*riiiiiiiiiing~riiiiiiiiiiing~riiiiiiiiiiing*
KINAPA ko ang bed side table at inabot ko ang aking alarm clock. Nakapikit ko pa rin 'yong pinatay. Tutulog muli sana ako nang biglang pumasok sa aking isipan ang mukha ng matapang kong Professor at nakaduro sa akin ang kanyang mahabang patpat. Dali-dali akong tumayo at pumasok sa banyo. Habang naliligo ay nag-i-stretching ako.
Mabilisang bihis, suklay, ayos ng mukha, at kinuha ko na rin ang bagpack ko na naayos ko na kagabi pa. Pagbaba ko sa hagdan ay dumiretso agad ako sa kusina at nandoon na sina Mama, Dada at ang dalwa ko pang nakakabatang kapatid.
"Good morning, Ate!" bati sakin ng dalwa kong poging kapatid.
"Good morning, Dylan at Dustin!" hinalikan ko sila sa pisngi. "Goodmorning Da at Ma." hinalikan ko rin sila sa pisngi.
"Akala ko ay maaakyat pa kita sa kwarto mo e." sabi sa akin ni Mama at isinilid na nya sa bagpack ko ang aking baon. "Anong oras ang labas mo mamaya?" tanong nya sa akin.
"May praktis po kami ng musical theater baka po alas-nueve ulit."
"Susunduin kita ah. Tawagan mo agad ako." singit ni Daddy sa pagsagot ni Mama sa akin.
"Sige, ipapa-move ko na lamang ang dinner natin kasama ang mga Lolo at Lola mo."
"Ay wow! Ang tagal ko na po silang hindi nakikita."
"Kaya nga. Kaya sila nagset ng dinner para magkita-kita ang lahat. Tapos ikaw lang ang wala, inext time na lamang natin." paliwanag ni Mama na ikinatango ko na lamang.
Nagtapos ako ng pagkain ng agahan at nagtoothbrush. Mas pinili ko ang magcommute kesa sumabay kina Dada na iba naman ang way sa school ko.
"Ma, Da! Aalis na po ako!" sigaw ko habang inaabot ang black high heels ko na nasa shoe cabinet.
"May pera ka pa ba?!" rinig kong sigaw ni Dada mula sa kusina.
Inopen ko ang aking wallet at nang mapatingin ako doon ay umiiyak ng bente pesos ang laman ng wallet ko. Bumalik ako sa kusina at lumapit kay Dada.
"20 pesos na lang po pala ang pera ko." sabi ko sa kanya kaya naman inabutan nya ako ng dalwang libo.
"Buo na naman ang ibibigay mo dyan, baryahin mo para may panukli ang driver." reklamo ni Mama nang makita ang inabot sa akin ni Dada.
"Salamat po! Aalis na po ako. Bye, Dy at Dus!!" mabilis ko silang hinalikan sa pisngi at nagtatakbo na ako palabas ng bahay.
I am Demirozz Anastacìa Miranda. 19 years old. Pumapasok sa Weinstein International University sa kursong Bachelor of Science in Forensic Science. Ang bigat ng laptop bag at bagpack ko at bakit ko nga ba naisipang dalhin ang laptop ko? Hindi ko na naman maalala kung may gawain ba kami ngayon sa Biology? Haynako Demi!!!
Sumakay ako sa train at bumaba sa ikalwang station. Sumakay ako ng bus at nagpababa sa kanto ng school namin. Napahinga ako ng malalim nang makitang may tatlong shuttle ng bus pa akong naaabutan, actually 10 shuttle bus lang talaga ang mga nandito at naghihintay sa mga estudyante. Kapag naman nalate ka at hindi nakaabot sa shuttle bus, wala kang magagawa kundi ang sumakay sa taxi at magpahatid sa Weinstein but it costs toooooo much! Papasok pa kasi 'to sa loob at pinakadulo pa. Malayong malayo sa maingay na City.
Mabilis kong idinukot sa aking bulsa ang card at itinap ko pagkaakyat ko sa bus. Umupo agad ako at huminga muli ng malalim. Nang mapasulyap ako sa orasan dito sa shuttle ay may isang oras pa ako bago magsimula ang klase.
Mauunang madaanan ang Department namin kaya mauuna akong bumaba. Kinuha ko ang cellphone ko na nagba-vibrate. Hindi ko na tiningnan pa kung sino ang caller basta ko na lang sinagot.
YOU ARE READING
Arranged Marriage
Romance"Kahit na anong mangyari, bali-baliktarin man ng tadhana ang buhay natin, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko, aking mahal." -- Mr. Lawrence Irvin Stevan.