Chapter Six

5 0 0
                                    

MAAYOS na ang buhok at make-up ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


MAAYOS na ang buhok at make-up ko. Pagsuot na lamang ng bridal gown ang kulang. Kahit si Mama ay napatulala sa bridal gown na dineliver dito sa kwarto.

"Honey, isuot mo na." untag sa akin ni Dada.

Pumasok ako sa dressing room kasama ang dalwang babaeng nag-aasikaso sa akin. Hindi ako nahirapan sa pagsuot niyon pero pakiramdam kong mabigat talaga ang mga telang nakatahi sa gown na ito. Ipinasuot na rin sa akin ang high heels na partner ng gown. Humarap ako sa wall mirror at hindi ko lubos akalain na ganito ako kaganda sa kasal na ito.

Naglakad ako palabas ng dressing room at nakita ko kung paano mapatakip sa bibig si Mama at ang Reyna na naghihintay na rin pala sa akin.

"You are such a beauty, Princess." nilapitan ako ng dalwa kong Ina.

Inayos ni Mama ang buhok ko at inayos naman ng Reyna ang suot kong damit. Pinalibutan ako nina Mama at Dada ganoon rin ang ginawa ng Hari at Reyna nang may sumigaw ng Look up!

Napatingala naman ako to find out na may camera doon at kinukuhanan nila ako. Pumasok sa kwarto ko sina Thalia at Sabrina na hinding hindi ko iniwan dahil gusto kong kasama ko sila sa kasalan na ito. Pamilya sa side ko at pamilya sa side ng mga maharlika.

"Malapit na akong maubusan ng english dito sa kasal mo, Demi." bulong sa akin ni Thalia habang nagpo-pose para sa aming photoshoot na magkakaibigan. "Ang daming foreigner dito ah."

"Natural. Dugong bughaw ang napangasawa niya." singit naman ni Sabrina.

"Ang ganda ng Amanpulo. Pwede bang mag-swimming naman tayo mamayang gabi?" tanong ni Thalia.

"Ano ka ba naman, Thaly. Inaabala mo ang dapat nasa honeymoon." reklamo ni Sab.

"Babalik na kasi tayo bukas ng umaga e. Gusto ko 'man lamang maramdaman ang tubig dagat dito sa Amanpulo. You know naman bumili pa ako ng swimsuit." pagmamayabang ni Thalia.

"Hahahaha! Sige, magpapaalam ako sa asawa ko." natatawa kong saad sa kanila.

"Ayiiie! Tanggap mo ng mag-aasawa ka na?" tanong sa akin ni Thalia na malaki ang ngiti.

"Wala na naman akong magagawa diba? Naubos na ang luha ko sa kakaiyak." sabi ko sa kanila kaya naman ngumiti na lang ako. "Sayang lahi e." bulong ko sa kanila at sabay sabay silang kinilabutan.

"Done!" sigaw ng photographer.

"That's it? Wala 'man lamang kaming maayos na kuha." sabi ni Thalia na nakasimangot.

"Hmm. You look all beautiful. Look," lumapit sya sa amin at pinakita ang candid photos naming tatlo kung saan kitang-kita ang mga emotions naming tatlo.

"Awow! Ang ganda ko dito." tuwang tuwang saad ni Thalia.

"Yes. You are beautiful." sabi naman ng gwapong photographer at siniko ako ni Sab nang mapansin niyang namumula si Thalia.

Arranged MarriageWhere stories live. Discover now