Putak
Hindi ka maganda ,nagmamaganda kalang,
Hindi ka magaling ,nagmamagaling kalang.
Hindi ka matalino ,nagmamatalino kalang.
Hindi ka maputi, nagkojic kalang.
Hindi ka payat, nagparetoke kalang.
Hindi ka babae, nagpatanggal kalang.
Hindi ka lalake,papalit kalang.
Mga linyahang galing sa mga taong takot na malamangan.
Salipunan na tinatayuan. Kahit saang anggulo mo tignan.
Unang papansinin ang panlabas na kaanyoan. Ang mga naging kamalian.
Walang nagiging mabuti kundi ang sarili lamang.
Mga taong nag mimistulang talangka hihilahin ka pababa.
Nagmimistulang apoy sa kandila. Hihintayin kang malusaw at mawala.
Nagmimistulang bato na babatuhin kang buong-buo maubos lang ang bunga ng iyong puno. Bakit hindi nyo gamitin ang bato pampukpuk dyan sa ulo nyo.?
Para matauhan kayo. na hindi lahat ng bagay ay kailangan nyong gawan ng issue.
Hindi porket tumaba ako, buntis ako.
Hindi rin porket pumayat sya, ay nag adik nasya.
Hindi rin porket puro lalake ang kasama nya ay malandi nasya.
Hindi rin porket may jowa nako mag aasawa nako.
Hindi porket imiinom at nagyoyosi sya ay pariwara nasya
. Hindi rin porket hindi nag sisimba ay masama nakong tao.
At hindi rin porket lagi ka nag sisimba ay deretso langit kana.
Kayo nga tong mas malakas pa mang husga.
Hindi porket maiksi ang suot nya ay si aubrey nasya.Maging si boyet ka.
Kinulang sa pagiisip pero sumobra sa pang unawa sa iba.
Para hindi naman puro pang lalait sa kapwa ang lumalabas sa bunganga.
Mga tsismosang kapitbahay na walang ibang ginawa kundi ikwento ka sa buong baranggay. Nagsisilbing cctv ng bahay. Inaabangan ang bagong kabanata ng iyong buhay.
Makita lang na konti-konti kang umaangat ay mabilis na mabilis karin nilang hihilahin pababa. Napala mo sa sistema ng inggit at galit.
Sabi naman sayo e wag kang magagalit. Lalo ka nyang papangit.
Wag ka makampante sa lahat ng sinasabe.
Iniiba nila ang pangyayare. Hindi sila ang kakampe.
Isagip ang sarile. Matulis na gulok ang nag aamba nang tumusok.
Binaliktad na ang tatsulok para sila ang nasa rurok. Pamilya,tropa at sa mga taong sinalba.
Di kanila maaalala sa mabuting ala-ala. Ikaw ang sandalan nung walang wala sila. Kapag may bagong kakilala. Kakalimutan kana nila.Maniwala ka sisirain kanila. Magmuka lang mabuti saiba. Sinasabi ko sayo hindi lahat sayo'y totoo. Gusto kolang ipaalala sayo.
Maikli lang ang buhay. gumawa kaman ng tama o mali sa iba huhusgahan kaparin nila. Kaya kung ako sayo piliin molang ang mga bagay na magpapasaya sayo. Hayaan ang sasabihin ng ibang tao.
Ang mahalaga ay mag pakatotoo ka.
Wala namang masama kung hindi ka sakto sa pisikal na kaaunyuan o singtalino ng karamihan. Ang tunay naman na kagandahan at karunungan ay hindi binabase sa muka at sa sagot na pang miss universe, dahil ang tunay na kagandahan ay may magandang kalooban.