"HAYYYYYYY!!! Kuya Travis, cold melon please!!" sigaw ni Thalia sa counter nang makita niya doon ang Kuya Travis nito.
Umupo ako sa napili naming upuan at humalumbaba. Napasulyap ako kay Sab na pagod na pagod. Kung noong mga nakaraang araw ay sa auditorium kami pinagrerehearse ngayon naman ay sa field na rin kami at may sari-sariling microphone na hawak.
"What do you want ladies?" tanong sa amin ni Kuya Travis.
"Big bowl of fruit salad. No mixed. Just plain fruit salad."
"Noted. How about you, Sab?"
"Mango graham float and watermelon shake."
"Noted."
Umalis siya sa harapan namin at bumalik sa loob ng counter. Kitang-kita ko kung paano niya itulak si Thalia na naglalambing sa kanya. Thalia and Kuya Travis are siblings. Imbes na sa Oasis kami magtungo ay dito kami dinala ni Thalia dahil naiwanan niya raw ang kanyang wallet sa bahay. At alam niyang nandito ang kanyang Kuya kaya naman dito na kami kumain.
"How I wish I have an oldest brother too." bigkas ko na ikinatingin sa akin ni Sabrina.
"Yeah, I feel you." bigkas naman ni Sab at doon ko lamang naalala na wala nga pala syang kapatid. Only child to be exact.
"Hindi na ba talaga mag-aanak ang Mommy mo?"
"Hindi ko alam."
"Kaya pa naman atang magconceive e." sabi ko sa kanya.
"Hayaan mo na. I have you pa rin naman." kinindatan pa nya ako.
"Kadiri ka. Pwede mong hiramin si Dylan at Dustin." sabi ko habang natatawa-tawa.
"Hindi ko masikmura ang pag-pa-prank ng kapatid mo sayo kaya sayo na lamang si Dylan. Baka si Dustin pa ang magustuhan ko."
"Dustin is such a good boy, promise. Sweet pa. Sweet rin naman si Dylan, may masamang balak lang lagi ang pagiging sweet niyon." paliwanag ko at nagtawanan kaming dalwa.
Biglang umupo si Thalia sa isa pang bakanteng upuan at sumimangot. "Ang damot ni Kuya Travis!"
"Ano bang hinihingi mo?"
"Nagtanong lang naman ako kung sino 'yung rumored girlfriend niya." nakanguso pa rin nyang sabi. "Pero tinanggihan niya pa ako. Kapag raw nagtanong pa ako ay hindi nya ako bibigyan ng baon."
"Give your brother some space. Kung gusto niyang ipakilala sa inyo ang kanyang girlfriend, gagawin niya 'yon in the right time." paliwanag ko sa kanya.
"Baka naman bago pa lamang sila and you pressured him na agad." sabi naman ni Sab na natatawa.
"Hays! Pero gusto kong kalbuhin si Direk! Grabe ang pagbababad natin sa field ah!" reklamo nya na ikinabuntong-hininga ko.
"Kailangan niya raw paitimin ang isang Thalia na sobrang puti." I said in a mimick voice.
"Che!" tinawanan ko sya ng malakas nang magroll eyes pa sya.
Napalingon ako sa bagong pasok sa restaurant ni Kuya Travis at napanganga nang mamukhaan kung sino 'yon. Kahit may suot syang sweater jacket at sumbrero ay kilalang kilala ko ang build ng katawan ni Lawrence. Saka ang dalwang kasama niya ay kilalang-kilala ko. Johan at Yohan.
"Hey, who are you looking up to?" tanong sa akin ni Sab nang mapansin niya siguro akong natulala.
"Ah! Wala. Wala." hinawakan ko pa sya sa kanyang kamay para ako lamang ang mapansin nila. "Do you want to go home with me? Nagbebake si Mama ng cake."
YOU ARE READING
Arranged Marriage
Romance"Kahit na anong mangyari, bali-baliktarin man ng tadhana ang buhay natin, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko, aking mahal." -- Mr. Lawrence Irvin Stevan.