Eixel's POV
Nagising na lamang siya dahil tumatama ang sikat ng araw sa paa niya. Nasa mag ulunan niya kasi ang bintana. Tinignan niya ang orasan at nagulat siya nang 10 na nang umaga. Bumangon siya kaagad. Tuwing Sabado at Linggo ay wala dito si Mamang at pati na rin si Manong dahil iyon lang ang araw ng pahinga nila. Umuuwi sila para ang pamilya naman nila ang maasikaso nila.
Naghilamos lang sya at bumaba na. Gutom na sya dahil hindi sya nakakain kagabi. Wala nang tao sa baba. Tinignan niya ang laman ng ref at nang buksan niya ito ay isang lata na lamang ng cornbeef ang nandoon. Hays. Kailangan na niyang maggrocery.
Pinagtiisan niya iyon dahil gutom na talaga sya. Hinugasan niya ang pinagkainan at umakyat na. Nagpahinga saglit at naligo na. Kailangan niyang mamili dahil baka wala na syang makain.
Klein's POV
10:00 am
Pagkabangon niya ay naramdaman niya ang biglang pagkahilo. Shit! Ang sakit ng ulo niya! At parang nasusuka sya! Kinuha niya sa mini drawer niya ang dalawang piraso ng advil atsaka bumaba upang kumuha ng tubig. Nang mainom ay medyo nawala ang sakit ng ulo.
Magluluto na sana sya ng pang-umagahan niya pero nang makita niya ang ref na wala nang laman ay inis niya itong isinara. Naghanap pa sya baka sakaling mayroong nakatabing de-lata pero bwisit, wala talaga! Kung kailan gutom na gutom sya atsaka pa wala! Wrong timing naman oh!
Naghilamos sya at nagbihis lang ng white tshirt at trunk short at nagtsinelas lang papunta sa grocery store.
Eixel's POV
Pumunta ako sa meat section. Bumili ako ng isang kilo ng manok. Lahat na ata ay tinignan ko, bumili na rin ako ng mga inumin. Parang gusto ko ring kumain ng madaming chichirya kaya naisipan kong kumuha na lamang.
Sobrang haba ng pila kaya naman naghintay pa siya ng matagal. Naiinip na sya kaya naman nagtext siya kay Renz. Parang hindi na rin nagpaparamdam ang binata sa kaniya.
Eixel: Hey.
Pangatlo sya sa pila. Nang tapos na ang una, itinago na niya ang cellphone niya.
Klein's POV
Nakakainip naman ang napakahabang pila na ito. Naiinis sya dahil parang ang bagal ng usad. Parang hindi naman siya naalis sa pwesto niya.
Habang tinitignan ang mga nakapila ay biglang natuon ang atensyon nya sa babaeng may mahabang buhok at itim na itim ang kulay ng buhok niya. Medyo wavy ang buhok nito. At kilalang-kilala niya kung kaninong buhok iyon. Eixel Martines? Panglima pa sya. Fuck! Bakit ba kasi ang bagal ng pila?!
Pagkalipas ng 5 minuto, sa wakas ay siya na. Inilapag niya na agad ang mga pinamili niya at nagbayad na. Wala siyang pake kahit na tinitignan siya ng cashier. May kailangan siyang habulin. Kailangan niyang habulin si Eixel.
Tumakbo agad sya papunta sa parking lot. Naabutan niya ang dalaga na parang may itinatype habang naglalakad. Bigla syang napatigil nang may naisip sya. Bakit ba niya sinusundan ang babaeng ito? Iwinaksi niya iyon at tuluyan na itong lapitan. Sinabayan niya ito sa paglalakad at halatang hindi sya napansin ng dalaga sa sobrang kabusyhan sa cellphone. Is she texting her boyfriend? Parang nasaktan siya sa isiping iyon! Fuck! Bakit sya nasasaktan?! Alam niyang wala siyang nararamdaman para sa dalagang ito! Pero ang nakakapagtaka, bakit niya pa hinabol toh?!
"Hey."
Eixel's POV
Paglabas niya kanina sa grocery store, malamig na simoy ng hangin ang kaagad na dumampi sa balat niya. Malalaki ang hakbang niya dahil hindi sya nakapagsuot ng jacket.
Ketext niya ngayon si Renz. Salamat at nagreply ang binata sa kaniya. Medyo matagal tagal din kung magreply ang binata.
May lalaki siyang kasabay maglakad. Nasinghot pa niya ang pabango nito kaya niya nalaman na lalaki ito. Pamilyar yung amoy. Nakaramdam siya ng takot. Baka mamaya ay bigla siya nitong kidnapin. Sa halip na pansinin, kunwari ay abala siya sa pagtatype.
"Hey." yung boses. Shit! No!
"H-hey." ibinaling niya na ulit ang tingin niya sa cellphone. At katulad kanina, nagkunwari siyang abala.
"Sinong katext mo?" bat ba kasi parang ang layo ng parking lot?
"Renz." parang kusang lumabas sa bibig niya ang pangalan nito.
"Renz? Boyfriend mo?" Shit! Ang tanga naman niya! Hindi pwedeng malaman ng lalaking ito kung sino si Renz dahil baka mamaya ay isumbong sya sa parents niya. Hindi niya ito pwedeng pagkatiwalaan lalo na't siya ang ibinabalak nilang lalaki para sa kaniya.
"F-friend."
"Bakit parang nauutal ka?" nang makarating na sila sa parking lot, at natanaw na rin niya ang sasakyan niya na BMW, kaagad niya itong pinatunog.
"Bye." yun lang ang tanging naisagot nya sa binata. Binuksan niya agad ang kotse at iniatras. Si Klein naman ay nakatayo lang habang tinitignan ang kotse niya na dadaan sa harapan niya. Nang malagpasan niya ang lalaki, tinignan niya ito sa rearview mirror. Sumakay na rin sya sa sasakyan niya. Shit! Muntik na ako doon ah.
Nagulat siya nang pagkapasok niya ay naabutan niya sa may sala ang mga magulang niya. "Saan ka galing?"
Itinaas niya ang mga pinamili niya. "Naggrocery." paakyat na sana sya nang mapigilan sya dahil sa boses ng kaniyang ama.
"Mag-usap tayo." naiinis na bumalik sya sa may sala at umupo sa may couch na katapat ng parents nya. Hindi siya makatingin ng diretso sa kanila kaya sa table na lamang sya tumingin. Ano nanaman ba ang pag-uusapan namin? Tungkol---
Naputol ang iniisip niya nang biglang magsalita ang parents niya. "Look at me, Eixel." para naman siyang robot at kusang tumingin sa Daddy niya. Ang seryoso ng mukha nito. "Alam mo naman na si Kle--"
"Dad, kung about sa kasal namin ang pag-uusapan natin, ngayon palang gusto ko nang sabihin na hindi ako makakapayag." desido niyang sabi. Takot sya sa Daddy niya at hindi niya ito sinasagot pero ngayon, kailangan naman niyang ipaglaban ang karapatan niya. Hindi lahat ng mangyayari sa buhay niya, magulang niya ang kokontrol nun. May sarili na siyang isip at kaya niyang pumili ng lalaki na ipapakilala niya sa mga magulang niya. Si Renz ang lalaking iyon. "Dad, Mom, 16 na ako. Hindi niyo na kailangan pa akong sabihan kung sino ang mapapangasawa ko. Kaya kong pumili. Atsaka dapat Dad, ako ang pipili talaga dahil ako ang mag-aasawa? Paano kung yung lalaking iyon ay masama pala? Dad, masama ang pakiramdam ko pagdating sa kaniya."
"Klein is not a bad man. Alam ko iyon, Eixel. Nakakasama ko sya sa mga meetings dahil minsan, sya ang pumapalit sa Daddy niya kapag abala ito. Mabait siyang tao at alam kong kaya ka niyang buhayin."
"Dad desido ako sa desisyon ko. Hindi ako magpapakasal sa kaniya. Dad, paano kung may mahal akong iba---"
"At sino naman iyon?" nakita niya ang pagtataka at galit sa mukha ng Daddy niya. Ito na siguro ang tamang panahon para ipagtapat niya sa mga magulang niya kung sino si Renz. At kung anong namamagitan sa kanilang dalawa. Baka sa paraang ito, maitigil niya ang kasalang magaganap.
"I have Renz. Si Renz...siya yung lalaking mahal ko, Dad, Mom. Siya yung lalaking lagi kong nasasandalan kapag may problema ako. Lagi siyang nandiyan sa tabi ko kapag mag-isa ako at kailangan ko ng kasama. Mahal na mahal ako ni Renz at ganun din ako sa kaniya.
Matagal bago nakasagot ang mga magulang niya.
"I don't care about your feelings. Wala akong pake kung parehas man ang nararamdaman niyo para sa isa't isa. Renz can't stop the wedding. Ako ang pipili ng lalaking para sa iyo. Alam namin kung ano ang makakabuti sa iyo." bago pa sya makaangal, tumayo na ang Daddy niya. Tinignan siya ng Mommy niya at parang galit din ito. Ano ba ang mayroon at pinipilit nila sa akin si Klein? Ginayuma ba ni Klein ang mga magulang niya kaya ganon na lamang ang kagustuhan nilang makasal siya rito?!
Nagmamadali syang umakyat sa kwarto niya habang may mga pumapatak na luha sa pisngi niya. Ngayon lamang niya hindi susundin ang mga magulang niya!
She packed her things at hinintay niya na makatulog na ang dalawa at dahan-dahan siyang umalis. THEY CAN'T CHANGE MY DECISION!
A/N: Lagot ka talaga sa parents mo, Eixel.
![](https://img.wattpad.com/cover/216701266-288-k041a7a.jpg)