Chapter 45 - The Best Racer in the World

640 18 1
                                    

Chapter 45: The best racer in the world

Billie

Ngayon na mismo ang laban ni Andy dito sa palawan. Hindi na s'ya nakapag-ensayo dahil gabi na kami nakarating dito sa palawan, alangan namang mag-practice s'ya ng gabi diba? Kawawa naman s'ya pag-nagkasipon s'ya.

Sa hotel kami nag-stay nina Andy kasama ang Papa at Ate n'ya. Sa isang suit mag-kasama kami ni Ate Cleo habang mag-kasama naman sa katabi naming suit sina Tito Alberto at Andy. Parehas namang may dalawang kwarto ang suit na kinuha namin.

5:30 am na at bumangon na ako. I did my morning rituals at saka ako lumabas ng kwarto ko. Pag-labas ko may naamoy kaagad akong mabangong pag-kain. Pag-rating ko sa mini kitchen ay nakita kong nag-hahain si Ate Cleo, agad s'yang napatingin saakin saka ngumiti.

"Good morning, Billie. Come, kain ka muna." yaya n'ya saakin saka ako pinaupo sa stool. Tumingin ako sa pag-kain at lahat mukhang masarap.

"B-bakit pa kayo nag-luto, Ate? Pwede naman pong sa lobby nalang tayo kumain." sambit ko at tumabi naman s'ya saakin saka nag-salita.

"Madaming tao sa lobby dahil sikat ang hotel na ito. Hindi ka makakakain ng ayos doo hihi." sambit n'ya at napatango tango naman ako. Saka ko inumpisahan ng kumain.

Habang kumakain ako ay nakita ko sa peripheral vison ko na pinag-mamasdan ako ni Ate Cleo habang kumakain kaya napatingin ako sa kan'ya at nakangiti s'yang pinag-maamsdan ako.

"B-bakit po?" tanong ko at nangalumbaba s'yang pinag-masdan ako. Nakakailang haha.

"Ang ganda mo kahit bagong gising ka. Bagay na bagay talaga kayo ni Andy." dahil sa sinabi n'ya ay napangiti ako habang tumatango tango.

"T-talaga po?" sambit ko saka nag-simula na uling kumain.

"Alam mo ba kinuwento saakin ni Mama noon na.. akala n'ya nung pinag-bubuntis n'ya si Andy ay babae ang nasa sinapupunan n'ya?" sambit ni Ate Cleo at bahagya naman akong nagitla.

"T-talaga?" gulat na tanong ko at tumango naman s'ya.

"Hilig kasi ni Mama ang grapes, straw berry at apple. Kaya buong akala nila ni Papa ay babae si Andy. Katunayan nga e binilhan na s'ya ni Mama ng pink na crib kase akala nila babae talaga ang pinag-bubuntis n'ya. Hanggang sa pinanganak si Andy. Dahil nga gusto ni Mama mg babaeng anak, nililipstikan n'ya si Andy palagi kapag bored s'ya hahahaha."natatawang kwento ni Ate Cleo at natawa din ako. Yun kaya 'yung picture ni Andy na may lipstick na pinakita nung birthday n'ya? Hahahaha."Nung nawala na si Mama, ako na nag-tago ng mga pictures na iyon. Akala ni Andy tinapon ko na lahat pero ang totoo.. tinago ko hihi." sambit n'ya at natawa naman ako.

"Kaya pala." sabay kaming napatingin ni Ate Cleo sa likod namin ng may mag-salita doon. Nakita ko si Andy na nakasimangot habang nakatingin saamin.

"N-nandito ka pala, Andy." gulat na sambit ni Ate Cleo at humalukipkip naman si Andy saka sumandal sa fridge na katabi n'ya.

"Wala ako dito, Ate. Konsensya ko lang ang nakikita mo." sarkistong tugon ni Andy at napabuga naman ng hininga si Ate Cleo.

"Whooo. Buti nalang, konsensya ni Andy.. wag mong sasabihin kay Andy ang mga narinig mo ah?" sambit ni Ate Cleo at palihim naman akong natawa. Barahan ang mag-kapatid.

Kita ko naman kung paano nangasim ang muka ni Andy saka tumayo ng tuwid.

"Seriously, Ate?" halata sa boses n'ya na inis s'ya. Psh! Kung makatawag s'ya saakin ng pikon kala mo naman s'ya hinde.

Road to You (Sports #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon