10

4.2K 196 29
                                        

Cleo's POV

"Ako ang may kasalanan kung bakit naging ganyan ang anak ko Cleo." Napatingin ako kay papa.

"Pero pa sa akin galit si Miguel dahil sa nangyare sa amin noon pa wala po kayong kasalanan." Hinawakan ko ang balikat ni papa dahil nararamdaman ko na nalilungkot sya sa sitwasyon ng anak nya.

"Hinanap ka nya Cleo noon isang taon Cleo isang taon syang nag hihintay sayo, nag sisi sya sa lahat ng ginawa nya pero dahil anak na din ang turing ko sayo at ayokong mapahamak ang mga apo ko itinago padin kita sa kanya." Bumuntong hininga si papa habang naka tingin kay Miguel.

"Sinabi ko sa kanya na nag sasama na kayo ni Jasper at lumagay na sa tahimik, pero hindi sya naniwala sa lahat ng sinasabi ko kaya gumawa ako ng paraan para maniwala sya." Nagulat naman ako sa sinabi ni papa pero alam ko din naman na kapakanan ko lang ang iniisip nya.

"Pinakuhanan kita ng litrato na kasama si Jasper sa isa sa mga tauhan ko at ipinakita ko kay Miguel." Kaya pala nung pag dating ko ay galit na galit sya sa akin na halos kamuhian nya ako.

"Mula noon ay lagi syang wala sa sarili at laging umiinom ibat ibang babae ang nakikita kong kasama nya araw araw, gusto ko mang aminin sa kanya ang katotohanan pero hindi kona mabawi ang kasinungalingan ko dahil kahit anong sabihin ko ay hindi na sya naniniwala." Nag simula nang tumulo ang luha ni papa, ang isang makapangyarihang lalaki ay umiiyak dahil sa kanyang anak sana ganito din ang tatay ko mahal at pinahahalagahan ang anak niya.

"Anak kasalanan ko kung bakit nag kaganyan si Miguel napaka sama kong tao." Niyakap ko si papa dahil alam ko na hindi naging madali ang desisyon na yun para sa kanya.

"Papa  hindi po totoo yun dahil ikaw po ang tumulong sa amin ng mga anak ko para mabuhay at mag simula ng bagong buhay, hindi po naging madali ang desisyon na ginawa nyo kaya po nauunawaan ko."

"Salamat anak at isa pa ay hindi totoo na kaylangan ko ng tulong mo sa kompanya kaya kita pinabalik dito.  Cleo matanda nako at alam ko na konting panahon nalang ang natitira sa akin."

"Papa naman!! Wag po kayo mag salita ng ganyan!" Humiwalay ako sa pag kakayakap sa kanya.

"Nag sasabi lang ako ng totoo anak at gusto kong  bago mang yari ang bagay na iyon ay nasa maayos ka nang kalalagayan at ganun din si Miguel." Hinawakan nya ako sa braso at hinarap sa kanya.

"Cleo pinabalik kita para tulungan akong ayusing ang pamilya ko at pamilya mo, naaawa ako sa anak ko at sa mga apo ko dahil nangungulila sila sa isat isa at ito lang ang paraan na nakikita ko. Anak tulungan moko habang hindi pa huli ang lahat." Hindi ko alam ang sasabihin ko pero tama ang punto ni papa.

"Su-subukan ko po pa." Niyakap nya ako at nag paaalam na dahil may importante pa daw syang gagawin.

Umupo ako sa harap nila Cassandra at Miguel na mag kayakap. Sobrang saya ang nararamdaman ko ng makita kong kumpleto ang pinangarap kong pamilya noon. Hindi ko mapigilan na hindi maiyak sa nalaman ko galing kay papa. Nawala ang dating Miguel na minahal ko dahil sa akin ako padin ang dahilan.

"Ringggggggg.."

Napatingin ako sa phone ko dahil may tumatawag na unregistered number wala naman akong matandaan na binigyan ko ng number ko kaya sinagot ko ito agad.

"Good day hello?" Hinga lang ang naririnig ko sa kabing linya.

"Hello sino po sila?" Hindi apdin sumasagot ang tao na nasa kabilang linya.

"Wrong number po kayo bye." Pero bago ko pa man ma ibaba ang telepono ay nag salita ang tao sa kabilang linya.

"Gabriel." Halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa narinig ko.

A Carrier's Cry [BXB] [MPreg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon