Prologue/Chapter 1 - Love of my Life

3.6K 44 2
                                    

Prologue/Chapter 1: Love of my life

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prologue/Chapter 1: Love of my life

"Nakikita na po nating nangunguna na ang superbike number 7."sambit nung commentator sa kasama n'ya pang commentator.

"Oo nga partner, alam mo may nalaman ako tungkol sa batang iyan."sambit nito habang parehas sila nakatingin sa malaking screen kung saan matutunghayan ang kasalukuyang racing na nagaganap.

"Ano naman iyon?"

"Balita ko na mabangis talaga sa karera ang number 7 na 'yan. Andy 'ata ang pangalan n'ya kung hindi ako nagkakamale."

"Ah oo partner, mantakin mo sa edad na 11 years old nangangarera na s'ya." manghang sambit nito.

"Oo nga, tingnan mo oh.." sabay turo nito sa screen kung saan nakatapat sa number 7 ang camera. "Parang hinde 11 years old kung mag maneho Hahaha."

"Tama ka Hahahaha.. At patuloy parin s'yang nangunguna sa karerang ito."

Kabadong nanonood ang pamilya ni Andy sa kan'ya dahil alam nilang hindi malayong maaksidente si Andy sa ganitong klaseng sports pero hangga't maaari, pinapanalangin nila na sana ay hindi ito mangyare.

Makalipas ang ilang laps ay narating na nila ang huling laps at iilan nalang silang naglalaban dahil 'yung iba ay nagsemplang na.

Habang papalapit ng papalapit sa finish line ay paunti na sila ng paunti hanggang sa maging dalawa nalang sila.

"Anak galingan mooo!" sigaw ng tatay nito kahit na alam n'yang hindi s'ya naririnig nito ay ibinibigay parin nito ang buong suporta sa anak.

Tumingin si Andy sa natitirang n'yang kalaban. Ilang segundo s'yang nakipag titigan dito saka s'ya mayabang na sumenyas sa kalaban na para bang sinasabing "Umuwi kana."

Napangisi si Andy saka n'ya pinihit ng malakas ang manibela at ilang minuto ang lumipas at naghiyawan na ang mga tao.

"IT'S OVER! IT'S OVER!" masayang sambit nung dalawang commentator habang nagtatatalon pa. "NANALO ANG NUMBER 6!"

"NANALO SI ANDY DELA TORRE!"

Napangiti nalamang si Andy ng maalala n'ya ang karera n'ya 9 years ago. Nakatitig s'ya ngayon sa malaking picture n'ya noong 11 years old palang s'ya. Nasa loob s'ya ng isang kwarto kung saan nakalagay ang mga trophies n'ya at iba pang mga award na may kinalaman sa racing.

7 years old s'ya ng matutong mag motor at 9 years old naman s'ya nung nag umpisa s'yang mangarera. At sa edad n'yang iyon ay nakitaan na s'ya ng potensyal ng kanyang ama na nagmistulan naring kanyang coach, kaya naman inensayo s'ya ng kanyang ama at nagbunga naman ang kanilang tyaga dahil bumaha na sa kwartong ito ang mga tropeyong naiuwi ni Andy.

Minsan na rin s'yang naging pambato ng pilipinas sa mga international games sa iba't ibang bansa at maraming beses din s'yang nanalo dito kaya naman pinagmamalaki s'ya ng kan'yang mga kababayan.

Road to You (Sports #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon