"Nabusog ka ba, apo?"
Gusto ko sanang kunutan ng noo si Lolo sa pagtatanong niya sa akin pero hindi naman ako pinalaking bastos ng mga magulang ko kaya ngumiti ako at tumango.
"Mabuti naman kung ganoon. Pag-usapan na natin ang nalalapit mong kasal."
Tila bombang sumabog ang balitang sinabi ni Lolo sa amin. Natigilan ako at napalingon ako kay Mama at Dada na hindi ako nililingon.
"K-kasal?" gulat kong tanong at naramdaman ko ang palad ni Mama sa aking binti, nilingon ko sya. "Alam mo 'to, Ma pero hindi mo 'man lamang ako inabisuhan?! Natitiis niyong magtago sa akin?!" sigaw ko sa kanila.
"Ate, lower your voice---" saway sa akin ni Dylan pero sinigawan ko lang sya.
"Shut up! Hindi ka kasali sa usapan kaya manahimik ka."
"Demirozz, makinig ka muna sa Lolo at Lola mo." mahinahon pero may warning sa tono ng boses ni Dada sa akin.
"Gusto sana naming humindi sa Stevan Palace kaso nakasulat na sa kasunduan na ang unang Prinsipe sa ikalimang henerasyon at ang unang anak na babae ng Miranda ay may kasunduang magpapakasal."
"S-saan naman nanggaling ang kasunduan na 'yan? It was in the history!" sigaw ko pang muli.
"Ang kasunduan ay kasunduan. Walang pangakong binabali ang ating pamilya, Anastacìa." singit ni Lola.
"Sa ganap na ika-22 ng buwan ng Abril kayo ikakasal. Nasa sa iyo ang kondisyon na ilalathala sa engagement party nyo sa sunod na linggo. Ayon lamang ang kaya nilang ibigay, ang bigyan ka ng mga kondisyon na gusto mo pagkatapos niyong maikasal na makakabenefit sayo at sa mapapangasawa mo."
"H-hindi niyo 'man lamang ako pinaglaban!" sigaw ko sa kanila at nilingon ko pa si Dada na nakastraight face lamang. "Ano, Dada? Ganoon mo na lamang ako ipamigay?! Akala ko ba haharangin mo ang lahat ng mag-aangkin sa akin?! Bakit hindi mo hinarang ang mga taong----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi umiyak na lamang ako ng umiyak sa harapan nila.
"MASTER, the Princess cried when she heard about the wedding."
Napahilig na lamang ako sa aking swivel chair sa balita na ibinigay sa akin ni Johan.
"Can she make it to the engagement party?" tanong sa akin ni Lukas na pinsan ko.
"She will."
"Gaano ka kasigurado, cous? Kampanteng-kampante ka dyan tapos mamaya hindi ka nito siputin."
"She can't say no to the Stevan. Miranda's won't break promises."
"Tsk. Paanong gagawin mo kung biglang lumitaw si Genevieve sa mismong oras ng party mo?"
"Then I'll wreck your neck because you are the one who's assign to the security of the place." I glared at him at ganoon na lamang ang pagtaas nya ng dalwang kamay sa harapan ko. "Daddy, gave the Princess a list of 5 conditions after the wedding."
"Ah yan 'yung tinutukoy ni Uncle na sasabihin nya sayo after the engagement party."
"Yohan, updates?" tanong ko sa kakambal ni Johan at hindi ko na pinansin pa si Lukas na kanina pang umiimik.
"Master, the Princess has been the 1st in the rank since first year college."
"Wow. Sa buong school nila 'yon?" tanong ni Lukas.
"Yes, Prince." sagot naman ni Yohan. "She's also talented and sporty kind of woman. She's a member of musical theater, dance troope and she's a volleyball varsity."
"Wow! Both academic, arts and sports excellent!" sabat ni Lukas. "She's a keeper, Irvin!"
"Shut up. Naiingayan na ako sayo." saway ko kay Lukas. "Wala ka bang trabaho at nandito ka sa opisina ko?"
![](https://img.wattpad.com/cover/216618783-288-k901df8.jpg)
YOU ARE READING
Arranged Marriage
Roman d'amour"Kahit na anong mangyari, bali-baliktarin man ng tadhana ang buhay natin, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko, aking mahal." -- Mr. Lawrence Irvin Stevan.