"ikaw at ako"

7 1 0
                                    


"IKAW AT AKO"

Ikaw?
Ikaw yung taong ginusto ko,
Taong minahal ko ng husto
Taong pilit kong ipaglaban
Pero ikaw rin pala yung taong kaya akong pakawalan at iwanan

Ako?
Ako yung taong minahal ka ng buong puso
Taong nagbigay ng buong atensyon sayo
Taong ginawa kang sentro sa kanyang mundo
Ngunit ngayo'y ginawa mong isang kontinente na lamang sa mundo mo
Di alam anong meron ka
Na hindi ko mahanap hanap sa iba
Anong meron ka
Na sayo lang ako nagiging masaya
Anong meron ka na bakit akoy nakakapit pa?
Anong meron ka na bakit akoy nagpapakatanga?
Anong meron ka na bakit mahal na mahal pa rin kita?
Oh dapat bang ang tanong ay "Anong meron ako?"
Anong meron ako, kung bakit ang tigas ko na parang isang bato?
Anong meron ako na nagpapakamanhid ng dahil sayo?
Anong meron ako na nagpapakabingi sa iba, marinig lang ang pangalan mo?
Anong meron ako na bakit naghihintay sa pagbalik mo kahit pa na ang rami namang mas lamang sayo
Saan nga ba tayo nagsimula?
Ah oo nga pala
Dun tayo nagsimula sa panahong nagpakilala ka
Nagpakilala ka nakipagkaibigan ka
Binigyan mo ako ng di mapapantayang saya
Binigyan mo ako ng Mga di maipaliwanag na kilig
Binigyan mo ako ng rason sa pusong di nagsasawa sa pag pintig
Sa pangalan mo naaalala ko
Naaalala ang paghaplos mo sa buhok ko
Naaalala ang pagkurot mo sa braso ko
Naaalala ang paghawak mo sa mga kamay ko
Naaalala ang pagpatibok mo sa puso ko
Ang galaw mo naaalala ko
Naaalala ko kung paano mo ilahad ang panyo mo
Naaalala ko kung paano mo tinatapon ang mga tingin mo
Naaalala ko rin kung paano...
Kung Paano mo kalimutan...
Paano mo kalimutan ang lahat ng pinagsamahan
Paano mo kalimutan yung kasiyahan
Paano mo kalimutan yung tawanan
At higit sa lahat naaalala ko... naaalala ko....
Kung paano ko hagkan sa gabi ang aking mga unan
Kung paano ko tatalunin ang lungkot na aking nilalabanan
Kung paano na yung mga kulang na pilit kong pinupunan
Kung paano pigilan ang mga luhang nahuhulog ng di inaasahan
At naaalala ko kung paano mo ako tuluyang makalimutan
Siguro ngayon nga yung oras na bitawan ang mga salita salitang "Laban pa!" at "May pag-asa pa!"
Mga salitang ngayon ay mapapalitan na Mapapalitan ng "Tama na dahil sa aming dalawa ako nalang yung nakakapit pa
Dahil alam kong siya'y matagal ng nakabitaw sa lubid ng pagmamahalan naming dalawa"
Siguro nga yung ngayong "mamahalin" at "minamahal kita" ay balang araw mapapalitan rin ng salitang "Minahal kita"
At siguro yung dating "tayo"
Ay mananatili na lamang sa salitang "Ikaw" at "Ako"
Dahil sa panahong yun ikaw yung taong pasasalamatan ko kahit isa ka sa mga pagkakamali ko.





*~*~*~*~*~*

how is it?is it good?tell me if its bad i do not own them

vote
comment
follow

spoken word's poetryWhere stories live. Discover now