"Palagi kang may babalikan"

4 1 0
                                    


"Palagi kang may babalikan"

Naalala mo nung naiwan akong mag isa sa Room tas pagbalik mo andun pako
o nung naiwan mo yung ballpen mo tapos nalimot ko kaya hindi ka natakot na baka nawala ito
o nung naiwan mo yung pabaon ni tita kaya sa lunch saken ka sumalo?
Ano pa ang iniwan mo na palaging ako ang nakakakita? Ano pa bang naiwan mo ang palaging ako ang gumagawa ng paraan?
Ano pa bang dahilan kung para pati ako ay iyong iwanan?
Pasensya kana hindi ko naman intensyon ang manumbat ngunit pakiramdam ko lang ay may hindi dapat na nangyayari kaya't akoy maglalakas ng loob upang tumayo at magtanong ng Bakit? Hindi kapa ba na kuntento na baon o ballpen o pera mo lang ang naiiwanan mo parati?
Bakit kailangan pati ako?
Bakit kailangang pati yung tayo? Dahil ba masyado kang nasanay na pag iniwan moko may babalikan kapa?
Dahil sa totoo meron naman talaga dahil putang ina palagi kong ipinagkikibit balikat ang pag iwan mo sa akin na baka naman babalik ka pa baka naman nakalimutan mo lang talaga
baka naman marami kalang iniisip
o baka naman baka naman. Pasensya na hindi ko lang talaga maisip kung bakit pa?
Nung iniwan moko sa lugar na parati tayong nagtatagpo
ni isang saglit hindi ko naisip na umalis o lumayo
dahil baka sakaling baka naman sakaling bumalik ka
Eto yung hirap na ikaw yung iniwanan
hindi ka makaalis kasi baka nga naman magbalik syapero wala syang abutan kaya eto ka nagtatyaga na hintayin sya pero hanggang kailan?
Hanggang kailan mo ako iiwan sa sisidlan ng pagmamahal
at pagagapos mo sakin sa posibilidad ng pagbabalik mo dahil ako mismo hindi ko na alam kung papaano
paano pag ganito pano pag ganyan
pano kung magbalik ka sa dati nating tagpuan
pero ilang segundo minuto oras araw linggo buwan na ang nagdaan ngunit hindi ka nagbalik
Hindi ako katulad ng ballpen mo na iyong binalikan
Wala bang pwedeng makapulot saken at maisip na sayo ako at isauli nila ako sayo dahil kahit anong mangyari ako ay pag aari mo
Wala mang palatandaan na akoy sayo parati at palagi





*~*~*~*~*

not mine again plss vote

vote
comment
follow

spoken word's poetryWhere stories live. Discover now