Kumatok sya sa pinto ng kaibigan nya. Si Elise. Nakatira lamang ito sa isang apartment. Hindi kilala ng parents niya si Elise kaya di nila agad malalaman kung nasaan siya. Atsaka medyo tago ang apartment na tinitirhan ni Elise.
Bumungad sa kaniya ang medyo inaantok pang mga mata ni Elise. At nang makita sya nito, parang bigla itong nagising at kinusot-kusot pa ang mata para siguraduhing siya nga ang nasa harapan ng babae.
"Shit! Pasok ka!" tinulungan siya ng kaibigan sa pagdadala ng mga gamit. Kahit medyo maliit ang apartment maganda naman at halatang kumpleto ang gamit niya. Nang mailapag na niya ang mga gamit ay umupo siya sa higaan. "Anong ginagawa mo rito Xel? At bakit dala-dala mo ang mga gamit mo?"
"Lumayas ako."
"What? Wait..wait..wait... Pwede bang sabihin mo sa akin kung bakit ka lumayas sa inyo? Bigla bigla ka nalang kumakatok. Madaling araw palang. Buti at walang nangyaring masama sa iyo diyan." nag-aalalang sabi ni Elise. Natakot rin naman sya kanina sa labas dahil madalim na madalim pa at halos wala nang katao-tao. Pero wala naman siyang magagawa. Ayaw na niyang bumalik pa doon sa bahay nila at kukulitin lang sya ng mga magulang niya. Sumakay lang sya sa driver na kakilala niya. Mabait naman iyon. Inihatid sya hanggang sa may eskinita.
Ikinuwento niya ang lahat-lahat. Gulat na nakatingin parin sa kaniya ang kaibigan? "Bakit naman ganun? Bakit parang masyado ka na nilang inaabuso?"
"Yun nga e! Ni hindi man lang nila ako tinanong!"
"Alam kasi nila na aangal ka kaya hindi na nila pinaalam muna sa iyo."
"Pero kahit ganun, anak pa ren nila ako! Atsaka ako, ako ang itinatakda nilang ikasal sa isang lalaking ni hindi ko nga kilala maliban nalang sa anak siya ng isang mayamang negosyante."
"Oh yun naman pala eh. Mayamang negosyante. Bakit ayaw mo?" inis na tumingin siya kay Elise.
"Are you even thinking? Gosh Elise! I have a boyfriend!"
"Ay oo nga pala. Sorry na. Ito naman eh. Gusto mo paalisin kita dito sa apartment ko?" para hindi siya mapaalis, ipinikit na lamang niya ang dalawa niyang mata dahil nakaramdam na rin sya ng antok.
Klein's POV
Nang iwan sya ng babae sa parking lot kahapon, nakaramdam siya ng inis! Wala man lang pakikisama! Halatang walang gusto ang babae sa kaniya! Pwes, wala rin naman siyang gusto sa kaniya! Napilitan lang din siya na sundin ang utos ng mga magulang niya sa kaniya - at iyon ay ang pakasalan sya!
Kailangan niyang kausapin ang mga magulang niya tungkol dito!
Pinaharurot niya ang sasakyan niya papunta sa kompanya nila. Pagkarating ay ipinark niya at pumasok na. Sa labas pa lamang ay binabati na agad sya ng mga tao na galing sa loob. Kilala siya dahil siya ang magiging future heir ng kompanya na ito.
"Good morning po Sir Klein."
"Good morning Sir." tanging tango lamang ang isinasagot niya sa mga ito. Nang marating niya ang opisina ng Daddy niya ay kumatok ito.
"Pasok." sabi ng Daddy niya sa loob. Nakita niyang nakaupo sa swivel chair ang Daddy niya at ang Mommy naman niya ay nakaupo sa isang sofa. Malaki ang office ng Daddy niya at madaming mga papeles na nasa table nito. Halatang madami siyang kailangang tapusin. "What brings you here?"
"Hindi niyo muna po ba ako pauupin?" inilahad ng Daddy niya ang isang sofa at tumabi naman ito sa Mommy niya. Nang mapadako ang tingin niya sa Mommy niya ay ngumiti ito sa kaniya. Lumapit sya rito sa dalawa. "Yung tungkol po sa kasal... "
"Anong mayroon sa kasal?"
"Ayaw ko pong maikasal sa babaeng iyon." nagkatinginan ang parents niya at saka umiiling iling ang Daddy niya.