His and Her

38 0 0
                                    

LEANDRE’S POV

“Yuuka alam mo mas maganda ka pag ngumingiti.” Nakangiti kong bungad sa kanya

“Im pretty kahit hindi ako ngumiti.” Confident nyang sagot

I suppressed the urge to laugh dahil sa sinabi nya “I said “mas” di ba, para naman maging maganda simula ng araw mo.” I insist

Hinarap nya ako at pinamaywangan, nakikita kong naiinis sya sinabi ko pero mas lalo ko syang ininis nung hinawakan ko ang mukha nya at pini-form ng smile ang mga labi nya.

“What the fuck!!! Don’t touch my face idiot! Im not going to smile ok so quit insisting.” Diretsong saad nya

“Ok don’t smile na nga pero Yuuka pwede bang manligaw?” i said while looking straight to her eyes.

Iniripan nya ako at saka tinalikuran at saka sya naglakad papalayo sa akin kaya naman hinabol ko sya at kinulit kulit pa lalo. Ang sarap nya asarin nagagawa ko kasing pagmasdan ang buo nyang mukha at gusto kong makita nya na seryoso ako. Daldal ako ng daldal nang mapansin kong wala na akong kasabay kaya nung lingunin ko sya at nakita kong nakatingin sya sa bulletin board kaya nilapitan ko sya at tiningnan kuna ano man ang tinitignan nya. Nagulat ako dahil isang article tungkol kay Yuuka ang nakapost doon at hindi sya maganda, tinignan ko sya at wala man lang akong nakitang emosyon sa kanya hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko.

“Wala sigurong magawa sa buhay ang gumawa nito kaya ikaw ang pinagdidikitahan.” Basag ko sa katahimikan nya

“I care less, besides ano bang mapapala nila sa ginagawa nila? Akala ba nila masisira nila ako sa mga ganitong bagay? If so then suit their selves.” Kalmado nyang sagot

“Are you not going to check kung sino ang gumawa nito?” tanong ko

“Para saan pa? Look hindi ko papatulan ang ganyang ka-cheap na bagay dahil hindi yan mahalaga para sa akin.” Iyon lang at umalis na sya

“Damn it kung sino man ang gumawa nito sisiguraduhin kong mahahanap kita.” Bulong ko sa sarili

Naging usap usapan sa buong academy ang naturang post sa bulletin at hindi lang pala sa school bulletin dahil the same article was uploaded sa official website ng academy. It annoys me big time pero hindi ko magawang makisawsaw sa usapang iyon dahil hindi naman gumagawa ng anumang action si Yuuka. She seemed so cool and at ease dahil sa buong araw nyang poker face expression. Naputol ang pagiisip ko ng biglang may nagsalita at by the looks of it ay away nanaman ito.

“Hey Ms.Fourth hindi ko alam na ganun ka rin katindi ha, you have Heien tapos si JAM and now Leander. Such a slut.” Entrada nung unknown girl

“Sino naman ang isusunod mo after him? Or you are secretly dating, oh no wait are you secretly having sex with one of the twins?” segunda naman ni unknown girl the second

“YUCK!!!” panguuyam nila kay Yuuka

“Oh may sabayang pagbigkas pala tayo ngayon eh. Anong Theme ng sabayang pagbigkas mga ate?” masayang tanong ng bestfriend kong si Jess

Napuno ang buong classroom ng tawanan dahil sa ginawang pagsingit ni Jess sa usapan ng mga babaeng nanggugulo kay Yuuka at lalo pa silang natawa dahil sa sunod na ginawa ni Jess.

“Oh aking irog ikaw ba ay inaalipusta ng mga dalagang ito na kasing... na kasing kamukha ni petra? Ipag paumanhin mo aking irog at sadyang silay nabibighani sa iyong kagandahan. Ngayon aking mahal mamili ka sa kanila at ng maihatid na kita sa iyong mansion at makapagpahinga.” Mala makatang linya ni Jess

Humagalpak ako ng tawa sa walang kupas na pang-iinis ng kaibigan ko pati ang buong classroom ay nahawa sa kalokohan ni Jess kaya kanya kanya sila ng bitiw na mga naturang babae at pati ako ay nadamay at sumali na rin.

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon