Them

82 2 4
                                    

Heeeeeeeeeeelllllllllllllllllllllllllllllloooooooooo mga dear Kismet readers ito po ang ating first update for this year. Pasensya na po at natagalan sa update. Kamusta naman po pala ang celebration ng pasko at new year nyo? ^_^ so ito na nga po enjoy reading the update ng Kismet and open po ito sa lahat ^_^

Minna daisuki

★★★★★††††††★★★★★††††††★★★★★★†

SANDY'S POV

"Nga pala Sandy kamusta na pala yung panliligaw ng kapatid ko?" tanong ni Ate Lilac sa akin

"Ah yun po ba. Ayun hopia pa rin at mukang mas marami sya nagiging fans dahil hayagan nyang pagdedeklara na liligawan nya si Yuuka." sagot ko naman

"What!!!! Sandali lang ha hindi ko ata agad nakuha yung sinabi mo. Hayagan? Seriously?" o.a na tanong ulit ni ate Lilac

"Ahmmm opo. as in hayagan po. He even asked her in front of his classmates at in front of the student councils. Pero mukang pasok sa banga ang pagiging broken hearted nya kasi naman po wala pa ring response si Yuuka." paliwanag ko sa kanya

"Oh well malamang talaga pasok sa banga yun kasi hindi naman marunong dumiskarte ang ugok na yun eh." sang ayon ni Ate Lilac

Kita nyo na napaka-supportive nyang kapatid di ba pero totoo supportive talaga sya kasi lagi nyang inaalala ang kapatid nya. Ultimong mang-istorbo yan sa gitna ng gabi para lang malaman kung nasaan na ang kapatid nya. At isa pa pala sya yung senior namin sa Academy pero matagal na iyon kasi graduate na sya eh.

"Nga pala ate Lilac hindi mo ba talaga sasabihin sa kanya kung bakit ka biglang umuwi dito?" tanong ko sa kanya

Nginitian nya lang ako at saka sya pumunta sa counter para mag-order ng bagong food. Ah oo nga pala nasa isa kaming coffee shop dahil sinamahan ko syang bumili ng mga bagong damit in short nagshopping lang kaming dalawa.

"Oh eto kainin mo lahat yan. Treat ko dahil sinamahan mo akong magshopping." aniya habang nilalapag yung paborito kong pagkain cheese cake.

"Hay naku ate alam na alam mo kung ano ibibigay mo sa akin para lang hindi na kita kulitin eh." nakangiti kong saad sa kanya

"Maiba tayo. Yung Yuuka na sinasabi mo by any chance ang apelyido ba nya ay Eidelweis?"

Nagkanda-samid samid ako sa tanong ni Ate Lilac dahil tinanong nya si Yuuka and take note ginamit nya ang totoong apelyido nito.

"Ano ba yan, hinay hinay kasi sa pagkain ng cheese cake." aniya habang hinihimas ang likod ko.

Tinaas ko yung kamay ko indicating na ok na ako. Ininom ko ung tubig na binigay nya sa akin at saka ako umayos ng upo at tumingin ng may pagtataka kah Ate Lilac.

"What hindi ba alam sa Academy kung sino ang mga Eidelweis?" Tanong ulit ni Ate

"Hindi naman po, kaya lang kasi hindi alam ng mga personel sa academy kung may Eidelweis na nag-aaral doon." Paliwanag ni Sandy

"Ah ganun ba." Sagot nya na para bang nanghihinayang pa sya.

"Bakit naman kasi bigla nya naitanong, gano kaya karami ang alam ni Ate Lilac sa academy? Magpakwento na lang kaya ako sa kanya. Uhmm Ate Lilac anong meron ang dating Aoi Academy?" Painosente king tanong sa kanya.

Tinignan nya ako at saka sya nangalumbaba paharap sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng excitment nang mga sandaling iyon. Pagkatapos ay patamad syang sumandal sa upuan nya.

"Masaya ang Academy dati halos lahat ng mga studyante nagkakasundo kahit na sabihin mong may rankings. Marami kaming natutunan lalo na nung binisita kami ng Couple Ranks kasama ang dalawa nilang anak." Salaysay niya na may ngiti sa labi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon