Kabanata 2

0 0 0
                                    

Eixel's POV

Kanina pa nagvavibrate ang cellphone niya dahil sa tadtad na messages ni Renz para sa kaniya. Halos naka 30 missed calls na rin ito sa kaniya pero mas nangingibabaw ang inis niya kesa sa pagmamahal niya sa binata.

Liar!

Bumangon sya upang uminom. Nauuhaw sya. Kailangan niyang patayin ang nag-aalab na apoy sa loob ng dibdib niya.

Nagvibrate ulit ang phone niya pero hindi niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglabas. Magdusa siya dyan!

Halos nakatatlong baso sya ng malamig na tubig pero hindi pa rin sya kumakalma. Ngayon lang sya nagselos ng sobra-sobra. Kahit kailan ay hindi pa sya nagselos dahil wala namang nakakalapit sa boyfriend maliban sa mga kaibigan niya at isa na doon si Dalia.

Nakauwi na kaya si Renz? Magkasama pa rin ba sila ngayong dalawa???

Umakyat din sya kaagad sa kwarto niya. Ibinagsak niya ang katawan sa malambot niyang higaan at ipinikit ang mga mata. Sa sobrang pag-iisip ay nakatulog siya.

Renz POV

Nag-aalala ng sobra si Renz sa dalaga. Tinext niya ito kanina na maghintay lang dahil may aasikasuhin siya.

Iba ang idinahilan niya sa dalaga. Wala naman talaga siyang aasikasuhin. Bigla na lamang kasing sumulpot si Dalia, ang kaibigan niya at inaya siya sa library. Nagsinungaling siya sa girlfriend niya!

Ilang tawag na ang ginawa niya pero hindi pa din sinasagot ni Xel ang tawag. Pati na rin ung mga messages niya, wala. Kahit isang reply, wala siyang natanggap. Kahit isang dot, wala. Ano ba ang nangyari at parang ayaw siyang kausapin ng dalaga? May problema ba ito?

Gusto niyang puntahan si Xel pero hindi pwede. Hindi sya kilala ng mga magulang nito at hindi nila alam ang relasyon nilang dalawa.

Nagtampo ba ang dalaga dahil hindi niya agad nasundo kanina? Hays. Sana pala isinama nalang niya sa library. Wala rin naman silang ginawa masyado ni Dalia. Nag-usap lang sila at kung ano-anong topic na. Naaliw naman sya kaya hindi na rin niya naalala ang dalaga.

Gusto na niyang makita si Xel.

Biglang nagvibrate ang phone niya at sa pag-aakalang si Xel ang nagtext, wala syang pag-aalinlangang dinampot ito at binuksan. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang si Dalia lang naman pala ang nagtext. Kala pa naman niya si Xel na!

Binuksan niya ang text.

Dalia: May gagawin ka ba bukas?

Yun lang.

Sa totoo lang, wala naman siyang gagawin bukas. Pero, kailangan niyang suyuin ang dalaga. Alam niyang nagtatampo ito. Hindi niya alam kung paano ito susuyuin dahil ngayon palang naging ganito ang dalaga.

Naiinis siya sa sarili niya. Mas inuna pa niya si Dalia kaysa sa girlfriend niya!

Eixel's POV

Inunat ni Eixel ang mga braso niya. Nakita niya ang labas at madilim na rin. Saktong pumasok si Manang Lindang at may dala-dalang kulay gold na tray na mayroong mangkok at kanin kasama na rin ang pineapple juice. Nakaramdam siya ng gutom kaya kinuha niya agad ang tray at nagsimula nang kumain.

Iniwan na rin siya ni Manang Lindang dahil may aasikasuhin pa daw ito sa kusina. Pagkatapos niyang lantakan ang mga pagkain ay ibinaba niya ito at siya na ang naghugas ng mga pinagkainan niya. Nakakahiya naman kung iaasa pa niya kay Manang Lindang.

Bumalik agad sya sa kwarto niya at may balak siyang mag half bath nang marinig ang cellphone niya. Nakikita sa screen kung sino ang tumatawag...Renz...

Love Me Till The End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon