Chapter 41 - Rain

709 26 3
                                    

Chapter 41: Rain

September 3, 2019

Billie

Nagkaayos na kami ni Andy kahapon bago n'ya ako inihatid. Pero.. hindi naman talaga kami mag-kaaway kahapon. Ewan lang kung bakit bigla nalang akong nainis ng hindi ko malaman. Siguro tama s'ya, nagselos ako? Sa tingin ko nga. Bakit hindi naman masama ah? Gusto ko si Andy, natural lang na mag-selos ako.

Pero kagabi, napa-isip ako sa sinabi ni Tom saakin kahapon habang hinahatid ko s'ya sa kotse n'ya. May sinabi s'yang lubos na ikinalito ko. Ewan ko kung totoo pero sana nga totoo nalang ang sinabi n'yang iyon.

Nag-punta na ako ng bathroom para maligo. Anong na kase at baka malate pa ako.

Pero nung papunta ns ako sa bathroom ay napatigil ako ng mapatingin ako sa full-length mirror ko. Napatingin ako sa leeg ko ng makita ko ang kwintas na binigay saakin ni Andy. Napangiti ako saka ko iyon hinawakan.

Hinding hindi ko ito huhubarin kahit na anong mang-yari..

Andy

"Anong color theme ba ang gusto mo? Black and gold kaya para mukhang elegante hehe. What do you think, Ands?" tanong saakin ni Ate habang busy ako sa pag-kain ng break-fast. Kanina pa s'ya nag-sa-suggest ng tungkol sa birthday ko. Ako naman oo lang ng oo.

"Sige lang." sambit ko saka higop ng gatas.

"Son, saan mo ba gustong ganapin ang party mo? Sa hotel o dito nalang sa bahay?" tanong ni Papa.

"Sa--"

"Hotel nalang, Papa. Kapag dito kasi may lilinis pa kaya mas mabuti nalang kung sa hotel nalang.. 'diba, Andy?" tanong nanaman ni Ate at wala naman akong ibang nagawa kundi ang matawa habang tumatango.

"S-sige, sa hotel nalang po." sambit ko saka ako sumubo ng pag-kain. Wala naman saakin kung elegante o hindi. Ang mahalaga nandoon ang babaeng espisyal saakin hehe. Makita ko lang si Billie solve na ang birthday ko.

"Formal nalang ba o gusto mo ng masquerade theme?" tanong ni Ate. Napaisip naman ako. Ang corny naman kung masquerade 'diba? Ano 'to 18th birthday?

"Formal nalang, Ate." sambit ko. At tumango tango naman s'ya. Tapos bahagya kong nailayo ang muka ko dahil lumapit s'ya saakin saka ako tiningnan ng matalim. "N-nakakatakot ka naman, Ate." sambit ko.

"Sabihin mo.. sino ba ang mga gusto mong imbitahan sa party mo?" tanong n'ya at napa-isip naman ako.

"A-ano syempre mga kaibigan ko."

"Sino pa?"

"M-mga kamag-anak--"

"Sino pa?" nangunot ang noo ko dahil ang weird ni Ate. Problema nito?

"S-siguro 'yung ibang schoolma--"

"Sino pa!?" gulat akong napatingin kay Ate saka ko s'ya kinunutan ng noo. "A-ano bang problema mo, Ate--"

"Sino pa!?"

"Teka nga Ate Alice.. May iniintay kabang banggitin ko?" tanong ko at kita ko naman kung paano nag-pantay ang kilay n'ya sabay iwas ng tingin saakin. Sabi ko na e.

"W-wala no." sambit nito saka uminom ng gatas.

"Meron 'yang iniintay." sabat ni Papa at natawa naman ako.

"Papa~" saway sa kan'ya ni Ate at parehas lang kaming natawa saka ako nag-patuloy sa pag-kain.

"Huwag kang mag-alala. Pupunta rin si Kuya Peter kasama si Billie." pag-kabanggit ko ng pangalan ni Kuya Peter ay nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin s'ya saakin kaya napatingin din ako sa kan'ya. Natawa pa ako dahil parang nag-spark ang mga mata n'ya. Hahaha malakas amats nito kay Kuya Peter ah.

Road to You (Sports #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon