Friends

22 0 0
                                    

REN’S POV

“Whoa author alam ko eh minor character lang ako dito bakit may POV ako?”

Author: Kailangan kong bigyan ka ng POV dahil....ay bakit ba humingi ka ng explanation? Mabuti nga at nabigyan ka eh.

“Ang taray mo talaga author. Sige na alam ko naman kung bakit may POV ako eh. Im hurt kasi ginagawa mo akong narrator nito ngayon.” *pout*

Author: Gusto or ayaw mo? Madali ako kausap Ren.

“Di ka na mabiro author noh. Geh sisimulan ko na nga.”

“Oist nabalitaan nyo yung nangyari dun sa cafeteria two weeks ago?” tanong ko sa mga ka-team mates ko habang wala pa si Capt.Troy

“Ah yung bang binuhusan ni Celes ng juice si Landev tapos ay bumawi naman sya ng suntok?” sagot ni Jill

“Oo yun nga. Grabe din kung bumawi si Yuuka eh, astig nya. Kahit naman ako kung ginawa sa akin yun malamang ganun rin gagawin ko?” saad ko naman

“Dude hindi namin alam na pumapatol ka sa mga babae.” Komento ng ka-team mate ko na si Francis

Nagtawanan ang buong grupo dahil sa komento ni Francis kaya pati ako ay nakitawa na rin sa kanila. Marami pa kaming napag-usapan tungkol duon sa nangyari ng biglang nagtanong si Jill sa akin na syang kinaseryoso ng buong team.

“Ren bakit nga pala first name basis kayo ni Landev? Close ba kayo para tawagin mo sya sa pangalan nya?” kuryosong tanong ni Jill

Lahat sila ay nakatingin sa akin at naghihintay sila ng sagot.

“Ah sorry hindi ko nasabi sa inyo na kaibigan ko sya at kasama nya ako dati sa theatre club bago ako lumipat sa volleyball.” Nakangiting sagot ko sa kanila

Laglag ang panga nilang lahat nung sinabi ko sa kanila kung bakit ganun na lang ako sa pagbanggit sa pangalan ni Yuuka.  Umiling iling pa sila habang hawak ang baba nila na para bang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko tapos sabay sabay silang tumawa.

“I cant imagine na you two are friends dahil ang taray at supladita nyang si Landev.” Komento ni Francis

“Hahaha tama ka dun. Tapos itong si Ren sasabihin na friends sila. Dude puyat pa more.” Kantyaw naman ni Dylan

“Guys im telling the truth and nothing but the truth. Promise cross my heart mamatay man mga ipis dito sa gym friends kami ni Yuuka.” Seryoso kong sabi.

“I pity you dude. Pinagkaitan ka nga ng kagwapuhan ganyan ka pa. Hahaha” segunda naman ni Lance

Masaya silang nang-aasar ng biglang kumalampag ang pintuan ng gym kaya lahat kami ay naging attentive kung sino ang pumasok at ng mapagtanto namin kung sino ang pumasok ay natahimik silang lahat. Walang kumikibo habang papalapit sa amin si Yuuka.

“Ren Yuzuki Kuzonoha” ayan sya pag galit at pag may kailangan yan sa akin, binubuo nya ang pangalan ko

“Yow Yuuka. Ganda ng umaga ano.” Bati ko sa kanya

“Kailan mo balak bilhin ang mga ice cream na pinabibili ko sa’yo?” mataray nyang tanong sa akin.

Napahawak ako sa batok at saka tumawa sa kanya, pero pinagtaasan lang nya ako ng kilay at pinameywangan.

“Hayst naman Yuuka bakit ngayon ka pa nagpapabili nung ice cream eh. After ng practice bibilhin ko rin yun.” Ani ko sa kanya na nakangiti

“Ah mamaya pa ba? Eh ano pang tiunutunganga nyo dyan? Do 20 laps run and jog, toss and spike and blocking and serving. Double time!!!” utos nya sa mga ka-team mates ko.

KISMETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon