"MAHAL PA KITA PERO TAMA NA"
Mahal pa kita pero tama na
Tama na kung sakit lang ang dulot natin sa isat-isa
Tama na kung wala nang patutunguhan ang kung anong meron sating dalawa
Tama na kung wala na talagaMahal mo ko at mahal kita pero kailangan natin pigilin
Pigilin kung di para satin
Kung di para satin wag na natin pilitin
Pagmamahal natin sa isat isa ay atin nang awatinIkakasakit ko man
Ngunit kailangan
Ang sa piling mo ay lumisan
Upang makamtan natin ang tunay na kalayaanKailangan nalang natung tanggapin
Na hindi lahat ay magiging atin
Ikasasakit man ng ating damdamin
Ngunit ito lang ang paraan na dapat gawin.Dahil kung para tayo sa isat isa
Makakapaghintay tayong dalawa
Ngunit kung hindi man tayo ang tinadhana
Ay ating tanggapin upang sa sakit ay makalaya.