"Akala ko Tayo, yun pala kayo"
Natatandaan ko pa nung araw na nagchat ka,
Ou ikaw! Ikaw yung nauna
Halos ayaw kong basahin
O bigyan man ng pansin
Pero ewan ko nga ba anong pumasok sa utak kong litong lito
Bakit nang mabasa ko ang "Hi"mo biglang nagreply ako
Sinabi mong kaibigan ka ng kaibigan ko
Kaya ayun nagreply narin ako at dun nagsimula ang tayo,
Ang tayo na akala ko meron yun pala ay kayo!
Sa paglipas ng panahon, na parang kasing bilis ng pag pindot ko sa aking cellphone Sa Tuwing makikita ko ang espesyal na pangalan mo, na ako lang ang nakakaalam kung sino, Sa tuwing mababasa ko ang text mo, kumain kana ba baby ko?
Nakauwi kana ba baby ko?
Kamusta ka baby ko?
Tang ina! Yun pala ay hindi totoo!
Bakit ba ako naniwala
Bakit ba ako umasa
Bakit ba inakala kong may tayo
Yung pala meron pang kayo!
Ano nga bang magagawa ko,
Kahit lumuha pa ako ng bato,
Maghintay ng milagro,
Umasang meron ngang tayo
Na sa una palang alam ko nang meron pang kayo,
Pero mas pinaniwalaan kita kesa sa sarili ko,
Dahil mahal kita,
Dahil minahal na kita
At akala ko merong tayo
Ngayon alam ko na, na kaya pala kahit kelan hindi mo ako inuna
Na kaya kahit kelan hindi ko nadama,
Yang sinasabi mong pagmamahal sa akin na yun pala ay sakanya,
Na sa tuwing wala kang makausap at malayo ka sakanya, saka mo lang ako maaalala at sasabihing baby kamusta ka?
At ngayon ngang alam ko na, kung bakit biglang nagbago ka,
na hindi lang pala plano ng bahay ang yong ginagawa, kundi plano na nang inyong kasal at pangalan na ng bata na inyong ginawa.
At ngayon ngang alam ko na, na wala palang tayo, na tapos na ang kwentong to, at kahit umiyak man ako wala ng magbabago. Ikakasal kana, at magiging ama na.
At ngayon ngang alam ko na, na wala palang tayo, na umasa lang pala ako, na wala palang tayo at ang meron pala ay kayo!