Kabanata 1

1 0 0
                                        

Siya si Eixel Martines. She came from a wealthy family dahil both parents niya ay namamahala ng isang company. Nag-iisa siyang anak kaya spoiled sya. Pero kahit na ganon, alam niya kung hanggang saan lamang sya. Hindi siya lumalagpas sa limits niya. Ayaw niyang sirain ang tiwalang ibinibigay sa kaniya ng mga magulang niya. Lagi niyang sinusunod ang mga ito. Kung anong iuutos sa kaniya, sino siya para tumanggi? Yun lang ang kaya niyang isukli sa mga magulang niya.

Maaga siyang nagising at pinagpahinga muna ang mga mata saka sya dumiretso sa may sarili niyang banyo. May sarili siyang cr sa loob ng kwarto niya. May cr sa baba pero para iyon sa mga katulong lamang. Sila Dad at Mom naman ay mayroon din pero isa lang dahil iisang kwarto lang din naman ang ginagamit nilang dalawa.

Pagkatapos maligo ay isinuot niya na ang uniform niya. Bumaba sya para kumain at nadatnan niya sa may sala ang kaniyang Yaya. Si Yaya Lindang ang nagsilbing pangalawang nanay niya dahil halos lahat, siya ang umaasikaso sa kaniya. Simula bata pa lamang sya, si Yaya Lindang na ang nag-alaga sa kaniya. Minsan lang din kasi umuwi ang mga magulang niya dahil kadalasan may mga inaasikaso ito sa ibang bansa na hindi pwedeng ipagpaliban. Hindi naman siya pinapabayaan dahil lagi siyang binibigyan ng pera.

"Oh, sakto at kakatapos ko lang din magluto. Kala ko hindi ka pa gising. Gigisingin palang sana kita." well, it suprised her too. Hindi siya sanay na gumigising ng maaga. Si Yaya Lindang na kasi ang gumigising sa kaniya. And btw, hindi Yaya ang tawag niya kundi Mamang para mas magandang pakinggan.

Inihanda na rin ni Mamang ang mga pagkain na babaunin niya mamaya. Nagpaalam na siya rito nang matapos kumain at nagpahatid na siya kay Manong - ang asawa ni Mamang. Parehas silang nagtatrabaho dito at pinagkakatiwalaan silang dalawa. Sabay na namasukan ang mag-asawa dito sa bahay nila.

"Tara na po." tumango naman si Manong at sinigurado na nakapasok na sya bago ito umikot at isinara na ang pinto. Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan. 10-15 minutes ang byahe niya mula sa bahay nila hanggang sa paaralan na pinapasukan niya. At para hindi mabored, pinagkaabalahan niya muna ang cellphone niya. Madaming nagnotif sa kaniya. Mapa-facebook, instagram, twitter, messenger at kung ano-ano pa. Binuksan niya ang instagram at nakita niya ang picture niya na nakakuha ng madaming likes. Yun yung kuha niya sa beach. Well, obvious naman kung bakit iyon ang may pinakamaraming kuha. Exposed na exposed ang katawan niya doon.

Biglang huminto ang kotse at nakita niyang bumaba na si Manong. Napatingin sya sa labas atsaka lang niya narealized na nakarating na pala sya sa school nila. Then her phone suddenly vibrates.

It's a text from his boyfriend - Renz.

Renz: Nakikita ko na ang sasakyan niyo. Nandito ako sa may gazebo at hinihintay ang paglabas mo.

Binuksan ni Manong ang pinto at tuluyan na siyang lumabas. Inilibot niya ang paningin at natanaw niya na si Renz. Abala ito sa pagtatype ng kung ano. Nang makita niyang tumigil ito sa pagtatype, tinignan niya ang phone pero wala namang mensahe para sa kaniya. Baka hindi sya. Baka may ibang katext? Pero sino? Baka barkada...

Lumapit siya rito at kinalabit. Pinatay niya kaagad iyong cellphone niya. "Let's go?" kinuha niya ang bag nito at isinukbit niga sa balikat. What a gentleman. They intertwined their hands while walking. Nakangiti siya habang naglalakad. Madaming nakatingin sa kanila, at alam niyang inggit ang mga ito. Sumandal siya sa balikat ni Renz. I wish our love will never end.

  Nang matapos ang klase ay dali-daling lumabas si Eixel. Hinanap kaagad ng mga mata niya ang boyfriend niya, na ngayon ay nasa tapat ng room nila at hinihintay siya hanggang sa matapos ang klase nila. Tuwing lunch kasi, sabay silang kumakaing dalawa sa may canteen.

Pagdating nila doon ay naabutan niya ang mga kaibigan niya na nakaupo na at ang iba ay kumakain na. Tinawag si ni Elise. Ang medyo close niya sa kanila.

"Dito kayo oh. May vacant pa naman na upuan. Sakto, dalawa." hinatak niya si Renz papunta roon. Napapagitnaan nilang dalawa ni Dalia si Renz.

Tumayo si Renz at umorder na. Lagi siyang nililibre ng binata. Kapag sinasabi niya rito na sya naman ang manlilibre, ayaw pumayag ng binata. Dapat daw ang lalaki ang nanlilibre, para dagdag points.

"Hmp. Sana ol merong Renz." natatawa syang tumingin kay Elise. Ngumunguya pa din ito habang nagsasalita.

"Don't talk when your mouth is full." saway sa kaniya ni Talia - katapat niya. Inirapan lang niya ito at nagpatuloy sa pagkain. Sa kanilang magkakaibigan, si Elise ang pinakamatakaw. Kaya hindi na nakakapagtaka, dahil kung makikita mo lang sya, malapit na siyang maging bilugan.

Dumating rin si Renz. Hindi pa naman siya gutom pero nahihiya naman siyang hindi kainin yung binili ni Renz. Libre na nga eh. Kahit na busog, pinilit pa rin niyang ubusin. "Drinks?" umiling siya sa alok ng binata.

"I prefer water. Mas maganda siya sa kalusugan."

Nauna na sa paglalakad ang mga kaibigan niya samantalang sila naman ni Renz ay nasa dulo.

Naramdaman niya ang pagvibrate ng phone niya sa kalagitnaan ng klase. Tinignan muna niya ang prof nila at nang makakuha ng pagkakataon ay dinukot niya sa bulsa niya ang cellphone.

Napangiti siya nang makita kung sino ang nagtext.

Renz: Nandito ako sa cafeteria. Wag ka agad uuwi. I already miss you. : <

Natatawa sya dahil sa emoji.
.
"MS.MARTINES, ARE YOU LISTENING?!" galit na sigaw ng prof niya. Pinagtinginan siya ng mga kaklase niya atsaka dahan-dahang itinago ang cellphone sa bulsa.

"Sorry Sir." nakahinga sya ng maluwag nang ipagpatuloy ang pagtuturo at hindi na sya pinagalitan.

Excited na siyang matapos ang klase.

Pasulyap-sulyap si Eixel sa relo niya. Limang minuto pa bago matapos ang huling klase. ANG TAGAL NAMAN... Nang tumunog ang bell ay dali-dali niyang isinukbit ang bag na nauunang lumabas ng room nila.

Dumiretso sya agad sa cafeteria at naabutan nga niya roon ang boyfriend. Napangiti siya. Bago pa sya makalapit ay may isang babaeng lumapit dito - Dalia? Hindi muna niya nilapitan si Renz at hinintay ang gagawin ni Dalia. Nang mapansin siguro ni Renz ang presensiya ni Dalia, kaagad itong tumayo at nginitian ang dalaga.

Lumapit pa lalo si Eixel para madinig ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Hi Renz." inoffer niya ang kamay niya at nanikip bigla ang dibdib niya nang tanggapin ni Renz ang kamay nito "Pwede mo ba akong sa-samahan sa li-library?" bigla siyang nanggigil sa narinig. Bakit kailangan niyang magpasama kay Renz? Madami namang iba diyan ah?

"Wait. Tetext ko lang si Xel." maya-maya ay may nareceived siyang text.

Renz: Can you wait? May aasikasuhin lang ako saglit. May biglaan kasing pinagawa.

Pinagawa? Kasinungalingan! Bakit iyon ang idinahilan niya? Bakit kailangan pa niyang magsinungaling?! Hindi ba pwedeng sabihin nalang niya ang totoo?!

Atsaka bakit hindi siya umangal? Dapat ay hindi nalang siya pumayag.

Bigla siyang nakaramdam ng inis at galit. Hindi niya na ito nireplayan pa. Umalis na sya at hinintay na lamang ang sundo niya at nang makauwi na sya. Wala siyang ganang magstay dito. Nandito ang dalawang kinaiinisan niya. Baka mapasugod pa sya nang wala sa oras.

Nang dumating ang sundo niya ay sumakay agad sya. I hate you Renz.

A/N: Ang bilis mo naman magalit Eixel. Naging mabait lang naman si Renz. 🤣

Love Me Till The End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon