"I love you Eixel. Noon pa man, ikaw na ang itinitibok nito." itinuro niya ang dibdib niya kung nasaan ang puso. "Sana, sa pangalawang pagkakataon, bigyan mo pa ako ng chance na mahalin ka. Pangako, hinding-hindi na kita ulit sasaktan." maluha-luhang sabi sa akin ni Renz - ang first love at first ex ko. Ang lalaking dumurog ng puso ko pati na rin ang pagkatao ko at ngayon ay nandito sya sa harap ko at nakaluhod habang hinihingi ang pangalawang pagkakataon?
Pagbibigyan ko pa ba sya?
Madami na ang hirap at sakit na dinanas ko pagdating sa kaniya. Lahat tiniis ko. Ang mga taong nakapaligid sa amin, pinag-uusapan kami pero hindi ko sila pinapansin. Ang mga sinasabi ng mga kaibigan ko patungkol sa kaniya, hindi ko pinakikinggan. Kasi mas pinili ko sya kaysa sa kanila. Pero hindi niya pinahalagahan ang lahat nang iyon. Mas pinili niya paring magloko at maiwan ako. Mas pinili pa rin niya ang babaeng iyon. At ang higit sa lahat, mas pinili pa rin niya akong saktan.
Tinanggal ko ang kamay ko na hawak-hawak niya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Tumayo ka na dyan. Wala kang mapapala." kahit na itinatayo ko sya, siya ang matigas ang ulo at ayaw magpaawat. Ito na naman siya.
Hindi niya alam kung matatawa ba sya sa sitwasyon nila ngayon.
Nakamove-on na siya. Kinalimutan niya na ang namagitan sa kanilang dalawa. Iwinaksi niya na lahat ng mga bagay na may kinalaman sa kanilang dalawa. Pero heto...bumibilis na naman ang tibok niya nang makita niya ang lalaking ito? Ito na naman ba?
Kapag ba binigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon, hindi niya na ito sisirain? Kapag ba binigyan ko sya ng pangalawang pagkakataon, hindi niya na ako sasaktan? Hindi na ba ako luluha? Hindi na ba ako magiging mag-isa?
"Ipinapangako ko sa iyo Eixel na ito na ang huling pagkakataon na hihingin ko sa iyo. Kapag tinanggap mo ako ngayon, pangako, hinding-hindi na kita sasaktan."
A/N: Sana magustuhan niyo kahit umpisa pa lamang ito.