HANGGANG ngayon ay hindi ko pa rin nakikilala ang aking mapapangasawa. Engagement party na mamaya at exclusive lamang 'yon sa mga taong inimbita ng magkabilang pamilya. Mahigpit ang security dito dahil ipinaiiwan sa security guards ang mga cellphone ng lahat ng imbitado sa party.
Kanina pa akong nakabihis at wala na akong maiiyak pa dahil naubos na bago pa ang party na 'to. Nire-retouch na lamang ako ni Thalia at si Sab naman ay nandito rin. May pumasok na dalwang lalaki na magkamukhang magkamukha at yumuko sa aking harapan.
"Good afternoon, Princess. The Prince sent you simple yet delicious food. He made it for you. He told us that you need to eat before the party starts."
"OMG! Demi! Ang ganda talaga natin ate girl!" react agad ni Thalia habang kinukumpas ang brushes sa hangin at nilingon ang kambal. "Are you two from Royal Family?" tanong ni Thalia na hindi naman sumagot ang dalwa.
"Thank you." sabi ko at yumuko sila saka pumasok ang isang cart na punong puno ng pagkain. Lumabas na sila nang mailagay nila sa table. "Tara na kumain. Nagugutom na ako."
"Yes po, Mahal na Prinsesa." saad nilang dalwa na ikinaroll eyes ko na lamang.
"Sayang-saya tayo Sabrina dito sa engagement party ng kaibigan natin tapos final examination bukas! Kung hindi lang kita mahal, Demirozz! Nunkang pumunta ako dito sa party mo."
"Excuse me, estudyante pa rin po ako at final examination ko rin po bukas."
"Sus, kahit naman siguro hindi ka mag-aral ay papasa ka."
"Dala ko kaya ang reviewers ko. Mag-aaral ako magdamag. Tutulog na lang ako sa library bukas."
"Marami ka ng red marks sa library! Hindi ka ba nadadala?"
"Pasado naman ako sa mga exams na pinapasagutan nila sa akin kaya okay lang 'yon." walang pakelam kong sagot kay Sabrina.
May kumatok muli at isang magandang babae naman ang pumasok. She has short hair, sexy dress pero makikitang medyo boyish sya kumilos.
"Princess please be ready in 30 minutes." paalala niya sa akin.
"Who are you?" tanong ko. Mukha kasi siyang may lahi katulad rin noong kambal kanina.
"I'm Charmaine Paul. At your service, Princess." nakangiti niyang saad sa akin.
"Thank you, Charmaine." sabi ko sa kanya at ngumiti.
"Ang gaganda at ang gagwapo ata ng mga alagad ng Prinsipe." bulong ni Thalia na ikinasiko ko lamang sa kanya.
Tumugtog ang isang musika na ngayon ko lamang narinig. Inalalayan ako ng kambal patungo sa tuktok ng hagdan at sa pagbaba. May naghihintay sa akin sa pinakababa ng hagdan, isang matipuno, makisig, matangkad, gwapo, maputing lalaki. Nang makababa ako ay inilahad nya ang kamay para sa akin.
"Ikaw ang mapapangasawa ko?" tanong ko agad sa kanya.
"Mapapatay ako ng Prinsipe kapag sinagot kita." pagpipigil ng tawa ng lalaking may hawak ng kamay ko.
"Prinsipe ka rin?" tanong ko pa rin.
"Yep. Stop talking to me, Princess. I love my life, please don't make it hard for me." bulong nya sa akin at iniakyat ako sa stage.
Napalingon ako sa kabilang side nang may lalaking nakaputing americana ang unti-unting lumakad palapit sa akin. Kung namangha na ako sa kagwapuhan ng lalaki kanina mas lalo pala dito sa lalaking lumuhod sa aking harapan.
"I, Lawrence Irvin Stevan formally meet the person he'll be with for the rest of his life. Demirozz Anastacìa Miranda, will you marry me?"
Ang ganda ng boses niya! Kumakanta ba sya? I really wanted to hear him sing!
YOU ARE READING
Arranged Marriage
Romance"Kahit na anong mangyari, bali-baliktarin man ng tadhana ang buhay natin, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko, aking mahal." -- Mr. Lawrence Irvin Stevan.
