Kabanata 4

0 0 0
                                    

Hindi siya nakatanggap ng text kay Renz kaya siya na lamang ang nagmessage dito.

Eixel: Nasaan ka na?

Medyo matagal tagal rin bago nakapagreply si Renz.

Renz: Wait. Malapit na ako diyan.

Itinago niya ang cellphone at patingin-tingin sa mga dumadaan kung nandiyan na ba si Renz. Nang matanaw niya ang binata ay kaagad niya itong nilapitan. Kinuha ng binata ang bag niya at siya na ang nagdala...palagi niya iyong ginagawa. Sinabi niya rito ang nagtext sa kaniya kanina at kahit si Renz ay biglang kumunot ang noo.

"At sino naman iyon?" nag-isip muna ito saglit. "Baka naman nagpalit ng number si Manong." pwede din naman. Kaso, yung way ng pagtext ibang iba eh. Hays. Bala na nga!

Nang makarating sila sa lugar kung saan susunduin si Eixel, ay nagpaalam na si Renz. May aasikasuhin din daw ito kaya baka maya-maya pa siya makauwi.

Mga ilang minuto siyang naghintay bago dumating ang service niya. Nung una'y akala niya'y hindi ito ang sundo dahil iba ang sasakyan. Dodge Viper? Sobrang mamahalin ng sasakyan na ito kaya nakakuha ng maraming atensyon ng mga estudyante. Bumukas ang bintana at dumungaw doon ang mukha ng isang lalaki - wait, what? Siya iyong lalaki na bisita nila Mommy sa bahay kahapon?! At bakit siya nandito?! Bakit siya ang sumundo sa akin? Siya na ba ang bago kong service?!

"Ano bang tinitingin-tingin mo diyan?!" mataray na tanong ni Klein sa dalaga. Nang mahimasmasan si Eixel ay sumakay kaagad ito. Pinaandar naman ng binata ang sasakyan. Wala silang imik pareho ng binata.

"Doon ka pala nag-aaral?" pagbasag ng binata sa katahimikan.

"Obvious ba?"

"Bakit parang ang taray mo?"

"Eh napakawalang kwenta kasi ng tanong mo. Tinatanong mo pa kung doon ba ako nag-aaral? Oh, eh ano tingin mo ginagawa ko doon? Tumatambay?" puno ng sarkasmo ang boses nito. Sa halip na sumagot si Klein, ay tumawa na lamang ito habang naiiling.

Pagkarating nila sa bahay nila Eixel, ay bumaba agad ang dalaga para pumunta nasa kwarto niya. Pero mas naunang bumaba ang binata kaya nahabol siya nito.

"Bakit ka ba nagmamadali? May humahabol ba sayo?" hindi niya ito pinansin, sa halip ay mas binilisan pa niya ang paglalakad. Nakakairita ang presensiya ng lalaking ito. Kahit na kakakilala lang niya, parang ayaw na agad niya sa lalaking to. "Okay."

Bago pa makapasok si Eixel sa bahay nila ay biglang sumulpot ang parents niya.

"Oh, nandito na pala kayo." tapos tumingin siya kay Klein at ngumiti. "Salamat sa pagsundo sa anak ko."

"Anything just for your daughter." gulat na napatingin siya sa binata. Anong anything just for your daughter? Nakita niya ang pagpapalitan ng tingin ng parents niya habang nakangiti at pinagmamasdan sila ni Klein. "Aalis na po ako, Mr. and Ms. Martines. Una na ako Eixel." inirapan niya ang binata. Umalis kaagad ang binata at pinaharurot ang sasakyan nitong sobrang mahal.

Tumingin siya sa mga magulang niya. "Anong ibig sabihin ng pagsundo niya na iyon? At bakit nandito siya?"

Nagtinginan muna ang dalawa at parang may pinag-uusapan sa pamamagitan lamang ng eye contact, bago siya sinagot ng Mommy niya.

"Siya ang lalaking nakatakdang ikasal para sayo. Siya ang lalaking nahanap namin na magiging---"

"Wait..what? Can you repeat it? Baka hindi ko lang narinig ng maayos."

"Sya ang lalaking nakatakdang ikasal sa iyo." walang lumabas na kahit na anong salita sa bibig niya. Ikakasal? Sa kaniya? Bakit hindi niya ito alam? Dapat man lang ay sinabi sa kaniya ng mga magulang niya bago naghanap ng mapapangasawa niya. Sinamaan niya ng tingin ang parents niya at dumaan sa space na nasa gitna nila at umakyat na sa kwarto niya. Isinara niya na ang pinto dahil ayaw niyang may umabala sa kaniya.

Love Me Till The End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon