Sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Gusto niyang magtatatalon sa sobrang saya. Hindi niya ineexpect ang nangyari sa kanya kanina. Ang biglaang paghalik sa kaniya ni Renz. Naramdaman niyang nag-init ang pisngi niya dahil sa kilig.
Hanggang sa matapos ang klase ay wala siyang naintindihan. Lutang sya hanggang sa lumabas sa room. Napatalon siya sa gulat nang may tumapik sa balikat niya at kinuha ang bag niya. It was Renz. Nang magtama ang mga mata nila, sobrang pagkailang ang naramdaman niya. Pwede na ba akong lamunin ng lupa para lamang makaiwas sa lalaking ito? Argh!
Naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa. Ayaw niyang magsalita hindi dahil sa galit pa den siya. Hindi niya kasi alam kung anong sasabihin niya kay Renz pagkatapos ng nangyari kanina.
Halos 3 years na silang magkasintahan ni Renz. Ni hindi siya nito hinalikan at minanyak. Kaya niya nagustuhan si Renz dahil sa ugali nito. Gwapo na nga, mabait pa. Madaming efforts ang ginawa ni Renz para mapasagot lamang siya. Noong una ay hindi pa niya ramdam ang pagmamahal niya rito pero habang tumatagal, parang mas bumibilis ang tibok ng puso niya kapag kasama na niya ito. At doon na niya nalaman na inlove na talaga siya sa lalaking nasa gilid niya.
"Are you okay?" tanong ni Renz sa kaniya.
"Sa tingin mo magiging okay ako sa ginawa mo kanina?"
"Ow. Chill. Hindi ko rin ineexpect na gagawin ko iyon sa iyo. Di ko namang planong halikan ka. Gusto ko lang kasing mawala ang inis at selos na nararamdaman mo sa amin ni Dalia kaya iyon lang ang paraang naisip ko."
"Pero hindi pa din iyon tama."
"Sorry na. Baka iyan na naman ang pag-awayan natin ah. Alam mo namang ayaw kong nag-aaway tayong dalawa lalo na sa maliit na bagay?"
"First kiss ko yun Renz kaya kahit kailan, hindi naging maliit na bagay iyon. Isa iyon sa pinakainiingatan ng mga babae."
"First kiss ko din yon Eixel kaya parehas lang tayo."
Hindi na nila pinalaki pa ang usapang iyon. Wala namang dapat pag-awayan iyon. Naggagalit-galitan lang naman siya sa binata.
Nang makarating sa bahay ay may naririnig siyang nag-uusap sa may sala. Naabutan niya ang mga magulang niya at may mga kasama pa ito na nakasuot ng tuxedo. May isang matandang lalaki na may salamin, matandang babae at sa katabi niya ay may isang lalaki. A very handsome man. Iniiwas niya ang tingin rito at humalik sa parents niya. Nang aakyat na siya ay pinigilan siya ng mommy niya.
"Stay here. Just sit beside me." tumango naman siya at inilapag niya sa isang sulok ang bag niya na kinuha naman agad ni Manang Lindang. Anong dahilan at bakit kailangan ay nandito pa sya? Wala naman siyang alam pagdating sa mga gantong usapan. Puro about sa mga business lang naman ang pag-uusapan nila at mukhang mao-OP siya nang wala sa oras. At hindi rin naman niya ineexpect na dadating ngayong araw ang mga magulang niya.
Pinagmamasdan sya ng mga ito habang umuupo siya. Bakit sa akin sila nakatingin? May dungis ba ang mukha niya? May dala siyang panyo kaya pinunasan niya ang mukha niya. Baka may dungis nga dahil tinitignan siya ng matandang lalaki.
"This is my only child, Eixel Martines." bigla siyang kinurot ng mommy niya sa beywang.
"Hi po." napipilitan niyang pagbati sa tatlong bisita. She faked a smile. Ngumiti ang lalaki at babae sa kaniya.
"And this is our son, Klein Storm. He is the future heir of our company." tumayo naman ang lalaki at nagbow sa harap nila. Tinignan siya saglit lang ng binata bago bumalik sa upuan nito.
Hindi niya maipagkakaila na gwapo ang binata. Mas gwapo siya kay Renz. Pero alam kong mas mabait si Renz kaysa sa kaniya. Kung wala lamang akong boyfriend, baka kanina pa ako naakit sa lalaking ito.
Nag-usap usap lamang sila tungkol sa business nila. Nagtawanan at minsan ay napupunta sa kaniya ang usapan. Kung ano lang ang itinatanong, yun lang ang sinasagot niya. Hindi naman siya iyong tipo ng babae na malasalita. Mas gusto niya ang manahimik kesa dumadaldal. Masasayang lang ang laway niya sa walang kwentang bagay. Tumayo ang mga bisita hudyat na aalis na ang mga ito. Nakahinga siya ng maluwag habang tinatanaw ang tatlo na sumakay na sa sasakyan nila - at sobrang mamahalin pa ito - isang Dodge Viper. Sobrang yaman siguro ng pamilyang iyon kaya ganon ang sasakyan nila. At base sa mga narinig niya, halos 3 companies ang hawak nila kaya hindi na nakakapagtaka.
Umakyat na siya kaagad sa kwarto niya at may nag-appear agad na message galing kay Renz.
Renz: How are you, babe? Imy. ❤
Bigla siyang kinilig. Kahit na matagal na sila ni Renz, hindi pa din nawawala ang kilig na nararamdaman niya sa binata.
Eixel: Fine. Miss agad? Miss you too. ❤❤❤
Nakapagreply agad ang binata.
Renz: Wow, 3 hearts?
Eixel: 3 hearts means I Love You.
Renz: I love you too, babe.
Nakaramdam ng antok si Eixel kaya nagpaalam na siya kay Renz na matutulog na. Nung una'y nagtampo pa ang binata pero wala itong magagawa dahil inaantok na talaga siya. Kailangan na niyang magpahinga.
"Each group ay mayroong 5 members. Dahil 30 kayo, 6 groups ang mabubuo niyo. And kayo na rin ang pipili ng gusto niyong kamember. Pinagbibigyan ko kayo dahil 4th grading na. Maghanap na kayo ng mga ka-mambers niyo at simulan niyo nang i-solve ang problems na nakasulat diyaan sa may envelope. Kung sino ang unang makapagpasa, siya ang bibigyan ko ng mataas na grade. Go!" naghanap na agad sila ng mga magiging ka-members. Nang makabuo ay inumpisahan na nilang sagutan ang mga tanong. Wala siyang kaalam-alam pagdating sa mga gantong tanungan. Mas okay pa sa kanya and Q&A, mas madali pang sumagot. Ito kasi, kailangan pa ng napakahabang formula.May nauna nang nakapasa at hindi iyon nakakapagtaka, dahil nandoon ang magaling sa kanila sa Math. Mukhang sila ang makakakuha ng mataas na grade.
Nagpasa agad sila nang makuha nila ang sagot. Pangalawa sila kaya okay lang sa kanila iyon. 100 ang sa nauna, 95 sila, at 90 ang panghuli.
May dalawang klase pa ang natitira. Nang makapasok na ang pangalawang teacher ay kaagad nila itong binati. Teacher nila ito sa Science. Habang nagtuturo ang teacher sa harap, wala ang atensyon ni Eixel doon. May iba itong pinagkakaabalahan. Nag-aabang siya ng mensahe ni Renz para sa kaniya. Ayaw niyang makinig sa Science dahil alam niyang magugulo lang ang utak niya sa sobrang dami ng formula. Sya na lamang ang mag-aaral dahil mas naiintindihan niya pa.
Patingin tingin siya sa teacher at baka mamaya ay mahuli siya. Biglang may nag-appear na message pero nagtaka siya nang hindi si Renz. Unknown Number.
Hintayin mo ako after ng klase niyo.
Sino ba ito? At bakit kailangan niyang maghintay? Hays. Sa halip na isipin iyon ay itinago na lamang niya ang cellphone sa bulsa at nagsulat na lamang ng mga napakahabang formula.
Pero hindi pa rin mawala sa isip niya kung sino iyon. Malalaman ko rin mamaya.