"laro tayo"

8 1 0
                                    


"LARO TAYO" (Spoken poetry)
MICHELLE BUNDALIAN


tagu-taguan maliwanag ang buwan wala sa
likod wala sa harap mag bilang ka ng tatlo
at magtatago nako 1,2,3...
TEKA mag tatago paba ako!? nung nasa
harapan mo nga ako hindo mo na ako
makita paano pa kaya pag nagtago pa ako?
Anung saysay ng nahanap kung liblib na
taguan kung wala naman sa plano mong
ako'y matagpuan!! para saan pa ang
pagtatago ko kung iba naman ang
hinahanap mo??
matanong kulang? ayaw mo ba talaga sa
larong tagu-taguan?? o sadyang ayaw mo
lang sa kalaro mo kaya bila kang nag
bubulag-bulagan?
KASI kung tungkol to sa laro pwede nman
nating palitan.... palitan natin ng habol-
habolan wag kang mag alala dahil sa larong
to ako nman ang taya.. hahabolin kita!!
habang hinahabol mo sya!.. pero bakit
ganun?! nasa LIKOD mo lang ako, bakit
hindi mo parin ako makita?! tapos na ang
tagu-taguan pero bakit bulag ka
paden?!....... ay oo nga pla! paano mo ako
makikita kung ayaw mo akong lingunin!!..
kunhg sabagay yung mata mo palagi lang
nman sa kanya nakatingin!! kaya hindi
nako magugulat sa larong to!.. KUNG HINDI
MKO MAPANSIN!!!
ilang laro paba ang kailangan natin gawin..
pakiramdam ko kasi nagkakadaya na tyo
eh. hindi naman sa PIKON ako..PERO sa
totoo lang pikon na nga ako!!.. dahil sa
bawat laro na dapat ineenganyo bakit
palaging ako ang madalas na DEHADO?!
nag laro na tyo ng tumbang preso at doon
plang TALO nako!! dahil ako ang nagsilbing
lata at ikaw naman ang TSINELAS na naging
sanhi ng PAGKATUMBA KO!!
naglaro marin tyo ng TAMAANG TAO! AT
ako nman ang bola na iniiwasan mo!!!
nag karoon ako ng kaunting tyansa nung
naglaro tyo ng patintero kasi akala ko yun
ang tamang pagkakataon para makapag
papansin sayo! kaya hinarang kita ng
hinarang.. pero anong ginawa mo?!
NILAMPASAN mo lang ako..
lumilipas ang oras, lumulubog ang araw sa
dinarami-rami ng nilaro naten ni ISA wala
kang naalala na NANALO ako..
HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO!
para sa huling larong to itaas mo ang iyong
KAMAO laro tyo ng bato-bato pik dahil sa
larong to hindi pwede ang parehas na
papel,parehas na bato, at parehas na
guntin!!! gahil isa lang ang pwedeng mag
wagi at iisa lang din ang maaring umuwi ng
SAWI!! at ako yun !! dahil ako ang
GUNTIN at ikaw ang maliit na BATO umpisa
plang alam kung talo na ako pero pimilit ko
paring MAKIPAG LARO nag babakasakaling
pwedeng mag bago amg ikot ng mundo..!!!
PERO NAGKAMALI AKO!!
TEKA LANG time first NAKAKAAGOD NA
MAG PAPAALAM NA AKO SAYO! at sa
larong pambata! lilisanin ko ang pinag
tataguan ko at pwesto kong LATA.. kaya
paalam na.. uwian na!! hindi na masaya
diko na alam ang gagawin ko nakalimutna
ko ang susunod na linyo pero ito
NATANDAAN kona,
PAALAM NA, UWIAN NA di madali.
pero alam ko BUKAS, MAMAYA,
MAKALAWA darating din ang oras na
makakalimutan kita sa ngayun kailangan
ko lang gawin ay ipikit ang mata at tangapin
sa LARO NG PAG-IBIG "MALABO MO AKONG
MAHALIN!!!

spoken word's poetryWhere stories live. Discover now