In Pain 2

23 1 0
                                    

YUUKA’S POV

“Kuya Taki, miss na miss na kita, dapat kasi hindi mo na lang kinuha yung hat ko eh. Dapat kasi hinayaan mo na lang na ako yung nasagasaan eh, dapat kasi...Hayst pero sana hinayaan ko na lang din yung hat at hind ko na hinabol pero regalo mo yun sa akin eh. Sa lahat ng lugar naaalala kita tapos pag ganito ang panahon lagi tayong naglalaro pero ngayon hindi ko na sya ginagawa kasi wala ka na.” Napatingin ako sa madilim na ulap at napangiti na lang.

“Young Mistress magkakasakit ka po sa ginagawa mo. Umuwi na po tayo.”  

Papalabas na kami sa sementeryo ng may madaanan kaming isang itim na sasakyan, hindi mo makikita ang nasa loob dahil heavily tinted ang bintana nito. Siguro may  binisita din sila kagaya ko,yun na lang ang naisip ko ng mga oras na iyon at dumiretso na kami sa sasakyang naghihintay sa amin hindi kalayuan sa may entance ng sementeryo. Tahimik lang ang buong byahe namin dahil may kalayuan ang bahay kung saan ako nakatira ay nakatulog ako sa byahe.

“Young Mistress nandito na po tayo sa bahay nyo.” Untag sa akin ng taga pag bantay ko.

“Tadaima.”

“Tadaima hime.” Sabay sabay na sagot ng mga kasambahay namin.

“Yuuka Landev Elfiore Eidelweiss!” bungad ni mama. Gaynan sya pag nag-aalala at galit kaya hindi ko alam kung ano sa dalawa ang nais nyang iparating.

“Oka-san tadaima.” Ngumiti ako sa kanya at nakita ko syang napabuntong hininga na lang. “Ok hindi sya galit.”

“Mag shower ka na muna ok. Naku ikaw talgang bata ka.” Iyon lang sinabi nya at saka ito dumiretso sa kusina.

Umakyat na ako sa kwarto ko at saka nag-ayos ng aking sarili, hanggang ngayon wala pa rin akong pagbabago simula noon. Hindi ko masasabing mabait ako or what so ever pero dahil sa mga nangyari sa pamilya ko, masasabi kong nagiba ang pagkatao ko. Halos trenta minuto din ako sa shower kaya pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako for dinner.

“Oka-san you cook all of this?” tanong ko sa kanya

“Ay hindi anak sila ang nagluto nyan nagapron lang ako para kunyari ako nagluto.” Pamimilosopo ni mama

“Mama hindi bagay sa’yo ang ganyan eh.” Natatawa kong sagot

“Ay naku bakit pag kayong dalawa ng daddymo ang gumagawa nito tumatawa kayo na akala mo walang bukas. Tapos pag ako naman binabara-bara nyo lang. Magsama kayong dalawa.” sabay pout ni mama

Niyakap ko si mama “Aishiteru mama.”

Alam kong nakangiti si mama ngayon, ang tatag ni mama kahit noong nawala si kuya hindi ko sya nakitang umiyak or naghysterical man lang. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

“Pasali naman ako sa hugging scene nyo.” Bungad ni daddy

“Wag na!!!” sabay na sagot namin ni mama

At napuno ang buong kusina ng tawanan “How i wish na nandito ka kuya kasama namin na tumatawa. Sana lang talaga andito ka.”

“Kasama mo naman ako lagi, hindi ko kayo pinababayaan. Im always here hime-chan”  parang nakita ko sya na kasama namin dito, si kuya Taki ang kuya ko. “Uwaaaaaaa namimiss na kita ng sobra sobra kuya Taki. Uwaaaaaaaaaaaaa.”

“There there ang batang iyakin umariba na naman. Halika na kayong dalawa at talagang naagugutom na ako sobra.”

“Daddy naman eh, hindi mo man lang ako inalo, kainis ka.”maktok ko sa kanya

“Sa laki mong yan aaluin pa ba kita? Hay naku Milly saan ba nakuha ng anak natin yang ganyang ugali?” kunyaring nanghihinayang na tanong ni Daddy

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon