Chapter 46 - Sleep Over

592 25 2
                                    

Chapter 46: Sleep over

Billie

"Galingan mo, kaskasero ah?" sambit ko at ngumisi naman s'ya.

"Syempre naman.. Nga pala, tigilan mo na kakatawag mo saakin ng kaskasero ah?" sambit nito at nangunot naman ang noo ko.

Andito na kami ngayon sa pag-darausan ng racing event. Nasa 20 lang silang kasale sa race kaya medyo konti lang kumpara sa totoo race internationally. 7 laps lang ang kailangan nilang lag-pasan at makukuha na nila ang premyo, na kung si Andy man ang manalo ay idodonate n'ya sa charity hihi. Ang bait ng boyfriend ko.

Kasalukuyan pang nasa tent ang mga racer dahil pinupwesto na muna ang mga motor nila sa starting line. Ilang minuto nalang din at mag-uumpisa na. Kumpleto narin sa suot si Andy at helmet nalang ang kulang.

"Bakit naman?" takang tanong ko.

"Iba kasi ang kaskasero sa racer. Ang racer ay katulad ko at ang kaskasero naman ay 'yung lalaking nakita natin kaninang umaga." sambit nito. Inirapan ko naman s'ya.

"Bakit ba e sa 'yon ang first impression ko sa'yo e!" sambit ko at pinag-singkitan naman n'ya ako ng mata.

"Seryoso ka? Sa gwapo kong 'to kaskasero?" sambit n'ya habang nakaturo pa sa sarili n'ya.

"Mamaya na nga tayo mag-talo." sambit ko saka ko kinuha ang helmet n'ya sa table at inabot ko sa kan'ya. "Galingan mo, pag hindi mo ginalingan wala kang kiss--"

"Gagalingan ko don't worry!" sagot n'ya agad at natawa naman ako. Tss! Ang hilig naman sa kiss ng taong ito. "Tss! Anong tinatawa tawa mo d'yan? Humanda ka sakin pag ako ang nanalo." makahulugang sambit n'ya saka ngumiti at tumayo na at nag-lakad papunta sa starting line. Nangunot naman ang noo ko.

"Mag-handa saan?"

***

"Go Andyyy!" sigaw ko at kita ko namang napalingon s'ya saakin tapos kumaway kaya kumaway din ako hihi. Nakasakay na sila ngayon sa motor nila at iniintay nalang nila ang hudyat nung flag marshal kung start naba 'yung race.

"Ganadong ganado si Andy kanina pa simula nung pag-gising n'ya kanina." sambit ni Tito Alberto at napatingin naman ako sa kan'ya. Mag-kakatabi kasi kaming naka-upo nina Tito Alberto, Si Ate Cleo at ako. Tapos nagulat ako ng biglang tumingin saakin si Tito Alberto."Sa tingin ko tama lang ang desisyon n'ya na isama ka dahil mas lalo s'yang ginanahan mag-race compared dati." sambit ni Tito Alberto at ako naman hindi ko alam ang sasabihin kaya naman napangiti lang ako.

"Yah, I agree. Kahit si Andy ang champion sa mundo ng racing ay hindi mo aakalaing sooooobrang tamad n'yang mag-training kaya nadidisiplina ko s'ya." sambit ni Ate Cleo. "Pero nung nakilala ka n'ya, may pag-kakaton na para s'yang sinaniban ng kasipagan mag-training. Yung tipong sumusuko na ang gulong ng motor n'ya pero s'ya sige parin sa pag-trtraining. Ibang klase talaga mainlove ang kapatid ko." umiiling iling na sambit ni Ate Cleo at ako naman mahinang natawa lang.

Siguro nga madami pa akong hindi alam tungkol kay Andy. Pero willing naman akong malaman lahat iyon. Lalo kung galing mismo sa labi n'ya hihi.

Maya maya lang nag-umpisa na ang race at 1st lap palang, si Andy na ang nauuna. Well..

Patuloy parin ako sa pag-chicheer at kagaya ko ay marami ring nanonood na taga suporta ni Andy. Karamihan panay babaeng puro tili lang ang alam gawin. Feeling ko nga hindi nila sinusuportahan si Andy dahil magaling mag-race e, dahil gwapo lang si Andy dahil sila humihiyaw.

"Waaaaaaaaaaah! Andy ang gwapo moooooo I love youuuuuu!" napairap naman ako mg may marinig akong ganyang klase ng sigaw sa likuran ko. Hindi na ako nag-abalang lingunin iyon dahil baka mainis lang ako.

Road to You (Sports #1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon