"SPOKEN WORD POETRY - 'WAG AKO'"
Mahal, naaalala mo pa ba?
Noong una mo syang makilala?
Noong unang beses kayong magkasama,
Noong unang beses ka nyang napangiti pati ang mapupungay mong mga mata
Noong naguusap kayo dalwa,
Naparang kayo lang dalwa,
Na parang walang ako,
Walang tayo sa mundo nyo
.
Mahal, naalala mo pa ba?
Nung una kong pag iyak ng dahil sa kanya, malamang hinde
Malamang hinde, hinde dahil sa nakalimutan mo na o meron kang amnesia, malamang hinde
Dahil pinilit kong ilihim ang sakit
Pinilit kong sarilihin ang paet ng pagkaselos at pagkainggit
Dahil mukhang meron nang papalit, mali
Mali ako, dahil mukhang meron nang pumalit sa pwesto ko sayo
Hanggang sa hindi ko napigilan
Tinanong kita ng walang pag aalinlangan,
'MAY GUSTO KA BA SA KANYA?'
Pero sabi mo, 'ANO BA, KAIBIGAN KO LANG SYA.'
Mahal naman!
Hindi ako Tanga
Hindi ako bulag para hindi makita sa iyong mga mata ang saya
Dahil tila may kkaiba, may kakaiba pag dating sa kanya
.
At ngayon, kung magbabago man ang ikot ng mundo
At sasabihin mo sa akin mahal mo pa ako
At itatanong mo sakin kung pwede pa ba tayo
At sasabihin mong bumalik ako sayo, pakiusap lang WAG AKO
Dahil ayaw ko nang mawasak muli sa parehong paraan
Ayaw ko nang umiyak ng paulit ulit sa parehong dahilan
Dahil mahal, kinaya ko na
Kinaya ko nang mabuo nang sarili ko lang
Kaya mahal,
Pakiusap ko sayo kung magmamahal kang muli,
WAG AKO.
~'WAG ako' by Crystel Barles