"Good morning, Doktora!!" binuhat ko naman agad ang little Thalia namin.
Nandito ako ngayon sa Restaurant ni Thalia. Simula nang mag-asawa si Thalia 3 years ago ay hindi na sya nagtrabaho na inline sa tinapos nya dahil ayaw rin ng napangasawa niya na kaibigan naman ni Lawrence.
Nagtayo na lamang sya ng restaurant sa tapat ng dati naming school, ang Weinstein na naging patok na rin naman sa mga kabataan na nandoon.
"Thania!" nang mapatingin sa akin si Thalia ay mabilis niya akong niyakap. "Akala ko nakapuslit na naman ang makulit kong anak palabas." kinuha nya sa akin si Thania pero di ko ibinigay.
"Dapat hindi ka na nagbubuhat. Buntis ka ah." paalala ko sa kanya at naupo ako sa steel chair at sa counter naman si Thania.
"Doktora, nanghuli ka po ba uli ng mga bad guys?" curious na tanong sa akin ni Thania.
"Baby, hindi naman kasi ako police e. Forensic Detective ako." sabi ko sa kanya.
"But I saw you running towards the suspects in the TV." napakamot ako sa aking ulo sa kakulitan ng anak ni Thalia.
"Bakit mo naman pinapanood si Thania ng mga ganoon?" reklamo ko kay Thalia na napapangiwi na lamang.
"Idol ka nya e." sabi nya na lamang sa akin at umorder ako ng paborito kong menu nya. "Kelan ka pala mag-aanak? Si Sabrina malapit ng manganak. Ikaw 'yung unang nagka-asawa, ikaw pa ang huling mag-aanak." nakabusangot na saad ni Thalia sa akin.
"Well, nagtrabaho muna ako. Sayang naman ang skills ko kung hindi ko magagamit." sabi ko sa kanya. "Baby Thania, would you like to go to the Mall?"
"Gumawa ka kaya ng anak mo at hindi 'yung anak ko ang binibiyabit mo."
"Well, I'm helping you. Ang dami mong customer, mamamasyal muna kami ni Thania."
Kinuha ko ang baby bag ni Thania at ang mga milk bottles nito. Nagdrive ako patungong salon at nagpagupit ay kulay ako ng buhok. Nanonood lamang sa akin si Thania at namasyal kaming dalwa. Pinagshopping ko rin sya ng mga baby clothes at laruan. Bago magtanghalian ay naiuwi ko naman sya pabalik sa kanyang ina.
"Nakatulog na." sabi ko nang makapasok ako sa opisina niya. Inihiga ko si Thania sa sofa at hinarangan ng isa pang sofa para hindi sya mahulog.
Inilagay ko sa isang tabi ang mga paperbags. Nilapitan ko si Thalia at iniabot ko ang binili ko for her. Natuwa naman sya pero napansin kong may isa pa syang problema.
"What's the matter?"
"Nagpa-ultrasound ako kahapon. To find out na kambal ang anak ko. Hindi ko alam kung anong pagbukaka pa ang kakayanin ko, mailabas lang ang dalwang 'to." natawa naman ako sa term ni Thalia.
"Mabuti nga 'yan at kambal para tatlo na agad ang anak nyo. Kapag nanghingi pa ang asawa mo, ikaw na ang bahala." sabi ko ng natatawa. "Gusto atang mag-anak ng isang dosena."
"H'wag na naman. Malolosyang ako kung ganoon."
Tinawanan ko sya at nagpaalam na akong uuwi. Ang akala kong isang buwan na pagkawala ni Lawrence ay naging dalwang araw lang dahil nandito na agad si Lawrence at kausao niya sina Yohan, Johan at Lukas.
"Oh. When did you arrive?"
"1 hour ago. Where have you been?"
"Nagpunta ako kay Thalia. I visited her and I went to salon with Thania." sabi ko at dumiretso na akong akyat sa taas.
"Hello, Detective."
(You are required to attend the clearing operation tomorrow.)
YOU ARE READING
Arranged Marriage
Romance"Kahit na anong mangyari, bali-baliktarin man ng tadhana ang buhay natin, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko, aking mahal." -- Mr. Lawrence Irvin Stevan.