Third Person's POV
Naiinis si Alex hindi dahil hindi natuloy ang pagsisiping nila kagabi, kundi may tumawag kasi kay Clare habang kausap si Manang Rosa.
FLASHBACK
Hahalikan na sana ni Alex ang leeg ng asawa ngunit..
Tok. Tok. Tok.
Dali daling umalis ang asawa sa kandungan niya. Hindi na rin niya mapigilang mainis ng dahil sa Bitin.
"Ah. Salamat--"
*KRIINGG!*
Dali daling kinuha ni Alex ang Telepono ng asawa--Clare. Kanina pa iyon napansin ni Alex na tumatawag ngunit hindi nila napansin ng mabuti dahil sa pagkasabik sa isa't isa.
'Marcus Dauz'
Ang pangalan na nakarehistrong tumatawag. Agad nag init ang ulo ni Alex sa hindi mawaring dahilan-- kung sa selos, inis at galit ba.
Sinagot na agad ni Alex ang tawag ngunit nanatili lamang siyang tahimik. Nais kasing malaman ni Alex kung ano ba ang sadya nito sa kanyang asawa.
[Hello Clare!]
Ani Marcus. Na lalong nagpainit sa ulo niya, napaka sigla kasi at halatang masaya sa ibabalita sa kaniyang asawa.
[CLARE. Yuhoo! May sasabihin ako sayo. Hihi]
'Fvck. Ang landi. Nyeta' Ani Alex sakaniyang isip.
[I'm homee! Bisitahin kita pag may time ako. Bye Labss! Mwahh]
At pinatay na agad ni Marcus ang tawag. Hindi maiwasang mainis ni Alex, isa na marahil doon angpag tawag sa asawa nito ng 'Labs'. Eh sila nga wala silang endearment si Marcus meron.
Habang hinihintay ni Alex ang kaniyang asawa ay biglang tumunog ulit ang telepono ni Clare. Hindi na ito tawag kundi isang text.
'I love you Labs. I will wait for you anyway.'
Kung kanina ay kaya pang kontrolin ni Alex ang kaniyang galit ngayon ay hindi na. Sino ang nag bigay ng permiso sa kaniya na sabihan ng I love you ang kaniyang Clare.
BUMUKAS ang pintuan senyales na nadiyan na ang asawa.
Agad nalamang na humiga si Alex.
"Hubby."
Hindi ito pinansin ni Alex.
"Hubby."
Hindi parin pinansin ni Alex.
"Hubb--"
"Shut up! Just sleep. Mag eempake ka pa bukas. Uuwi na tayo."
Naiirita na si Alex kaya't hindi na nito napigilang masigawan ang asawa. Hindi niya iyon sinasadya.
HUMIGA nalang si Clare sa tabi ni Alex.
Naka harap ang likod nila sa isa't isa. In short mag ka talikuran sila.
Ilang sandali pa ay nakarinig si Alex ng hikbi. Hikbi na galing sa kaniyang asawa. Namuo ang konsensya sa loob loob ni Alex. Umiiyak na kasi si Clare.
"Stop crying. Andrama mo."
Imbis na sa maaayos na paraan masabi ni Alex iyon ay sa masakit na paraan nito nasabi. Mas lalo tuloy lumakas ang iyak ng dalaga.
'FVCK! What I have done?"
Anito sa kaniyang sarili.
Mahigit trenta minutos na siguro nang naka tulog si Clare. Naririnig na kasi ni Alex ang munting hilik ng kaniyang asawa. Hindi nito mapigilang mapangiti dahil napaka cute ng hilik ng asawa. Ngunit sa kabilang banda naroon din ang awa dahil marahil ay pagod ito.
BINABASA MO ANG
The Husband's Regret
General FictionShe gave him everything, but he returned her a broken heart.