13

3.7K 154 39
                                    

Cleo's POV

Gabi na ng maka uwi ako sa bahay na ikinatuwa naman nila Cassandra at Akie, sila ang kayamanan ko, sila ang kasiyahan ko naalala ko ang sinabi sa akin ni papa kanina. To be honest hindi ako interesado sa kahit anong bagay na inoofffer ni papa dahil masaya ako kung anong meron ako, yun naman dapat talaga ee ang makuntento kung anong meron tayo. Napatulog ko na ang mga bata at bumalik sa living room para sabihin ang lahat lahat kay Miguel.

"Uhmm Miguel?" Tumabi ako sa kanya at agad nya naman akong niyakap.

"Miguel." Hindi nya ako sinasagot at tuloy padin sa panunuod. Humarap ako sa kanya pero hindi nya ako pinansin ano banh problema nito?

"Uiii Miguel!" Hinawaka ko ang pisngi nya nya at hinarap sa akin pero hindi nya ako tinatapunan ng tingin.

Napabintong hininga ako dahil nag iisip bata nanaman tong lalaking ito.

"Uhnmm asawa ko." Malambing kong sabi sa kanya at agad naman itong ngumiti at tumingin sa akin. Halos malalaglag ang puso ko dahil sa saya, saya na nakita kong masaya na ulit si Miguel.

"Bakit asawa ko?" Niyakap nya ulit ako at isinandal sa kanyang dibdib.

"Uhmmm may gusto akong sabihin sayo Miguel ko." Hinalikan nya ako sa noo at niyakap ng mahigpit pero hindi pa man ako nakakapag simila mag salita ay agad nya akong inunahan.

"Asawa ko alam mo bang na miss ko ito, namiss ko lahat tungkol sayo, your smell, your smile, at kung paano mo ako tignan na parang ako ang pinaka magaling na lalaking nakilala mo. I promise na hinding hindi ako mawawala sayo." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Shhh. Wag kang umiyak asawa ko noong nawala ka na nawala ang gana kong mabuhay, nawala ang lahat lahat, yung mga  pangarap ko, yung kinabukasan ko lahat yun unti unting naglaho. I know na ako lahat ang may kasalanan kung bakit ka kahirapan at nasasaktan na mas lalo pang nag padagdag ng sakit sa puso ko." Mas lalo akong naiyak sa sinabi nya, hindi lang ako ang nasaktan at nahirapan.

"Ginalingan ko sa trabaho para mawala kahit papaano ang lungkot, sinubukan ko ang pang bababae pero hindi ko parin mahanap ang sarili ko, ilang birthday ko ang dumaan na wala ka na tanging taong kasama ko mag celebrate, pag nag kakasakit ako wala ka na nag aalaga sa akin kahit pagod ka, lahat ng pag aalaga mo, pag aalala mo nawala ng dahil sa kagaguhan ko.  Inisip ko na karma ko yun sa lahat ng pananakit sayo, halos araw araw akong nag mamakaawa kay papa na hanapin ka na tulungan akong ibalik ang pangarap ko pero hindi nya ako pinag bigyan." Ilang taon syang nag tiis mag isa, samantalang ako kasama ko ang mga anak ko at tinutulungan ako ni papa at Jasper sinamahan nila ako, pero si Miguel?

"Kaya ng araw na bumalik ka sa buhay ko, akala ko ay kaya ko nang wala ka, akala ko kahit masaya kana sa piling ng iba ay okay lang sa akin pero araw araw akong nilalamon ng pangungulila ko, walang araw na hindi ko hiniling ko na sana bumalik na tayo sa dati at nag babaka sakaling maging masaya ulit tayong dalawa, pag may kausap ka sa cellphone mo ay gusto ko yun basagin dahil gusto ko ako lang ang kakausapin mo pero wala akong magawa." Patuloy padin akong umiiyak dahil sa mga sinasabi nya gusto kong marinig kung anong nangyari sa kanya mula ng umalis ako.

"Hindi ako nawalan ng pag asa until nalaman ko na may anak kana, aaminin ko nung una nagalit ako pero mas pinangunahan ako ng pag hihinala kung totoong may anak kana. Hindi kita ginising at pumunta sa ospital kung saan ko nakita si Akie at Cassandra, hindi ako maka paniwala sa nakita ko dahil kamukhang kamukha ko si Akie at kamukha mo si Cassandra kaya hindi na ako nag dalawang isip kung anak ko ba sila talaga. Sobrang saya ko nung araw na yun dahil may mga anak na ako lalo pa at sa taong mahal ko. Asawa ko hinding hindi na kita sasaktan sa kahit anong paraan ako. Mahal na mahal kita." Hindi ako makapag salita at hinalikan sya sa kanyang labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Carrier's Cry [BXB] [MPreg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon