Klein's POV
Pagdating niya sa bar ay nakita niya ang mga kaibigan niya. Bakit lahat sila nandito? Ang naalala lang niyang inaya niya ay si Jez. Bakit nandito ang dalawa? Nakita naman agad niya si Thea at tinabihan. Dumikit agad sa kaniya ang babae at niyakap-yakap sya.
"Bakit nandito kayong lahat?"
"Well, inaya kame ni Jez. Libre mo raw kasi." sinamaan niya ng tingin si Jez.
"Baliw ka ba Jez?! Ikaw lang ang inaya ko at ang ililibre ko!"
"Ang boring naman kung tayong dalawa lang kaya sila, inaya ko na ren."
"Ts. Ed ikaw magbayad sa dalawang iyan!"
"No way! Akala ko kasi kaming lahat! Pinatay mo kasi agad yung tawag kanina kaya di ko naitanong! Kasalanan mo iyon!" tumungga ito ng alak at hinalik-halikan sa noo ang girlfriend nito. Halatang kanina pa sila umiinom! Napasapo na lamang sya! Argh! Mukhang mapaparami na naman ang magagastos niya ngayon!
Nagpakalasing lang sila ng sobra. Nagkwentuhan tungkol sa kanya-kaniyang lovelife.
"Oh ikaw Storm, musta na ang love life?" tumungga ulit sya ng alak. Halos nakakatatlo na sya. Uuwi na naman siya nito ng lasing at magigising ng masakit ang ulo! "Wala pa rin ba?"
"Wala." at ang mga gago, tinawanan lang sya. Nagpakalunod na lamang sya sa alak. Sumayaw-sayaw sa dancefloor kasama si Thea. Kung ano-ano na lamang ang pinaggagawa nila roon at wala silang pake kung may mabunggo man sila. Ang importante, nagsasaya sila!
Nang tignan niya ang relo, alas singko palang ng hapon! Tinatamad syang umuwi! Hindi pa naman sya tinatablan ng kalasingan kaya umupo muna sya sa table nila at tumungga lang ng tumungga hanggang sa maubos niya ang 6 na bote ng alak. Nagsibalik na rin ang mga kaibigan niya habang akay-akay sila ng mga girlfriends nila. Si Thea naman ay umuwi na agad kanina dahil may emergency daw sa bahay nila.
"Hindi ka pa ba uuwi, babe?" tanong ng kasamang babae ni Leon, ibang babae na naman ito. Hindi na nakasagot si Leon dahil nakatulog na ito sa balikat nung babae. Tsk. Mukhang ako na naman ang maghahatid sa kupal na toh.
Nagpalipas muna sya ng ilang minuto bago niya kinuha si Leon sa babae. Ang iba naman niyang kaibigan ay hinayaan na niya sa mga girlfriend nila.
Nang maihatid na niya sa bahay nila si Leon ay umalis rin sya kaagad. Dumiretso na sya ng uwi dahil tinamaan na rin sya ng alak.
Eixel's POV
HINATID sya ni Renz hanggang sa may apartment ni Elise. Wala namang makakakita sa kanila dito na magkasama kaya hindi siya kinakabahan. Nagdoorbell na sya sa apartment ni Elise.
"Salamat sa paghatid."
Sakto naman na lumabas na si Elise. Dumighay pa ito. Mukhang kakatapos lang kumain ah. Nagpaalam na rin si Renz na kailangan na niyang umalis dahil may aasikasuhin pa daw siya sa bahay nila. Nang makapasok na sila ni Elise, ito na naman ang gaga, kilig na kilig.
"Kailan kaya ako makakahanap ng katulad ni Renz?"
"Makakahanap ka naman ng ibang lalaki diyan na magmamahal din sayo."
"Naku antagal pa nun panigurado. Sa tabang kong toh, may papatol kaya saken?"
"Oo naman." sagot niya rito. Masyado nang nawawalan ng tiwala ang kaibigan niya pagdating sa sariling lovelife. "Nga pala, anong ulam?"
"Anong anong ulam? Hindi ka ba pinakain ni Renz sa labas?"
"Hindi."
"Ano ba yan! Kala ko pa naman kumain kayo dyan sa labas. Wala naman palang kwenta yang date niyo." atsaka sya tumayo at pumunta sa ref at may kinuha doon. Inilapag niya iyon sa may mesa. Siya naman ay binuksan niya.
"Sardinas?"
"Oh ano? Magrereklamo ka pa? Ikaw na nga lang tong makikikain, ikaw pa tong magaling magreklamo!" atsaka siya iniwan sa may kusina. Grabe naman yun! Parang yun lang! Baka bitter lang talaga yung taba na yun!
Naghain na siya ng pagkain. Naubos niya yung inihain niya. Nang maghuhugas na siya ng pinggan, may nakita na naman syang isang pinggan at isang baso sa lababo. Grabe talaga ang babaeng iyon! Dahil sa mabait siya, hinugasan nalang din niya.
PAGKAPASOK niya sa kwarto nila, naabutan niyang nagcecellphone si Elise. Saglit lang siyang tinignan nito.
"Nga pala, papasok ka ba bukas?" oo nga pala. Monday na pala bukas at may pasok na. Hindi naman pwedeng umabsent siya. Kagagalitan talaga siya dahil top 2 sya sa room nila at nageexpect din ang parents niya na magiging top 1 na sya bago mag-end ang school year. Minemaintain niya ang pagiging perfect attendance.
"Syempre naman."
"May dala ka bang uniform?" atsaka lang niya naalala yung uniform niya! Bat ba hindi niya naisip na dalhin din yung uniform niya! Ang tanga talaga! Kailangan tuloy niyang umuwi dahil nandoon ang uniform niya.
Mag 7 palang. Uuwi ba ako mamaya? Malamang. Napasabunot na lamang sya sa ulo niya. Mamayang 11 na nga lang ako uuwi. Nagvavibrate ang phone niya at sa tuwing titignan niya iyon, ang Mommy at Daddy lang niya kaya pinapatay na lamang niya. Ayaw niya pang makipag-usap sa mga ito. Alam niyang nag-aalala na ng sobra ang dalawa sa kaniya pero galit pa rin sya sa mga ito.
Pagsapit ng 10 ng gabi ay inihanda na ni Elise ang gamit niya. Sinabihan na rin niya si Elise na uuwi siya. Nung una ay hindi pumapayag si Elise na umuwi sya ng ganoong oras. Ipinipilit nito na ihahatid sya hanggang sa bahay nila. Pero ngayon tulog ang dalaga at walang kaalam alam na aalis na sya. Hindi na niya gigisingin ito dahil ayaw na rin naman niyang mang-istorbo ng tulog ng iba.
SUMAKAY siya sa isang tricycle. Noong una'y kinakabahan sya kasi baka mamaya ay may gawing masama sa kaniya ang lalaki. Pero nang safe naman syang nakarating sa may tapat ng bahay nila, nakahinga rin sya ng maluwag. Nagbayad rin sya ng 50 pesos dahil iyon ang siningil sa kaniya. Buti na lang at may pera pa syang natira.
Dahan-dahan niyang binuksan ang gate ng bahay nila atsaka pumasok. Nang nasa tapat na sya ng pinto ay inilapat niya ang hintuturo niya sa isang screen at kaagad na nagbukas ang pinto nila.
Umakyat siya sa kwarto niya nang walang nakakaalam. Natulog sya agad dahil maaga ang pasok niya bukas. At ang mga magulang niya ay aalis rin ng maaga kaya naman hindi nila maabutan ang pagpasok niya.
NAGISING sya nang maramdaman niyang may umupo sa dulo ng higaan niya. Tinignan niya ito at laking gulat niya nang makita niya ang Mommy niya na seryosong nakatingin sa kaniya. "M-mommy."
"Nak, saan ka nagpupunta?" bumangon sya at halos hindi sya makatingin ng diretso rito. Ang buong akala niya ay hindi sya makikita ng mga magulang niya ngayon. "Sobrang nag-alala kami ng Daddy mo dahil bigla ka nalang nawala. Salamat nalang at ligtas ka." atsaka sya niyakap nang napakahigpit. "Sorry kung ganun ka namin pilitin ng Daddy mo tungkol sa kasal ah? Gusto lang naman naming siguraduhin na magiging maganda ang future mo sa magiging asawa mo." humiwalay sya sa pagkakayakap sa Mommy niya.
"My, hindi na ako bata. Kaya ko nang pumili ng lalaki na para sa akin! Bakit po ba kasi hindi niyo nalang ako hayaan at iatras ang kasal na yun? Sa tingin niyo pa ba, magiging masaya ako kapag ikinasal ako sa taong hindi ko naman gusto?" hinaplos-haplos lang ng Mommy niya ang pisngi niya.
"Hayaan mo. Kakausapin ko ang Daddy mo tungkol doon. Kung sakali man na mapapayag ko syang hindi na ituloy, sasabihin ko nalang sa iyo. At kapag naman hindi sya pumayag at desido talaga sya, tanggapin mo nalang ha? Atsaka hindi mo pa naman masyadong kilala si Klein para husgahan mo agad." hinalikan lang sya sa noo atsaka tumayo na. "Sige na. May pasok ka pa ngayon at kailangan mo nang maghanda dahil baka malate ka." umalis na rin ito sa kwarto niya at sya naman ay naiwang nakatulala. Sana naman ay pumayag si Daddy. Ayaw niya pang ikasal!
A/N: Ahhh! Nauubusan na ako ng mga ideas kung paano ko pa ito ipagpapatuloy! Cheer me up guys!
Atsaka baka matagal pa po yung next update!! Hihihi
![](https://img.wattpad.com/cover/216701266-288-k041a7a.jpg)