Chapter 10 - Jealous

763 23 0
                                    

Chapter 10: Jealous

Andy

Nag bihis na ako pag-katapos na pagkatapos ng training ko. Tinawagan ko si Pikon para samahan ako sa favorite place ko. Kaso umaayaw pero syempre pipilitin natin. Slave ko kaya s'ya.

Pag tapos ko mag-bihis nag pabango na ako. Hmm Calvin Klein Obsession. Bangooo! ^__^

Pagbaba ko galing kwarto ko kinuha ko na ang susi ng motor ko. Nag text narin ako kay Pikon na papunta na ako. Pero hindi s'ya nag reply kaya umalis na ako.

At saktong pag-dating ko sa condominium na tinutuluyan ni Pikon, nakita ko ang mayabang na si Railey na presnteng nakasandal sa kotse n'ya at mukhang may inaantay.

Sino kayang inaantay n'ya dito?

Akmang pupunta na ako ng parking lot ng makita ko si Pikon na bihis na bihis at.. PINUNTAHAN SI RAILEY!

Ilang minuto silang nag-usap saka n'ya pinapasok si Pikon sa loob ng kotse n'ya.

Kaya ba ayaw akong samahan ni Pikon dahil may lakad sila ni Railey? Ano 'yan date? Anak ng teteng!

Nung umalis na sila inistart kong muli ang makina ng motor ko.

Susundan ko sila!

Mabilis na nagpatakbo si Railey ng kotse n'ya. Aba't sira ulo ito ah! Sakay sakay n'ya si Pikon tapos ang bilis n'yang mag-patakbo? Baka nakakalimutan n'yang iba ang kotse sa motor.

Hindi ako masyadong lumapit sa kotse nila, baka kasi mahalata nila na sinusundan ko sila.

Medyo malayo layo na kami, aba saan ba nito balak dalhin si Pikon?

Sa wakas tumigil nadin s'ya sa-- at kung sinuswerte ka nga naman, sa restaurant pa namin s'ya dinala ni Railey. Ah so magdedate nga sila? Hah! Mas sinamahan pa ni Billie si Railey kaysa sakin. -_-

Nung pumasok na sila, nanatili lang akong nakasakay sa motor ko sa parking lot. Tanaw na tanaw ko sila dito dahil nasa may glass window sila.

Napansin ko ang pagiging pormal ni Pikon habang kausap si Railey. Panay ang ngiti n'ya.

Eh bakit pag ako kausap ni Pikon kulang nalang isumpa n'ya sa sobrang pagkainis n'ya. Dibale na, The more you hate, the more you love nga 'diba?

Teka ano bang sinasabi ko? Bawal akong mainlove kay Billie.

Madilim na pero andito parin ako, antagal naman nilang matapos? Napikit na sana ang mata ko sa sobrang antok ng makita kong lumapit si Railey kay Billie at pinunasan ang labi nito.

Napatayo agad ako at walang ano ano'y pumasok ako ng restaurant. Binati pa ako nung ibang crew pero hindi ko sila pinansin. Sa halip ay lumapit ako sa kanilang dalawa.

"Sorry kung nakaka-istorbo ako sain'yong dalawa ha.." sambit ko at nakita ko namang kapwa silang nagulat dahil sa sinabi ko.

Hinawakan ko sa wrist si Billie saka ko tinayo.

"Sorry, Railey. Kailangan na n'yang pag-silbihan ang amo n'ya." yun lang at kinaladkad ko na si Billie palabas ng resto.

Billie

Nung medyo malayo na kami sa resto, marahas kong inagaw ang kamay ko at tumingin sa kan'ya.

"Andy, ano bang problema mo!?" inis na tanong ko sa kan'ya.

"Ikaw!"sambit nito at napasinghal naman ako.

"Bakit ako?!"

"Nag-papasama ang amo mo na pumunta sa favorite place n'ya pero mas sinamahan mo pa ang lalaking iyon kesa sa amo mo."naka-pout na sambit nito at muntik na akong matawa. Nakalimutan kong galit nga pala ako.

Road to You (Sports #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon