9

4.2K 238 61
                                        


AN(Author's Note): Hi guys please read my notes para di kayo nalilito. Flashback po ang ilang chapters na ma iuupdate ko meaning di po sya present time kaganapan. Hehehhe.

Thank you enjoy.

Ps. Usually sa last part ako nag nonote pero feeling ko ilan sa inyo ay hindi binabasa. So sad.

-----------

*Present Time*

Cleo's POV

Napabangon ako ng makita ko ang sarili ko na nakahiga sa isang kama at ito ang kwarto sa loob ng opisina ni Miguel. Nahilo ako bigla kanina at nawalan ng malay ang alam ko lang ay nasa elevator kami ni Miguel teka! Lumingon lingon ako pero walang akong ni anino nyang nakita.

Riggggg!!!!!!

Napatingin ako sa phone ko na nasa table sa gilid ng kama na ito.

*Manang Tonaya's Calling*

"Hello manang? Bakit po kayo napatawag?".

"Ka-se Anak si Akie nasa ospital mataas ang lagnat kanina pa ako tumatawag sayo." Bakas sa boses nya ang pag aalala.

"O jusko bakit Manang? Pasensya na po at nakatulog ako uuwi po ako dyan ngayon sige na manang." Nag suot na ako ng sapatos at kinuha ang bag ko sa upuan malapit sa akin.

"A-nak may kasalanan ako sayo." Napa hinto naman ako sa sinabi nya.

"Manang ano po yun?" Kinabahan naman ako dahil sa sinabi nya.

"Kase a-nak kanina may sumagot ng telepono mo kala ko ay ikaw ang sumagot pero." Halos mang hina ako nasa opisina ako ngayon ni Miguel so meaning pwedeng.

"Lalaki ang sumagot nasabi kona ang lahat bago ko nalaman na hindi ikaw ang nasa kabilang linyan." Bakit ba puro kamalasan ang nangyayare sa akin.

"N- auunawaan ko manang pero Manang ilipat nyo po ng hospital ang anak ko mag reresign na po ako sa trabaho si Cassandra po nasaan?" Tuluyan na akong lumabas ng opisina ni Miguel at dali daling sumakay ng elevator.

"A-nak may problema nandito kase si sir Miguel yung anak ni sir Louie." What the hell!! Anong ginagawa nya doon.

"Ha!! Manang naman bakit sya nandyaan!!" Hapos manlamig ako sa narinig ko mula sa kabilang linya. Hindi nya to pwedeng malaman hindi.

"N-nagulat nalang ako sinundo nalang ako ng tauhan ni sir Louie at dinala dito sa Maynila. Anak patawarin moko ang buong akala ko ay si sir Louie ang sumundo sa amin nasa ****** hospital kami." Hindi ko alam kung iiyak ako o tatawa dahil sobrang kamalasan na ang nangyare sa akin ngayong araw, prank ba to?!

Ang alam ko lang ngayon ay kaylangan ako ng anak ko.

"Ma'am Cleo hahatid na po namin kayo." Napatingin ako sa driver ni Miguel na halatang kinakabahan.

"No mag tataxi ako." Deretso lang ang tingin ko at hindi sila pinansin.

"Pero ma'am utos to ni sir Miguel." Sa sobrang pang gigigil ko ay naiiyak ako hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan malalaman ni Miguel ang lahat.

"Fine!! Pakibilisan." Sumakay na ako sa kotse ni Miguel at hindi na ako kumibo.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Jasper.

"Girlfriend!! Buti naalala mo pa ako? Miss you na." Biro ni Jasper sa akin.

"Alam nya na nakita nya na ang mga bata Jasper hindi kona alam ang gagawin ko." Hindi kona napigilan pa na umiyak kahit kaharap ako ng mga tauhan ni Miguel.

A Carrier's Cry [BXB] [MPreg]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon