C L A R E
Nagising ako sa ingay na nagmumula sa telebisyon. Bumungad naman saakin ang puting kisame. At naamoy ko na ang amoy na ayokong maamoy sa buong buhay ko--ang amoy ng ospital.
Inalis ko kaagad ang mga nakakabit sa katawan ko na mga dextrose at kung anu-ano pa.
Why I am even here?! T--ngina ayoko dito. Tatayo na sana ako ng biglang pumasok ang isang lalaking nurse.
"Gising ka na pala, Ms. Beautiful." Aniya
Gwapo ito at matikas ang katawan, ngunit kalbo ang kaniyang ulo.
Sa sinabi niyang iyon ay tila mayroon akong naalala. Isang bagay na sana ay makalimutan ko nalang.
Palapit na siya papunta sakin.
"Gising ka na pala, Ms. Beautiful."
"Gising ka na pala, Ms. Beautiful."
"Gising ka na pala, Ms. Beautiful."
Clare. Kontrolin mo ang sarili mo, hindi pwedeng maalala mo ngayon ang nangyari. Mahiya ka naman sa nurse.
Iba na ang pinta ng aking mukha.
"Bakit miss? Anong nangyayari sayo?"
Akmang hahawakan niya ang kamay ko ngunit tinabig ko ito at umiling iling.
"Wag.. maawa ka sakin."
Baka I-rape niya rin ako. Pare-pareho naman silang lalaki, e.
"Bakit ka umiiyak miss?" Tanong nanaman niya sakin.
Nang tumingin ako sakaniyang mukha, mas lalo akong napa iyak. At umatras atras sa higaan ko. Bakit 'yung kalbong nanrape sakin ang nakikita ko?!
Tama na. Wag niyo ng paglaruan ang katawan ko. Maawa naman na kayo saakin.
"Sshheet! Ang sahraahhpp!"
"Ugghh!"
"Tama na po."
Tinakpan ko ang tenga ko. Naririnig ko ang mga boses na ayaw kong marinig. Tinignan ako ng nurse ng may halong pagtataka.
Ano nga bang nangyayari saakin?!
Hinawakan nito ang aking kamay.
"AAAAAHHHH! MAAWA KAYO SAKIN. PLEAASSEEEE!"
--
A L E X
"AAAAAHHHH! MAAWA KAYO SAKIN. PLEAASSEEEE!"
Sigaw ng boses na nagmumula sa kwarto ni Clare. Natigilan si Papa sa pagsuntok sa mukha ko. Rumehistro naman sa mukha ni Tita ang pag aaalala sa kaniyang anak.
Dali dali kaming nagtungo sa kwarto niya.
Nakita namin na naka hawak siya sa kaniyang tenga na animoy nakakarinig ng isang tinig na ayaw niyang marinig. Umiiyak rin ito.
"Tama na po. Wag.. please--"
Seeing her like that.. fuck nakakasira ng ulo. Kawawa naman ang asawa ko.
Kaya agad akong lumapit sakaniya at niyakap ng mahigpit. Hindi kita bibitawan ngayon. Wala ng ibang makakahawak sa'yo kundi ako lang. Proprotektahan kita.
Ngunit agad niyang kinalas ang pagkakayakap sakin at nagsisigaw.
"Lumayo ka s-sakin! M-mga r-rapist k-kayo!"
"Clare. Ako 'to. Asawa mo ako."
Sinigaw sigawan niya ako. Wala akong magawa kundi ang umiyak na lamang at maglupasaysay sa sahig.
"AHHH. TAMA NA PO KASI. AYOKO NA PO."
Nakakaawa ang asawa ko. Ayoko siyang nakikitang ganito. Hindi ko mapigilang maluha sa dinadanas niya.
Kasalanan ko ang lahat ng ito, e. Kung hindi ko siya iniwan sa parking lot na walang masyadong tao ay hindi mangyayari ito sa asawa ko. Fvck! Fvck!
Nag-iiyak lamang ako sa sahig nang biglang may pumasok na isang babae. Sa ayos pa lang nito ay halatang doktora siya at dahil sa postura niya.
"Dok, ano pong nangyayari sa asawa ko?"
She just looked at me then walked towards my wife. May kung ano siyang kinuha sa bulsa niya at tinurok sa asawa ko.
"Aahhh!"
Sigaw parin ni Clare. Ngunit pahina na ito ng pahina. Marahil ito ang epekto ng itinurok sa kaniya ng doktora.
"Dok. What the hell happened to my daughter?!"
[Itutuloy]
A/N: Sorry sa super duper late update. Sabaw :3 alam ko. Atsaka mejo maikli. Mamaya yung part two masakit katawan ko e. Sorry po. Kung may nagbabasa pa rin dito. Haha. Lol
'Yung mga Votes and Comments niyo po ang lakas ko. Haha XD
BINABASA MO ANG
The Husband's Regret
Ficción GeneralShe gave him everything, but he returned her a broken heart.