Chapter Four

7 0 0
                                    

"Anak, may pasok ka ba sa Lunes?" tanong sa akin ni Mama.

"Wala na po. Bakasyon na po kami." sagot ko sa kanya habang nagpe-paint kami ni Dylan nang may maalala ako. "Wala na pong pasok pero may practice kami ng Musical Theater."

"Isusukat mo kasi 'yung wedding gown mo. Para malaman natin kung i-a-adjust ba o hindi na. Anong oras ba ang practice nyo?"

"7 in the morning until 1 in the afternoon po."

"Sige, papasundo na lang kita sa Dada mo."

Sabado ngayon at gawain na talaga naming magkakapatid ang magpaint twing araw ng Sabado. Nauna akong matapos sa kanilang dalwa kaya naman nagcellphone cellphone muna ako. Chineck ko ang groupchat namin.

#DanceSquad Pipol

Sir Martin: Napag-usapan namin ng Musical Theater Director na si Sir Timothy na pag-iisahin na lamang ang practice para sa isang Charitable Event na sasalihan natin. Ang makakalap nating donasyon ay makakatulong para magkaroon ng maayos na bahay ang mga taong pinapaalis sa squater areas. Pumapayag ba kayo?
Ma'am Mel: Maganda nga 'yan. Dahil ang karamihan sa Alpha at Bravo ay kasali sa Musical Theater lahat sila ay makikicooperate. Ang natitirang grupo ng Charlie at Delta ay may ibang intermission sa Musical Theater.

Naexcite naman ako sa balitang 'yon kaya naman napachat ako sa groupchat naming tatlo nina Sab at Thalia.

#Sisterets

Me: Pag-iisahin na raw muna ang Musical Theater at Dance practice para sa Charitable Event na gaganapin sa Huwebes.
Sabrina: Ang unti ng oras na ibinigay.
Thalia: Baka naman 'yung bagong version ng High School Musical ang gagawin dahil marami doon ay sayaw e.

"Ate, tulungan mo muna ako sa kusina. Please." napalingon ako kay Mama na naka-apron at tinatawag ako.

"Okay po. Wait lang po."

Inasikaso ko ang mga kalat ko bago ako lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at tinulungan si Mama na maglinis ng mga gulay, magayat at magluto.

"Demi, I met the Queen last night sa party na inattendan namin ng Dada mo. Napag-usapan namin ang theme na gusto mo sa kasal mo kasi sabi raw sa kanya ni Prince Lawrence ay ikaw ang pipili ng theme nyo. So, anong gusto mo anak?"

"Woodland Forest Theme." sagot ko kay Mama na ikinatitig niya sa akin.

"I thought beach wedding ang gusto mo." nagkibit balikat na lamang ako at ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa.

After makapagluto ng tanghalian ay sabay sabay kaming kumain. Nagpayabangan na naman si Dylan at Dustin kay Mama.

NAPATITIG ako sa folder na nasa harapan ko ngayon. At sa taong naglapag niyon sa table ko.

"What's that?" tanong ko sa kanya.

"Pinapahanap mo." sagot ni Lukas at umupo sa harapan ko. "Mahigpit ang black market ngayon. May bago silang binebenta at I just overheard na dugo raw."

"Dugo?" taka kong tanong. "May sponsor?"

"Someone died and they got the organs. He has rare blood type."

"Inalam mo kung ano?"

"Hindi. Mahal ko ang buhay ko, pinsan! Bawal ang chismoso sa black market!"

Kinuha ko ang folder at tiningnan ang limang pictures na nasa harapan ko. Tinuro ko ang emerald gold ring ng Yang Dynasty ng China na pinapagpasa-pasahan na sa bidding.

"Call, Charm." utos ko kay Lukas.

"Master." tiningnan ko lamang si Charm at ibinigay ko sa kanya ang picture na kailangan niyang ibid.

Arranged MarriageWhere stories live. Discover now