Chapter 27 - Moving On

725 20 1
                                    

Chapter 27: Moving On

Billie

Isang oras na ang lumipas simula nung nangyari 'yung muntik na akong mahulog sa kabayo. Buti na laang at nasalo ako ni Andy.

Nag-pahinga muna kame saglet, pero hindi ko naisipang umuwi na kahit inaya na n'ya ako. Ayoko pang-umuwi, kase kapag-umuwi ako malulungkot lang ako dahil mag-isa ako doon.

Kapag kase mag-isa ako doon ko lang nararamdaman ang lahat ng klase ng lungkot. Kaya gusto ko munang mag-saya habang kasama ko si Andy.

"Are you fine? You Sure?" tanong ni Andy at napairap naman ako. Pang-ilang beses na ba n'yang tinanong 'yan!? 50 times na 'ata!? At 50 times narin akong sasagot ng..

"Okay na nga ako diba!?" pag-tataray ko saba'y irap. Narinig ko naman s'yang tumawa ng mahina.

"Hahahaha! Okay kana nag, nag-tataray kana e." natatawang sambit n'ya at kumagat nalang ako ng burger na hawak ko. Pasado 6:00 pm nadin kase.

Pero hindi ko maiwasang matakot nung maalala ko 'yung kanina, feeling nag-karoon na tuloy ako mg phobia sa pag-sakay sa mga kabayo. Hays!

"Hays, dahil sa sama ng nangyare sakin ngayon parang natakot na tuloy akomg sumakay sa mga kabayo." malungkot na sambit ko sabay inom ng milk-tea.

Kita ko namang napaismid s'ya at napaiwas ng tingin.

"Tsk! This is all those children's fault. Sinaway ko na't lahat tinuloy parin!.. Mga batang kukutusin talaga." rinig ko pang bulong n'ya at bahagya naman akong natawa. Gagalit?

Pero kanina, sobrang pasalamat ko na nailigtas ako ni Andy. Maalam pala s'ya sa pangangabayo noh? Ang gwapo n'ya kanina habang nangangabayo hehe.

***

"Tara dali! Madilim na maganda na ang view doon." sambit ko sabay hila sa kan'ya sa pila ng ferris-wheel.

"Alright, sasakay na tayo." natatawang sambit n'ya saka kami sabay na pumila.

***

"Wooow! Ang angas ng view dito!" mang-hang sambit ko saka ako tumingin sa bintana nitong sinasakyan namin. Nasa may tuktok na kami at kitang kita ko ang mga ilaw sa baba at sobrang ganda talagang pag-masdan.

Pero agad na nawala ang ngiti sa labi ko ng matanaw ko ang isang tindahan na may malaking karatula. Hindi ko alam kung nang-aasar ba ang tadhana o ano. May nakalagay lang naman na VENICE STORE yung tindahan.

Napaayos tuloy ako ng upo saka ako napayuko. Ewan ko ba, sa tuwing sumasagi sa isip ko 'yung ex ni Andy ay nawawala ako sa hulog.

Kita ko namang sinilip ni Andy ng bahagya ang muka ko. Nasa unahan ko kase s'ya naka-upo.

"Are you okay, Billie? Ba't bigla kang naging ganyan?" tanong n'ya. Huminga naman ako ng malalim saka tumingin sa mga nagkikislapan n'yang mata.

Tanungin ko kaya s'ya tungkol sa ex n'ya?.. Tama tama! Wala namang masama e.

"A-andy.." tawag ko sakan'ya.

"Hmm?"lumunok muna ako bago ako nag-salita.

"B-bakit ba kayo nag-break ng ex girlfriend mo?" tanong ko. At kita ko namang bahagya s'yang nagulat saka napaiwas ng tingin.

Tae itutuloy ko pa ba ang pag-tatanong? Baka magalit s'ya!

Ilang segudo s'yang hindi nakasagot saka s'ya bumuntong hininga ng malalim.

Road to You (Sports #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon