6

3.6K 212 23
                                    

Cleo's POV

Kaharap ko ngayon ang lahat ng department heads at si Miguel habang hinihintay namin si mr. Acosta at si papa, sobrang tahimik ng conference room na parang walang gustong mag salita. Napatingin ako sa katabi kong babae sa kaliwa at lalaki sa kanan na bago lang sa paningin ko.

"Uhmm hi?" Bati ko sa katabi kong lalaki.

"Hi po." Nahihiya nyang bati sa akin ano bang problema ng mga tao dito?

"Uhmm hi sir I'm Cleo nice to meet you." Naka ngiti kong bati sa kanya.

"I-kaw po si ms. Cleo?" Napalingon ako sa katabi kong babae.

"Opo ma'am ako po bakit po?" Bigla syang namutla at tumahimik na muli.

"Okay ka lang po ba ma'am gusto nyo po na dalin ko po kayo sa clinic?" Alok ko sa kanya bakit ba feeling ko iniiwasan nila ako?

"O-okay lang po kami." Hindi kona pinilit pang kausapin sila halata naman na ayaw nila, biglang tumunog yung phone ko at nakita kong si Manang Tonya ang tumatawag.

"Excuse me guys." Tumayo ako at lumayo ng kaunti sa kanila.

"Hello po manang may problema po ba?"

"Wala naman anak hinahanap ka lang ng mga bata abay teka i loud speaker ko." Narinig ko namang nag tatawanan ang mga anak ko sa kabilang linya.

"I love you! Uuwi agad si mommy pag tapos nito." Agad namang nag hahagikgikan ang dalawa.

"Pasensya kana anak ayaw akong pansinin ng dalawa busy sa bagong laruan na binili ni Jasper." Hay nako na spoiled yung mga anak ko ee kay tigas ng ulo ng lalaking iyon.

"Ehem!?!" Napalingon ako dahil biglang may malakas na umubo sa likod ko.

"Ahh sige po mauna na po ako kayo na pong bahala sa kanila salamat po." Agad naman akong bumalik sa upuan ko.

"Hindi ito oras ng chismisan Cleo nasa trabaho ka wala sa palengke." Ang sama ng tingin nya sa akin tumahimik nalang ako dahil alam kong hahaba ito pag sumagot ako at ayokong gumawa ng eksena sa harap ng madaming tao.

"Good morning everyone." Napa tingin ako sa bandang pintuan ng madinig ko ang boses ni papa.

"Good morning sir." Naki sabay nalang ako sa pag bati sa kanya.

"Cleo! Long time no see." Naka ngiti sya sa akin at naka porma para yakapin ko sya at agad naman akong lumapit.

"Sir!! Kamusta po kayo?" Humiwalay agad ako sa kanya at ngumiti ng sobra sobra.

"Gwapo padin oo nga pala Cleo natatandaan mo paba si Jameson Acosta?" Hindi ko napansin na nasa likod pala nya ang isang lalaking hindi ko pa ata na memeet.

"Okay lang tito feeling ko hindi nya ako natatandaan mag papakilala nalang ako sa napakagandang binibini." Naka ngiti sya sa akin at pilit ko namang inaalala kung sino sya pero wala talaga ee.

"Hi I'm Jameson Acosta nice to meet you." Inabot ko naman agad ang naka lahad nyang kamay.

"Uhm Cleo po pala I'm so sorry hindi ko na po kayo maalala." Napa ngiti ako dahil naiilang na ako feeling ko may mata ng dragon na naka tingin sa akin at handa akong kainin anytime.

"It's okay it's so nice to meet you." Agad naman nya akong hinalikan sa pisngi.

Nagulat ako sa ginawa nya kaya naman hinila ko ang kamay ko sa pag kakahawak nya.

"A-ahh same here." Umupo nalang ako at tumahimik.

Pag tingin ko kay Miguel ay sobrang dilim ng awra nito at naka tingin sa akin.

A Carrier's Cry [BXB] [MPreg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon