C L A R E
"FVCK! Bumangon ka nga diyan!"
At may sumisipa pa sa kama. Ano ba 'yun? Ang ganda ng tulog ko eh. Hmp, ayoko! Hindi ako babangon.
"ISA! BABANGON KA HINDI?!"
Wala pa sa alas kwatrong napatayo ako. Tiningnan niya ako ng walang emosyon. Diba pumunta kami dito para mag honeymoon? Bakit ganiyan siya? Naiiyak nanaman ako eh. Ang sakit parang hindi ako makahinga.
"Oh? Nagdradrama ka nanaman?"
Hindi nalang ako kumibo. Eh sa masakit kaya 'yung sinasabi niya. Ganiyan nalang ba siya parati? Nakakasawa na ah. Porket hindi lang natuloy 'yung kagabi tapos gaganiyan ganiyan siya.
"Tch. B*tch! Bumangon ka na nga diyan."
B*tch? 'Yan na ba ang tingin niya sakin ngayon? A female dog?! Pakshet naman. Arayy. Masakit.
Napaiyak na talaga ako. Bakit ba siya ganiyan?! I can't stand him calling me b*tch! Im his wife..
"HINDI KA TALAGA TATAYO JAN?!" Palapit na siya sakin.
Sasaktan ba niya ako, hindi niya pa ako nasasaktan physically o nasampal man lang kahit noong kami pa. Never in my life!
Hinila na niya 'yung kamay ko, hinawakan ako sa pulso at marahas na hinila. Alex! Ano ba'ng nangyayari sayo? Mukha ka ng demonyo.
"OH ANO? HINDI KA PA RIN BA MAG EEMPAKE?" Malakas na sigaw niya sa mukha ko. Hindi ko na napigilang mapahagulhol. Grabe na siya.
Nanakit na rin ang pulso ko. Magkakasugat yata ako doon.
Tiningnan ko siya sa mata. Basang basa na rin ang mukha ng luha. Gulo gulo rin ang buhok ko.
"Al-ex. Array."
Agad agad naman niyang inalis ang pagkakahawak sa pulso ko na tila nabuhusan ng malamig na tubig. Natauhan na rin siya.
Naitulak niya ako ng malakas kaya napasandal ako sa edge ng kama. Masakit 'yun naitama kasi ang likod ko. Mapipilayan pa yata ako ng wala sa oras.
Tumakbo siya ng walang pasabi, ngunit bumalik din agad para sabihin na wag raw akong umalis dito at mag empake na dahil uuwi na raw kami mamaya.
KINUHA ko na lamang ang mga gamit ko sa cabinet. Dalawang linggo pa naman sana kami rito. Ngunit napurnada yata.
Kakarating lang namin dito kagabi. Na umuulan kaya kunti pa lang ang mga nagamit namin na damit. Buti na lang talaga at nilaba ni Manang Rosa 'yung mga nabasang damit namin kagabi.
Nandito kami sa resthouse nina Alex sa Cagayan. Maganda rito sa resthouse nina Alex. Hindi gaanong mausok katulad sa Maynila. Marami rin ang mga puno. Pero maganda.
Etong resthouse nga pala na ito ay may beach kaya anytime na gusto kong lumangoy ay pwede, meron din namang swimming pool.
Nagdala pa man din ako ng two piece. Eh kami kami lang naman.
Nasaan kaya si Alex? Hindi naman niya ako nasasaktan dati ah? Bakit kaya.
Na empake ko na lahat. Hinihintay ko na lang siya. Napatingin ako sa wrist watch ko.
1:19
Matagal din pala akong nag empake. Higit kumulang tatlong oras at kalahati. Pero bakit parang nawawala si Alex?
DINADAMA ko ang tubig na nagmumula sa shower. Ang tagal kasi ni Alex. Kaya naisipan kong maligo muna.
Ang sinoot ko ay isang Loose shirt at maong shorts. Naka two piece rin ako sa loob. In case lang.
2:49
Wala parin si Alex. Kaya naisipan kong hanapin nalang siya dito sa resthouse.
Tumakbo agad ako. Nilibot ko na ang buong bahay at pati na rin sa pool ngunit walang Alex na nagpakita.
Iniwan na kaya niya ako?
Isa nalang ang hindi ko napupuntahan. Sa beach.
Nakakaramdam na rin ako ng paninikip ng dibdib. Hihikain yata ako. Kanina pa kasi ako takbo ng takbo.
Hay. Hayaan ko na nga lang baka mawawala rin 'to.
Malapit na ako sa may dagat, may nakita akong dalawang pigura. Isang babae at lalaki. Naka lingkis ang mga kamay ng babae sa lalaki at nakahawak naman sa bewang ang lalaki.
Palapit ako ng palapit. Natatakot din ako na makumpirma ang aking hinala.
Naglapat na ang labi ng dalawa.
Siya namang pagsikip ng dibdib ko lalo.
Nasaan ang inhaler ko?
Nandoon sila sa sobrang lalim na parte ng dagat. Naghahalikan. Buti at hindi pa sila nalulunod.
Palapit na rin ako sakanila at hindi ko inaasahan ito..
...si Alex may kahalikan na babae.
Hindi ko rin napansin na nasa malalim na rin ako ng parte ng dagat. Hindi ako marunong lumangoy!
At siya rin ang pagsikip lalo ng dibdib ko. Eto na ang kinakatakot ko. Hindi na ako makahinga at nasa malalim ako na parte ng dagat.
Unti unti na akong nalulunod. At nauubusan ng hininga.
"A-alex."
Kasabay 'nun ang tuluyang pagkaubos ng hininga ko at nalunod.
"FVCK! CLARE--"
At tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang mata ko.
**
HI! Votes and comments are highly appreciated!
Tenkyouu ^^
BINABASA MO ANG
The Husband's Regret
General FictionShe gave him everything, but he returned her a broken heart.