya.

Ang swerte naman ng babaeng 'to—teka.

Ako 'to ah!

Ibig sabihin, ako 'yong mahal niya? Mahal niya ako?

Mabilis kong tinakbo ang distansiya namin at nang ilang hakbang na lamang ang layo ko sa kaniya ay malakas akong sumigaw.
“Carl Adam Marquez!”

“Oh?” nakangiting tanong niya.

“I love you too.”

Untold Euphony Where stories live. Discover now