Tatlong linggo na din ang nakalipas ng huli kaming nakapag usap ng matino ni Miguel lahat kasi ng trabaho ko ay sa email ko lang pinapadala sa kanya pag nag uusap naman kami ay parang napaka formal lang.
Sa una nakakapanibago mahirap syemre pero mas okay na siguro na wala nalang kaming pakelamanan.
Hindi na din kami masyadong nag kikita ni Jasper kase pinadala sya ni Miguel sa Cebu branch para ayusin ang problema doon. So ayun na nga mas lalong naging mahirap ang tatlong linggong nag daan.
Kasalukuyang nag aaway si Miguel at Erica sa loob ng opisina. Dinig mula dito ang maarteng sigaw ni Erica pero hindi ko maunawaan kung ano ang pinag aawayan nila at wala naman din akong pakelam.
"I hate you!!mag sama kayo!" Yun lang ang huling narinig ko at lumabas na si Erica na masama ang pag kakatingin sa akin. Wait what bakit ako.nadamay dyn aber?
Hindi kona nilingon pa si Miguel na kasalukuyang naka tayo sa pintuan ng office nya. Nahihilo din ako kanina pang umaga at parang nangangasim ang tyan ko.
"Are you okay?" Pag tatanong ni Miguel sa akin.
"Yes sir I'm fine. Do you need something sir?" Hindi sya sumagot at pumasok ulit sa office nya.
Ganyan nalang kami mag usap ni Miguel super casual and professional nalang.
Habang nag rereply ako sa mga email ay may biglang kumatok na delivery man at may dalang isang box.
"Ms. Cleo good morning po may padala po sa inyo." Nirecieve ko naman iyon at binasa ang naka lagay na note.
-Cleo
Kumain ka I bought your favorite cake.
-Miguel
Siryoso ba to? I mean si Miguel na walang ginawa kung di mag sungit mag bibigay ng ganito?
Pag bukas ko ng box halos masuka ako sa amoy ng strawberry chocolate cake na nasa harap ko peste kay baho naman nito!
Papakainin pa ata ako ng panis tsss.
Agad naman akong tumayo at dinala ang box sa loob ng office ni Miguel.
"Uh-mm. Sir Miguel babalik ko lang po sana yung cake sa inyo panis po ata may iba pong amoy." I don't know but parang wala akong pakelam sa mga sinasabi ko this is what you call mood swings bakit!!!
"What? Itapon mo kung gusto mo." Umiling naman ako sh*t Cleo ang ginagawa mo!
"Amuyin nyo po muna baka pwede pong ibalik sa napag orderan nyo po. Please sir Miguel nasusuka po ako sa amoy." Naduduwal naman ako at agad na lumabas ng opisina ni sir Miguel at nag tunngong CR.
Miguel's POV
Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko masabi ang nararamdaman ko sa kanya, ilang linggo na kaming ganito at hindi ko gusto ang mga nang yayari.
Hindi ako galit sa kanya dahil sa nangyari, galit ako dahil kahit may nangyari na sa amin ay lapit padin sya ng lapit sa ibang lalaki.
Alam ko naman talaga ang nang yari noong araw na yun at aaminin ko na nagustuhan ko din, pero hindi ko alam kung bakit ganun ang trato ko sa kanya.
Lately hindi na si Cleo na masayahin at maalalahanin ang nakikita ko sobrang iba na at hindi ko sya masisisi dahil nag bago naman din ako pero kaya ko lang naman nasabi ang mga bagay na yon ay dala na din ng selos.
Oo nag seselos ako dahil ako ang best friend nya pero feeling ko hindi ako sapat para sa kanya.
"Uh-mm. Sir Miguel babalik ko lang po sana yung cake sa inyo panis po ata may iba pong amoy." Nagulat ako ng bigla syang pumasok sa opisina ko habang bitbit ang cake na binili ko para sa kanya alam ko na favorite nya yun mag sisimula na sana akong makipag ayos sa kanya pero anong ginagawa nya?!

BINABASA MO ANG
A Carrier's Cry [BXB] [MPreg]
RomanceAng storyang ito ay matuturing na gender breaker. Ano mang pag kakahalintulad ng mga pangalan, pangyayari at karakter sa storyang ito ay pawang nagkataon lamang. Bored lang ako kaya gusto ko ulitmag sulat ng something new. Unahan kona kayo pag pasen...