She Succeeds

28 1 2
                                    


At dahil masipag ako mag-update hahaha joke lang may hinahabol lang akong dead line kaya panay panay ang update ko. So ito yung part na.... ooopppsss wag na baka sabihin nyo spoiler ako eh. Basahin na lang natin para malaman kung bakit ganun ang title ^_^

LOve you guys and enjoy <3

YUUKA’S POV

“Yuuka kamusta ka naman dito? Bakit hindi ka nanuod ng practice match ng team natin sa volleyball?”bungad na tanong ni Heien sa akin.

“I wouldn’t waste my time watching a game na masakit sa eardrums. Besides i have a lot of things to do, my advance lessons ako na dapat gawin.” Ay pakingteyp naman oo kailangan ba talaga agawin nya yung mga ginagawa ko “Oi oi wag mo nga makuha kuha yan ipapasa ko pa yan mamaya. Akin na yan.” Pilit ko inaabot yung papel sa kanya

“Ahahaha grabe ka talaga eh, bakit nagtake ka ng advance lessons ha eh halos ayaw mo naman umakyat sa rank one.” Anito habang winawagayway yung papers ko.

Binato ko sya ng eraser dahilan para mabitawan nya yung mga papel “Kasi mas ok na ako sa position ko as top 4, tsaka ayoko ng sakit sa ulo noh. As a member pa nga lang sakit na sa ulo pano pa kaya kung naging top 1 ako diba.” Sabi ko habang inaayos yung mga papel.

Kumuha ng isang upuan si Heien at saka sya sumeryoso na para bang may masama syang balita na sasabihin sa akin. Siguro may kinalaman na naman ito sa pagitan namin ni Celes. Hay grabe kailan ba ako titigilan nun.

Teka sandali di ba dapat may lecture na ito bakit andito sya sa room ko? “Oi Heien bakit ka nga pala andito sa room namin? May lessons na kayo in any minute di ba”

Tumingin lang sa labas ng room si Heien at saka sya nagsalita “Alam mo na bang iiwan ko na ang position as top 5.”

“Huh tama ba ako ng narinig iiwan na nya yung position nya as top 5...Niloloko na naman ata ako nito eh.” Yan ang nasabi ko sa sarili ko

“At sya nga pala si Celes ang papalit sa position ko.” Ngayon nakaharap na sya sa akin at nakangiti sya na para bang wala lang sa kanya yun.

Oo narinig ko yun, pero bakit ganun parang ang bagal magprocess ng utak ko? “Ano kamo paki-ulit nga yung sinabi mo.”

“Sabi ko si Ce....”

Naputol ang sasabihin ni Heien ng biglang dumating si Celes ang babaeng kinaiinisan ko at ganun din sya sa akin. Malapad ang ngiti nito dahil siguro nagawa nyang makapasok sa TopS.

“Hey aren’t you going to congratulate me?” nang-aasar na tanong nya.

Napuno ako dun ah parang may kung anong demonyong sumapi sa akin dahil nilapitan ko sya at saka sinampal.

“There did I congratulate you properly?” sarcastic kong tanong sa kanya

“What the hell was that?” mataray nyang tanong habang hawak ang nasaktan nyang pisngi.

“That’s what you called a slap.” Iyon lang at umalis na ako ng room dahil sobrang naiinis ako sa kanya pati na kay Heien.

“Hey Yuuka, wait for me. Let me explain. Ahm Celes sorry dahil pati ikaw nadamay dito. Can you ignore what happened here.” Narinig ko yung sinabi nya.

Naiinis ako sa ginawa ni Heien, naiinis din ako dahil pipili na nga lang sya ng ipapalit nya ay yung mortal kong kaaway pa ang pipiliin nya. Magiging magulo lang ang buhay ko sa loob ng TopS dahil andun na si Celes. Alam naman nya na ayaw na ayaw namin sa isa’t isa tapos ganun pa ang gagawin nya. Nakakainis talaga sya sobrang nakakainis sya. Dinala ako ng mga paa ko sa roof top ng school at duon ako nanatili kahit na sobrang taas ng sikat ng araw. Ni-lock ko yung pinto from the outside kaya alam kong hindi agad makaka-pasok si Heien dito.

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon